Lily's POV
Arrrgh. Ang sakit sakit talaga ng ulo ko ewan ko kung bakit saka yung buong katawan ko. Tss. Pero kahit ganoon may trabaho pa rin ako.
Inayos ko ang buhok ko , I just ponytail it tapos sinuot ko yung palda kong hanggang binti ko. At ang favorite kong blouse na floral
Nakita ko si Mama na kagigising lang at halatang puyat.
"Ma , good morning po"
"Walang maganda sa umaga"
Inismidan ako ni Mama at nagtungo sya sa kusina.
Ang sakit talaga ng ulo ko grabe.
Umalis na ko ng bahay hindi na ko nagpaalam pa kay Mama , baka magalit lang sakin yun.
Eto ko papunta sa Condo Unit ng Pabebe na yun.
I text him
To Pabebe
Sir , papunta na po ako sa condo nyo.
*Beep*
Aba ang bilis magreply ni Pabebe
From Pabebe
Yeah. Tnx. I'm still here at Manila but susunod din ako jan. Tnx a lot
Susunod din naman pala :/
Kinuha ko yung susi ni Yulesis. Unti unti kong pinagmasdan.Parang familiar sakin ang bagay na to. Parang may ganito ako. Parang lagi ko na tong nahahawakan.
Hay nakakapeste , ang sakit lang talaga ng ulo ko -_-
Maya maya andito na ko at akmang bubuksan ko na yung pintuan nang ....
"Hey Amanda!"
Tss ! Bakit ba ko napagkakamalang si Amanda ?!
Sya yung lalaking nakasalubong ko este nakabungguan ko sa office ni Yulesis
"Sir no I'm not her"
"No. Don't fool me " sabi niya sabay lapit sakin
Grabe konti na lang talaga yung agwat naming dalawa grabe sya.
"Sir I have to go . Uhm , excuse me "
Ipinasok ko na yung susi doon sa pintuan tapos hinila nya yung kamay ko.
"You can't fool me Amanda alam kong ikaw yan. Sa ilang beses ng may nangyayari satin hindi pa ba kita makikilala?"
Shocks! So Amanda is cheating on Yulesis?! Oh no!
"Teka Sir , mali talaga . Hindi ako si Amanda okay?! Saka grabe ang kapal din po ng mukha nyong pumatol sa girlfriend si Sir Yulesis!"
Nanlaki yung mga mata niya. Well kahit ubod siya ng gwapo hindi ko siya uurungan.
"Hey , stop si Amanda mismo yung lumalapit sakin "
"Eh bakit nyo naman po pinapatulan?!"
Nagagalit na talaga ako peste. Bukod sa pinagpipilitan niyang ako si Amanda aba mali rin na lokohin nila si Yulesis ah! Tss .