Chapter 5 Juno's Second Refuge

6 0 0
                                    

Paparating na ang motor ni Juno sa tagpuan na pinag-usapan nila ng katawagan niya kanina noong papunta pa lang siya sa racing place. Sa hindi kalayuan ay may nag-aabang na pick-up truck. Kulay itim ang sasakyan, maganda at halata mong pinakagastusan ang set-up nito. Makinis, walang gasgas, kung titingnan mo ay para bang bagong bili lang ito. Pero ang totoo ay mag-iilang taon na rin ito, sobrang alaga lang talaga ito ng may-ari.

Nung makita sa side mirror ng nasa driver seat na paparating na si Juno ay bumaba agad ito, binuksan nito ang trunk ng sasakyan at ibinababa ang tools na parang rampa. Idineretso ni Juno sa pick-up trunk ang kanyang motor, tinansya naman ng driver ng pick-up ang pagsampa ni Juno, wala pang dalawang segundo buhat ng masampa ni Juno ang motor niya sa pick up ay sinara agad ng driver ang likudan. Ito ay upang hindi na umatras pa ang motor ni Juno.

Pasampa ang pagbaba ni Juno na animo'y para bang tumalon lang siya sa bakod na naka-alalay lang ang kaliwang kamay sa paghawak sa trunk ng pick-up. Sa harapan ni Juno ay isang babaeng hindi maipagkaila ang ganda, maputi, may katangkadan, matangos ang ilong, magkaparehas sila ng haba ng buhok ni Juno, chest level, parehas din sobrang itim at medyo may kakapalan, bilugan ng kaunti ang mata, may pagka-kapal ang kilay na halata mong alagang-alaga. May halong kaunting make-up ang babae na kasama ngayon ni Juno pero lutang pa rin naman ang ganda nito.

Maganda rin si Juno, hindi lang siya marunong umarte sa katawan, hindi rin marunong magmake-up. Pero kahit ganun pa man ay hindi rin maipagkaila na may dating rin ito. Tuwid ang buhok ni Juno pero hindi gaanong bagsak, ika nga ay may pagka-wavy, layer ang pagkagupit. Tumitingkad ang kulay brown niyang mata at namumula ang mga pisngi kapag naaarawan. Hindi mo masasabing matangos ang ilong ni Juno, hindi rin masasabi na pango. Bumagay ang gitnang hairline ni Juno sa hugis ng kanyang mukha. Oval face. Manipis ang labi na animo'y parang may lagay na liptint. Maputi ang balat.

Hinawi ni Juno ang kanyang buhok pataas at tumingin sa babae na nasa kanyang gilid na ngayon sabay buntong hininga.

"You look like shit." usal ni Maggie habang tinitingnan si Juno na para bang pinagbagsakan si Juno ng langit at lupa.

Si Maggie. Si Maggie ay tinuturing ni Juno bilang isang kaibigan. Kung meron man siyang hihingan ng tulong kapag may kailangan siya ay hinding-hindi siya magdadalawang isip na ang unang sasabihan ay si Maggie. Pero likas na malihim si Juno at mas pinipili na sarilinin na lang ang mga bagay-bagay.

Sumenyas lang si Juno na pumasok na sila sa loob ng sasakyan.

Habang nagdadrive, hindi mapigilan ni Maggie na hindi mapatingin kay Juno sa front mirror. Sa backseat umupo si Juno, hindi dahil ayaw siyang kulitin ni Maggie kundi dahil gusto niyang sumandal ng ayos at kapag halimbawang gustuhin niya mang humiga ay malaki ang magiging space. Napatingin ulit si Maggie sa nakapikit na si Juno na nakasandal ang ulo sa upuan.

"How's the race?" hindi mapigilang tanong ni Maggie.

"Fine." tipid na sagot ni Juno.

"Huwag ka ng umidlip, malapit na tayo sa hotel na titigilan mo." sambit ni Maggie

Napatingin lang si Juno sa bintana habang binabaybay ng sasakyan ang daan papuntang hotel.

"Daan muna tayo sa convenience store or pharmacy, bibili langa ko ng kit" usal ni Juno.

Alam na ni Maggie kung anong klaseng kit ang bibilhin nito, bukod sa kita ni Maggie ang gasgas sa kamay ni Juno ay halata niyang may iniinda itong hapdi sa katawan.

"Hindi ka ba nakacomplete racing gear kanina habang nasa game?" pagtataka ni Maggie.

"Complete. Natanggal ang elbow at leg pad ko noong lumipad ako kanina. Saka ko lang napansin na wala na noong nagpapalit ako ng gulong sa pang-siyam na lap". Ito na siguro ang mahabang sinabi ni Juno sa buong byahe nila.

Bending The Fate that Destiny Brought To UsWhere stories live. Discover now