Chapter 14 Looking for Someone

4 0 0
                                    

Kinabukasan pagkatapos ng Live Interview ni Aim.

Madaming oras na ng naghanap si Jigs sa internet. Madaming ka-match na Maggie na pangalan. Iniba-iba na ang spelling ng pangalan pero wala pa rin siyang makikita. Minsan naman ang unang lumalabas ay isang page na may isang daang libong mahigit na follower. Hindi 'yun binibigyan ng pansin ni Jigs.

"Aim! Why do you have to do this to me?!" usal ni Jigs sa sarili.

Naalala ni Jigs 'yung post na sinabi sa kanya ni Aim noon at ang pag iiskandalo ni Maggie noon sa company nito. Nagpunta siya sa page ng company Aim. Kaso wala na 'yung post tungkol kay Juno. Pero nagderitso pa rin siya sa pag-stalk ng naturang page. Hanggang sa may nakita siyang comment 1 month ago sa isa sa mga posts.

"Maggie Walker: Gwapo nga kaso hindi marunong mangusisa ng mga bagay-bagay. Impulsive!"

"I finally found you parrot!" naka-smirk na banggit ni Jigs.

Jigs Matthias Buenaventura. Artist/Celebrity/Racer/Singer. Gwapo. Pinagkakandarapaan ng mga babae. Ang mga magulang ay dating artista. Graduate bilang isang IT pero hindi niya gusto ang ganitong propesyon kaya mas pinili niya ang pagiging isang celebrity. Mayaman. Madaming collection na mga helmet. Racing ang laging nasa top priority niya. Kung may sabit man sa lalaking ito, 'yun ay isip bata siya.

Pinindot ni Jigs ang pangalang Maggie Walker. Kanina niya pa nakikita ang profile na 'to habang naghahanap siya pero hindi niya binibigyan ng pansin dahil wala sa isip niya na ganun kadami ang nakafollow kay Maggie, na para bang isang artista din. May ilang pictures na nakikita na madaming likes at reactions. Ang mga posts nito ay para ba tila isang model si Maggie. Nakita niya rin ang picture na magkasama sila ni Juno.

Nirefresh ni Jigs ang page na ito at himala namang may nakapublic na post si Maggie na ngayon lang din ipinost, para bang dininig ng langit ang kanyang panalangin.

Maggie Walker is now in Galaxy Star Hotel. At may picture ng kanyang mga gamit.

Binuksan naman ni Jigs ang Galaxy Star Hotel ang page na ito at tiningnan kung saan ang address nito, ng makita na niya at kahit wala pang tulog ay naligo siya at nagbalak magtungo sa hotel. Kahit ganun pa man ang nangyari noong kanyang huling paglabas ay kailangan niyang lakasan ang loob niya para kay Aim, para sa kaibigan.

Mas pinili ni Jigs na ang Civic niya na lang na pula ang dadalhin kaysa sa motor niya, nadala na siya sa huling nangyari. Akala niya ay mawawala na ang pinakamamahal niyang motor. Buhat nung pangyayaring 'yun ay hindi niya na gaanong ginagamit ang motor niya, natatakot siya, nangangamba na baka mawala ulit, hindi niya kakayanin.

Suot ang plain gray V-neck na T-shirt, maong na pantalon, naka slip-on na tsinelas, bago sumakay sa kanyang Civic ay inayos niya muna ang kanyang face mask at sumbrero at saka humarurot papalayo sa bahay nila.

Magtatanghali na ng dumating siya sa nasabing hotel. Nasa underground parking siya ngayon. Nagdadalawang-isip kung bababa ba siya o hindi, naaalala niya ang nangyari na pagdumog sa kanya ng mga tao noon.

Napatingin siya sa may bintana niya at nakita ang pick-up truck ni Maggie. Hindi siya nagkakamali, kay Maggie nga ito. Hindi na siya bumaba ng sasakyan at hinihintay na lang si Maggie na pumunta sa pick up na ito pero hindi niya sigurado kung makikita at makakausap niya ba ito ngayon o hindi.

Ang tanghali ay naging gabi na, napapapikit na si Jigs sa sobrang tagal ng kanyang paghihintay sa loob ng sasakyan ng mapansin si Maggie na papasok sa kanyang kotse, tumingin si Jigs sa kaliwa at sa kanan, ng masiguradong walang tao ay saka siya bumaba.

Dahan dahan na lumapit si Jigs kay Maggie.

"Ma...Magg...Parrot!" pagtawag ni Jigs kay Maggie.

"...."

Bending The Fate that Destiny Brought To UsWhere stories live. Discover now