Chapter 17 Shelter

4 0 0
                                    

Pinapatas ngayon ng ilang staffs at crews ang mga gamit. Pinupunasan muna bago ilagay sa isang tabi. Nilibot ng mata ni Aim ang loob ng bahay ni Juno. Malinis. Maaliwalas. Kakaunti ang mga gamit kaya mayroong naging space para sa mga gamit ng kanilang pagshoo-shoot. Mukhang mga bago ang gamit.

Walang umiimik. Lahat naiilang. Lahat nagkakapaan. Lumabas si Juno mula sa kanyang kwarto, dala-dala ang madaming towel at mga pampatulog na damit at pantalon. Ipinatong niya ito sa lamesa, katabi ng sofa kung saan nagsisiksikan ang mga ito sa pinto na para bang kontrabida si Juno sa isang pelikula at ang role ay mamamatay-tao pero hindi nila pinapahalata na alam nilang mamamatay-tao si Juno. Ganun ang naging dating nila. Pero ang totoo ay nahihiya sila dito.

"The bathroom is over there." sambit ni Juno.

"..."

"..."

"Baka magkasakit kayo kung hindi kayo mag-papalit." sambit ulit ni Juno.

"..."

"Don't worry there's no ghost here." sinubukang pagbibiro ni Juno.

"..."

Nagtataka naman si Juno kung bakit walang umiimik sa mga ito. Hinayaan niya na lang at hindi na hinintay pa na may magbukas sa kanila ng bibig, nagderitso siya sa kusina ng bahay niya. Nagsisikuhan naman sila direk, manager at ang mga kasamahan. Pinupunasan pa rin ang mga gamit.

Pagkatapos ng halos isang oras ay bumalik si Juno, may dalang mga baso na tray ng kape nasa puting paper cup.

"Sinong patay?" si Kuya Nestor na ang unang umimik at nagbiro.

"Kuya!" saway naman ni Aim sa kanya.

Walang ekspresyon na makikita sa mukha ni Juno.

"If you don't want this, there is also a noodle here, cup noodles." sambit ni Juno.

"Can I have one?" tanong ni Manager.

Ngumiti ng kaunti si Juno at saka tumango.

"Ako din!" sambit ni Direk.

"Kape ang akin!" sagot naman ni Ate Linda.

"Ang akin din." sagot ng isang crew.

"Cup noodles ang akin." sabat ng isa pang staff.

Nilapag ni Juno ang isang tray ng kape na kanyang hawak sa lamesa. Dali-dali namang kinuha ni Aim ang mga damit at towel na nilagay kanina ni Juno. Bumalik si Juno sa kusina, mga ilang minuto lang din ang nakakalipas ay may dala na itong mga cup noodles at isang thermos. Bumalik sa kusina at pagbalik ay may bitbit na tinapay.

"Here." sabay lagay ni Juno sa lamesa.

"It's not like I'm pushing you guys to change your clothes with this dry one. Pero binabasa niyo kasi ang sofa ko." sambit ni Juno.

Maya-maya pa ay nag-unahan ang mga ito sa pagkuha ng towel at damit, pati na rin sa banyo.

"Don't rush. Take your time." sambit ni Juno habang tinitingnan ang mga taong nag-uunahan papuntang banyo.

Habang nakatingin si Juno sa mga taong ito ay si Aim naman ay nakatingin sa kanya, nakaupo pa rin sa may sofa, nakatitig. Napaiwas lang siya ng tingin ng pumaling ang ulo ni Juno sa kinaroroonan niya. Napatingin siya ulit kay Juno na ngayon ay nakatingin na rin pala sa kanya.

"Do you need something?" tanong ni Juno.

"No. No. Hehe. I'm good. I'm good." sagot ni Aim na medyo naiilang sa kanya.

"You should take a bath and change your clothes too. Warm yourself first. You don't look like you're good." sambit ni Juno.

Ito ang kauna-unahang conversation nila na deri-deritso lang, na para bang question-answer, question-answer. Medyo nahihiya, naiilang, na-aawkward si Aim kay Juno. Pero si Juno ang dating ng mukha ay parang walang pakialam sa kung sinuman ang kausap. Walang emosyon kasing nakikita dito.

Bending The Fate that Destiny Brought To UsWhere stories live. Discover now