Buo na ang desisyon ni Aim na sabihin sa buong mundo na hindi totoong may girlfriend siya. Will it make a difference? You have love life and people will gossip about it, you don't have lovelife and still people will gossip about it.
Tanggap na ni Aim noong una pa lang na mali siya, kailangan niya ngayon harapin ang kasinunangalingan na ginawa niya. Binabalak din ni Aim na sabihin kay Juno ang tungkol sa ginawa at hihingi na rin ng tawad.
Isang Aim Veleña na makikita mo ngayong nakaharap sa salamin, naka tuxedo na itim. Naka-ayos na style ang buhok. Pinagmamasdan ang sarili sa salamin habang sinusuot ang relo. Kailangan niyang maging maayos, maging gwapo, at maging kahali-halina ang dating pagdating sa mga mata ng tao.
Tanggap na niya, tanggap na niya sa sarili na sobrang laki ng posibilidad na ito ang huling kita sa kanya sa TV ng mga tao. Pagbaba ni Aim sa hagdan ay nakita niya si Jigs sa may sala.
"Pwede naman bro na hindi ka na pumunta. Sabihin mo may sakit ka or something. Kung pupunta ka doon ngayon, para mo na ring tinapos ang kagustuhan mong maging isang celebrity." sambit ni Jigs na nakaupo sa malaking sofa.
"Tanggap ko na Jigs na hindi talaga ito ang para sa akin." sambit ni Aim.
It was for Aim, right? It was! He's the one who ruined his own path. Just one single lie, and everything will be affected.
"Kailangan ko lang mamaalam na sa kanila at kailangan ko rin sabihin ang totoo." pagpatuloy ni Aim.
"Yeah. That's right before Juno finds out." medyo may pag-aalala na sinabi ni Jigs.
"Anyway, you look good." pagpatuloy ni Jigs na halata namang inaasar lang ang kaibigan.
"Kuya Danny and the rest are already in the car. Sinundo ko na sila kanina noong tulog ka pa." pagbigay impormasyon ni Jigs.
"Okay. Okay. Thank you." pasasalamat ni Aim.
Napabuntong hininga si Aim. This is his very last day of being a celebrity. Naiisipan niyang maghanap na lang ng ibang matratrabaho kapag nakahupa na ang gagawin niyang bagyo ngayong araw na 'to. Hinahanda na rin niya ang sarili sa mga ibabato na masasasakit na salita ng mga tao sa kanya.
Tinatahak na nila ngayon ang daan papunta sa isang Stadium Center kung saan madaming fans ang naghihintay sa kanya, madami na ring nakaabang sa kanya sa online world. Bukod sa Public Meeting with the fans ito ay Live Interview din ito.
Doble doble pa ngayon ang nanunuod sa personal at ganun din sa online world dahil bukod sa kanyang mga taga-hanga, ay nandun din ang mga taga-hanga ni Madonna. Ng makarating sila sa Stadium Center ay halos hindi makadaan ang sasakyan nila Aim sa sobrang daming tao, mga nag-aabang na mga reporter, mga social media influencer, mga kung anong klaseng tao. Kung kanina ay parang wala lang kay Aim, ngayon naman ay kinakabahan na siya pero kahit ganun ay mas pinipili niya pa rin na ituwid ang kanyang pagkakamali.
Huminga ng malalim si Aim at medyo bumuga ng malakas. Maya-maya pa ay nakarating na ang sasakyan nila malapit sa may entrance ng Stadium Center, bumaba si Aim sa sasakyan. Pinalibutan naman agad si Aim ng mga gwardya na nakaabang sa may entrance ng lugar. Kasing bilis ng kidlat ang mga tao, picture dito, picture doon. Hindi pa man nakakapasok sa loob ng building ay may sumigaw na.
"Aim nasaan na ang girlfriend mo?" sigaw ng isang tao.
Nagbingi-bingihan na lang si Aim at deritso na lang na pumasok sa loob ng Stadium Center. Umupo ito sa unahan ng malaking stage. Hindi agad nagsimula ang show kasi kailangan pa nilang hintayin si Madonna. Habang nakaupo ay pinagmasdan ni Aim ang tao sa loob, punong-puno ito tao ngayon, sobrang daming tao din na nasa labas. Napapatingin din si Aim sa malaking TV screen na nakatutok sa pwesto ng stage kung saan magaganap ang Live Interview, mapapanuod ang Live Interview na ito sa buong mundo.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanfictionMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...