Chapter 21 Be Careful of Soaring High

7 0 0
                                    

Bumalik ulit si Aim sa 3rd floor. Umupo ulit sa sofa, hawak hawak niya ang kanyang dibdib at saka huminga ng malalim at bumuga. Ramdam ni Aim ang kanyang pagkapula, pati na rin ang init ng kanyang tainga.

Tiningnan niya ang kanyang sarili sa salamin at sinampal ng medyo mahina lang ang kanyang mga pisngi at saka umupo sa sofa. Saka lang bumalik sa alaala niya na tatawagan niya nga pala ang kanyang Nanay at Tatay ng mapansin hawak niya na nga pala ngayon ang personal cellphone niya.

Unti-unti na ngayong dumadami ang tao sa loob ng Moon and Star Company. Nagdadatingan na rin kasi ang iba pang mga trainee/talent. Masayang nagkwekwentuhan ang ilan sa information deck. Lumapit si Ate Ayds kay Ate Linda at may binubulong.

"Nandito nga 'yung si Juno? Ang girlfriend ni Aim?" bulong ni Ate Ayds.

Napatingin naman si Ate Linda kay Ate Ayds at ngumiti ito na para bang kinikilig, nagtatalunan ang dalawa habang magkahawak kamay.

"Baka magkakanobya na ang alaga natin." kilig kilig na sagot ni Ate Linda.

Masaya pa ring tumatawa at nagtatalunan ang dalawa ng biglang matigilan si Ate Ayds.

"Magkakanobya? Magkakanobya pa lang?" pagtataka ni Ate Ayds.

"Ibig kong sabihin, may nobya na ang alaga natin." sagot naman ni Ate Linda.

Nagtatalunan pa rin ang dalawa na magkahawak kamay.

Sa may sofa set naman ay nandun ang mga nagtipon-tipon na mga trainee/talent nakikinig kay James.

"Oo nga! Nandiyan nga ang girlfriend ni boss. Nakita ko sa taas kanina." bulong ni James sa mga kasama.

"Iyung kasama ni Boss Aim kahapon sa interview? Iyung si Juno?" bulong na tanong ng babae na kasamahan ni James.

"Oo." ngisi ni James.

"Eh ba't naman ganyan ka makangisi?" tanong ng lalaking kasama ni James.

"Kasi ang bilis ni boss." ngisi ni James tapos sabay kindat sa mga kasama.

"Mabilis?" tanong ng isa pang kasama.

"Sa kwarto rin ni Boss natulog ang girlfriend niya." tinataas taas ni James ang kanyang kilay habang sinasabi niya ito.

"..."

Naglakihan ang mata ng lahat.

"Binibiro mo lang kami eh." sambit ng isang babae.

"Nagsasabi ako ng totoo. Promise. Itataya ko ang relo ko kung nagsisinungaling ako." pagpipilit ni James sa mga kasamahan.

"Uhmm, guys, mukhang nagsasabi si James ng totoo." sambit ng isang lalaki na nakatingin ngayon sa hagdan.

Sa hagdan ay makikita ang isang Juno na suot ang sweater ni Aim. Medyo mahaba na pajama na himala namang kasya kay Juno. Tiningnan nila si Juno mula ulo hanggang paa. At ang nakita nila na saplot sa paa ay racing boots.

"Pffft." may isang pinipilit na hindi mapatawa nung nakita nila ang saplot ng paa ni Juno.

"Ay iha, gising ka na pala! Halika, halika. Anong gusto mong kainin? Nagkakape ka ba? Tama nga ang sinasabi nila Ate Linda, maganda ka." ngiting bati ni Ate Ayds kay Juno at hinawakan ito sa braso.

"..."

Hila-hila ni Ate Ayds si Juno at pinaupo sa may lamesa malapit sa kanyang information deck. Ang iba ay napapatingin. Ang iba ay nag-iiwas ng tingin.

"Sabi ko sa inyo. Tingnan niyo ang suot na sweater, kay Boss Aim 'yan 'di ba?" sambit ni James na pabulong sa mga kasamahan.

"Kausapin kaya natin?"sambit nung babae.

Bending The Fate that Destiny Brought To UsWhere stories live. Discover now