Kararating lang ngayon ni Maggie sa kanyang kwarto at padabog na humiga sa kanyang kama. Naiinis pa rin siya sa mga sinabi ni Juno sa kanya kani-kanina lang pero kahit ganun ay hindi niya magawang magalit sa kaibigan.
(Teka, pero ba't ba kasi ako naiinis sa pang-aasar sa akin ni Juno?)
(Ano nga naman ang ginawa ni Jigs para mainis ako sa kanya ng ganito?)
(Ah oo, dahil mayabang siya. Pero ano ba ang ipinagyabang niya sa akin?)
"Maria Magdalene! Ano bang nangyayari sa'yo?! Nasisiraan ka na ba ng bait?" tanong ni Maggie sa sarili.
"Imposible namang magustuhan ko ang Jigs na 'yun. Basta! Ang alam ko ay hindi ko siya gusto, at kahit kalian man ay hindi ko siya magugustuhan." pagkukumbinse ni Maggie sa sarili.
Binuksan ni Maggie ang TV at mas piniling aliwin na lang ang sarili at manuod ng kung ano-ano kaysa mag-isip at kumbinsehin ang sarili sa mga bagay-bagay na hindi naman siya sigurado. Pinalipat-lipat ni Maggie ang channel station at ng may nakitang pamliyar na mukha ay ibinalik niya ang channel na napindot niya kani-kanina lang.
Si Jigs. Nakalumang panahon na costume, nakawig na sobrang haba ng buhok. Historical drama. Hindi maitatanggi na marunong itong umacting, na nakakadala ang bawat ganap niya sa dramang napapanuod ni Maggie ngayon.
"Tsss. Wala man lang kagaling-galing." bulong ni Maggie sa sarili pero hindi pa rin inaalis ang tingin sa TV.
Napakunot ang noo ni Maggie ng nag To be continued ang drama.
"Buti nga, hindi ka dapat pinag-aaksayahan ng oras." bulong ulit ni Maggie sa sarili.
Naglipat-lipat na naman ulit si Maggie ng channel station, wala na siya ngayong mahanap na pwede niyang panuorin para aliwin ang sarili, para mawala sa kanyang utak ang sinasabi ni Juno sa kanya kanina, at para mawala na rin si Jigs Matthias sa utak niya. Initsa ni Maggie ang remote sa kung saan pero hinayaan pa rin na nakabukas ang TV.
"Hindi mo na maaaring itanggi Matthias! Malaki na ang ebidensya laban sa'yo!" tunog na nanggagaling sa TV.
"..."
"Ano ba?!!! Kailan niyo ba ako tatantanan?!" sigaw ni Maggie kahit wala namang kasama sa loob ng kanyang kwarto.
Tinakpan ni Maggie ang kanyang ulo ng unan habang nakadapa ito sa kama. Bumagon ulit ito at hinanap ang remote kung saan man niya ito naiitsa kanina at noong nahanap na ay pinatay niya ang TV, at tinanggal ang saksakan nito.
Kahit anong gawin ni Maggie ngayon ay hindi niya maalis sa kanyang utak si Jigs. Nakaupo siya ngayon sa kanyang kama at nakatulala, nakatulala pero mukhang naiinis.
"Dapat kasi hindi na ini-open ni Juno 'yun eh! Kung hindi sinabi ni Juno 'yun ay hindi ako magkakaganito ngayon...Tsss.." bulong na naman ni Maggie sa sarili.
May kung anong pumasok sa utak ni Maggie at naisipan niyang tingnan ang mga social media account ng isang Jigs Mathhias. Kinakabahan pa siya noong una kasi baka malaman ni Jigs na binibisita niya ang profile nito pero bago pa man niya gawin ay tinawagan ni Maggie si Juno.
"I'm doing something Magdalene, what is it?" tanong agad ni Juno sa kabilang linya.
"Hindi pa ako nakakapag-hello!" medyo sigaw ni Maggie.
"Ba't hindi ka na lang pumunta dito sa taas?" tanong ni Juno.
"May ginagawa ako." sagot naman ni Maggie.
Pero ang totoo ay wala talaga siyang ginagawa. Ayaw niya lang marinig ang mga sasabihin ni Juno sa kanya tungkol kay Jigs.
"May tanong ako." sambit ni Maggie.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanficMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...