Hindi nagbbiro si Juno na kausap nga nito si Jigs ngayon. Si Maggie na natigilan ay para bang na-estatwa sa kanyang kinatatayuan.
"Hey! Jigs is waiting." pabulong ni Juno kay Maggie pero rinig na rinig naman ang boses.
Dali-daling hinila ni Maggie ang kanyang cellphone at pinatay niya ang tawag.
"..."
"What are you doing?!" hindi makapaniwalang tanong ni Maggie kay Juno.
"Informing Jigs?" sagot naman ni Juno na medyo patanong.
"You shouldn't have done that!" sigaw ni Maggie na para bang iiyak na.
"Do you like him or not?" medyo igting ang panga ni Juno habang sinasabi niya ito.
"It doesn't matter!" sigaw na sagot ni Maggie.
Hindi maintindihan ngayon ni Juno ang inaasal ng kaibigan. Hindi niya maintindihan kung paano kakapain ito at kung anong salita ang pwede niyang sabihin para hindi magkaganito ang isang Magdalene. Umupo si Juno sa kama at hinawi ang mga damit na nakakalat.
"I was once like that when I was in denial stage." pag-uumpisa ni Juno.
"I like him but I cannot blurt it out, my pride is winning over my feelings." pagpatuloy ni Juno.
"But who knows that feelings will overtake my pride." dagdag ni Juno.
"Naiinis ako kapag ako ang unang nagtetext o nagmomove, naiinis ako kapag ako ang nakakaisip na tawagan siya. Naiinis ako kapag late ng 5 minutes ang reply niya." paglalahad ni Juno.
Unti-unti namang nakikinig si Maggie sa sinasabi ni Juno sa kanya, pinunasan ni Maggie ang sarili niyang luha, tumayo ito, lumapit sa kama kung saan malapit kay Juno. Halata mo sa mukha at sa tingin nito na naghihintay sa susunod na sasabihin ni Juno.
"Alam mo bang katulad mo ay ako din ang unang nagkagusto kay Fielle?" tanong ni Juno na halatang natatawa sa sarili.
"....???" nanlaki ang mata ni Maggie ng marinig ang katagang 'yun kay Juno.
"Mn. You can ask Fielle's coach about that." sambit ni Juno habang tinitingnan si Maggie.
"I always follow him around. Kapag may game siya, kapag may event siya, ang dami ko ngang nakukuhang picture eh." pagkwekento pa rin ni Juno.
"Eh nasaan na 'yung mga picture?" tanong ni Maggie.
"I have to burn it also." sagot naman ni Juno.
"Para rin kaming aso at pusa noon, hindi magkasundo. May kanya siyang gusto, may akin rin akong gusto. Madalas akong naiinis sa kanya kapag kausap o kasama ko siya pero kapag hindi na ay hinahanap ko naman siya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko noon." pagpatuloy pa rin ni Maggie.
"Akala ko si Fielle ang laging naghahabol sa'yo noon." singit naman ni Maggie.
"Iyun ang akala mo." sagot naman ni Juno.
"Ilang beses kong nilalakasan ang loob ko para itext o tawagan siya, kaso kagaya ng nangyari sa'yo ngayon ay para ba akong kiti-kiti na nasindihan kapag naririninig ang boses niya kaya ang ginagawa ko, pinapatay ko ang telepono." wala sa huwisyong sambit ni Juno sa kawalang habang nakangiti.
"...." hindi alam ni Maggie kung matatawa ba siya o hindi sa sinabi ni Juno.
"Hanggang sa isang araw naisipan kong lakasan ang loob ko at aminin sa kanya ang totoo." pagpatuloy pa rin ni Juno.
Hindi agad umimik si Juno matapos ang linya niyang ito. Si Maggie naman ay halatang nag-aabaang sa sasabihin ni Juno.
"What happened?" hindi makapaghintay na tanong ni Maggie.

YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanfictionMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...