Habang hawak-hawak ni Aim ang kanyang dibdib at pinipilit na pakalmahin ang sarili ay nabigla siya ng may biglang kumatok sa bintana ng kayang sasakyan. Ng mahila niya ang kanyang sarili sa ulirat ay mabilis niyang ibinababa ang bintana ng kanyang sasakyan. Si Juno, nakasakay ito sa kanyang motor.
"Are you okay?" bungad na tanong ni Juno.
"Is Jigs, okay?" pabalik na tanong ni Aim.
"Yes. He's okay. He just got scratches, and sprained ankle but it's not that serious." sagot naman ni Juno.
Napabuntong hininga si Aim ng marinig niya na okay lang ang kanyang kaibigan.
"Are you alright?" tanong ulit ni Juno kay Aim.
"Yeah, yeah. I am." sagot naman ni Aim.
"Are you sure?" paninigurado ni Juno.
"You're pale. Are you sure you don't feel something?" pahabol na tanong ni Juno.
"I am. Kinabahan lang ako, kaya ganito. But it's a normal reaction." sagot naman ni Aim.
"He's on the truck." sambit ni Juno habang tinuturo kung saan nakatigil ang truck ni Maggie.
Bumaba naman si Aim sa kanyang sasakyan para puntahan ang kaibigan. Bumaba rin naman si Juno sa kanyang motor para sabayan si Aim sa paglalakad papunta kay Maggie at kay Jigs hanggang sa makarating sa truck ni Maggie.
"He's crying." medyo bulong ni Juno bago pa katukin at buksan ang pinto ng sasakyan ni Maggie.
Halos walang gasgas na makikita kay Jigs, maliban sa dalawang kamay nito na ngayon ay nakaband-aid na, ang isa naman ay nakabandage. Ang isang paa naman ay may nakalagay na kung anong bakal at may nakataling benda. Totoong umiiyak nga ito.
Napatingin naman si Aim kay Maggie na nakatingin lang din kay Jigs na halata mong medyo naaawa sa sinapit ni Jigs.
"Are you alright?" tanong agad ni Aim sa kaibigan.
"He's not." si Maggie naman ang sumagot.
"Does it hurt so bad that's why you're crying?" tanong ni Aim kay Jigs.
"I'm not hurt physically." sagot ni Jigs na nakasalubong ang kilay, nakatingin lang ng deritso sa kalsada at pinupunasan ang sariling tumutulong luha.
"Nag-away kayo?" tanong ni Aim.
"Ha?! Hindi ah! Ba't ko naman siya aawayin?! Ba't ko naman siya papaiyakin?!" medyo sigaw na sagot ni Maggie sa tanong ni Aim.
"You sound like me and Parrot are having an affair." seryosong sambit pa rin ni Jigs na tumutulo pa rin ang luha.
"..." sisigaw sana ni Maggie ng napansin niyang tiningnan siya ng masama ni Juno na halos nasa likod lang pala ni Aim kaya pinigilan niya na lang ang sarili niya.
"Then why are you crying?" tanong ni Aim.
Hindi umiimik si Jigs, lalong nag-uunahan ang kanyang mga luha ngayon, kung kanina walang tunog ang kanyang iyak, ngayon naman ay sinisinghot nito ang sipon, pilit na pinupunasan ang mga luhang pumapatak galing sa kanyang mata.
"It's Reavenne." sambit ni Juno.
Napatingin naman si Aim sa kanyang likod ng umimik si Juno, naglalakad na ito pabalik sa kanyang motor. Binalik naman ang tingin ni Aim sa kanyang nakaka-awang kaibigan.
"Who's Reavenne?" tanong ni Aim.
"...."
Hindi pa rin umiimik ang umiiyak na si Jigs.
"Tumahan ka na nga!" medyo naiinis na sigaw ni Maggie habang inaabot ng pabagsak ang tissue.
"Ipapadala at ipapaayos na lang natin sa Tools and Motors Company ang motor mo. Magagaling silang lahat magkumpuni doon. Kita mo 'yung motor ni Juno, 'di ba nakita mo kung gaano 'yun kawasak noong huling laro niya? Tingnan mo naman ngayon oh, mukhang bago na." sambit naman ni Maggie na para bang inaamo si Jigs.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanficMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...