Chapter 34 Blaming Thyself

4 0 0
                                    

Sa Galaxy Star Hotel.

Kararating lang ni Juno sa kanyang condo. Kakahinto lang niya sa underground parking.Tinanggal niya muna ang kanyang helmet at saka bumaba sa kanyang motor. Deri-deritso lang ito sa paglalakad papuntang elevator. Walang emosyong makikita kundi katangi-tanging salubong na kilay at naka-kunot na noo.

Pagdating sa kanyang kwarto ay nilapag niya sa sofa ang bitbit na helmet, chineck niya ang cellphone niya nasa lamesa. Walang tawag. Walang message. Ibinalik niya ulit ito. Lumakad siya papunta sa kanyang cabinet at kumuha ng tuwalya at mga damit pambahay na kanyang ipapalit.

Wala pang sampung minuto ang nakakalipas ay iniluwa na si Juno sa CR, bagong ligo. Nakajogging pants na puti na linyang itim sa gilid, nakasweater na dilaw, at nakaslip-on na itim na tsinelas. Isinampay niya muna sa balkonahe ang ginamit na tuwalya at saka ulit pumasok sa loob.

Umupo si Juno sa gilid ng kanyang kama, napapatulala. Napapaisip sa sinabi ni Aim sa kanya kanina. Titingin sa bintana, titingin sa sahig, titingin ulit sa bintana, at titingin na naman sa sahig, pinapaikot-ikot niya ang singsing niya habang ginagawa niya ito. Hanggang sa isinandal niya ang ulo niya sa kama habang nakaupo sa sahig. Tumingala at tumimig sa kisame.

"It was my fault. It is my fault." bulong ni Juno sa sarili habang nakatulala.

6 years ago.

Makikita ang isang doctor at si Manuel na naglalakad sa malawak na damuhan sa labas ng Mental Hospital. Medyo napapalibutan sila ng mga pasyente na naglalaro, merong nakawheel chair, meron ding nakaupo sa damuhan na para bang nagpipicnic.

"My assessment Mr. Villapeñafrancia to your daughter case is just she's missing and longing for someone, and that is very normal when you lost a loved one." sambit ng isang babaeng doctor kay Manuel.

"Maybe the doctor in that hospital was just very afraid that your daughter might harm herself again that's why they brought her here." pahabol na sambit ng doctor na kaharap ngayon ni Manuel.

"If you want to file a case, you can, but if there were consent that was signed by you, sadly, they can use it against you." Pahabol ng doctor.

"It's been 2 months already that she's here, and I really feel sorry for my daughter. I shouldn't agree in the first place to put her here." sagot naman ni Manuel.

"I understand that you just don't want to lost your daughter." sambit ng doctor.

"She's not insane, she even passed in every exam that we made her take." pagderitso ng doctor sa pakikipag-usap kay Manuel.

"She always leaving a note in her paper, asking us if we here are really a doctor. Always asking if we know what longing means, she even printed the literal meaning of it and paste it to her paper." natatawang sambit ng babaeng doctor.

Natawa din naman si Manuel sa pagsumbong ng babaeng doctor na ito.

"She got it to me." natatawang sambit naman ni Manuel.

Pagdating sa dulo ng malawak na damuhan ay makikita ang isang Juno na nakaupo sa bench, nagbabasa ng libro, nakasalubong ang kilay na para bang naiinis sa kanyang binabasa. Natatawa si Manuel sa pinta ng mukha ni Juno. Nilapitan ni Manuel ang anak.

"Got to go." Paalam ni Manuel sa mga doctor.

Nagtanguan naman ang mga doctor.

"Is the book giving you hard feelings?" bungad ni Manuel kay Juno habang umuupo sa tabi nito.

"The antagonist here said "Does a retarded person have the capacity to love?" I hate her question." sambit ni Juno habang nililipat ang page ng libro.

"Hahaha! Don't take it too seriously baby." ngiting pag-aamo naman sa anak.

Bending The Fate that Destiny Brought To UsWhere stories live. Discover now