Nasa Racing Area ulit ngayon si Juno at si Jigs. Kagaya ng inaasahan seryosohan at matindi ang pagpra-practice na ginagawa. Kahit papaano ay tinuturuan pa rin ni Juno si Jigs ng mga techniques, tinitingnan pa rin ni Juno ang mga ginagawa nito. Kapag may nakikita siyang mali ay pinupuna siya nito. Nagmistulang coah ni Jigs si Juno.
Sa katirikan ng araw at katapatan ng tanghali ay nagpahinga ang dalawa sa isang malilom na bench. Nakapark ang motor sa hindi kalayuan ng dalawa. Kung titingnan mo sa malayo ay parang magkaibigan ang dalawa na masayang nagkukuwentuhan pero si Jigs lang ang tumatawa.
"I need to contact my Dad and Mom para mabili 'yung Reavenne the 4th. Told them that I want that bike for my birthday." kwento ni Jigs kay Juno.
Magkatabi ngayon ang dalawa habang nakaupo. Kung si Aim ay binibigyang distansya ang pagitan ng pag-upo malapit kay Juno kapag magkatabi sila, si Jigs naman ay para bang hindi nahihiya na halos dumikit na kay Juno, hindi naman inalintana ni Juno ang ganitong inuugali ni Jigs.
Sumandal si Juno sa likudan ng bench habang nakaupo pa rin at tinaas ang kaliwang paa, nakikinig pa rin sa mga kinukwento ni Jigs. Nakapatong sa tuhod ni Juno ang kanyang kaliwang kamay, may nakaipit sa kanyang labi na amor chico na hindi maintindihan ni Jigs kung saan ito nakuha.
"I did something to get that Reavenne the 1st." sambit naman ni Juno.
"What have you done to get that?" tanong naman ni Jigs.
"I needed to kill the producer, ayaw niya ibigay eh." sagot ni Juno na nagbibiro pero nakapagpatigil sa umiikot na mundo ni Jigs.
Unti-unti ngayong inaatras ni Jigs ang kanyang distansya kay Juno, hindi mawari kung matatakot ba siya sa babaeng katabi niya ngayon o kung tatakbo na lang siya. Napansin naman ni Juno ang unti-unting paglayo ni Jigs sa upuan.
"Hahahahaha." tawa ni Juno kay Jigs.
"Do you think it's funny?!" bulalas na sigaw ni Jigs.
"I thought." ngiting sagot naman ni Juno.
"I'm just kidding." pahabol naman ni Juno.
"Nasa U.S. ako ng ini-release nila 'yan. Luckily, I manage to get that first one." sambit ulit ni Juno habang tinatango ang ulo sa kanyang motor, sa Reavenne the 1st.
"How did you get that one? Maraming naglalakihang racers ang pumila para diyan, tapos tada! sa'yo napunta." tanong at sambit naman ni Jigs.
"I had to work my ass hard off. Naging mabuti at masunurin akong anak para mapapayag ang Dad ko na makuha 'yan." sagot naman ni Juno.
"Ah, so ang Dad mo, or family mo ay nasa U.S.?" tanong naman ni Jigs.
"Mn." sagot ni Juno.
"Eh bakit ka nandito sa Pilipinas?" tanong ni Jigs.
"Wala lang. Gusto ko lang." sagot naman ni Juno.
"Hindi ka naman pala cold kagaya ng sinasabi at inaasahan ng iba. Tingnan mo oh, nakakapag-kuwentuhan nga tayo ng ganito." sambit naman ni Jigs.
"Cold?" pag-uulit ni Juno sa sinabi ni Jigs na para bang nagtatanong.
"Oo. Cold. Kasi bibihira kang umimik, tapos hindi malaman sa mukha mo kung ano ang iniisip mo. Bukod sa cold, ay para bang sobrang misteryoso mo." sagot naman ni Jigs.
"They're just afraid to talk to me, and I'm not a conversation starter." sambit naman ni Juno.
"That's why you're talking to me right now because I'm talking to you?" sambit ni Jigs na parang nagtatanong.
"Mn. Besides, wala ka namang ibang makakausap dito eh kundi ako lang." pagbibiro ni Juno.
"You're right." pag-gatong naman ni Jigs sa biro ni Juno.

YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanfictionMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...