KABANATA 3

13 1 0
                                    


  💎ISABELLA BLANZA💎



 Alas syete na ng gabi at hindi ko padin nararamdaman nakauwi na si Lolo Tasyo galing sa bayan.




Wala pa din kasing kaloskos sa taas ng kubo namin. At tanging ingay lang ng mga insekto sa paligid ang maririnig mo.




Tiningnan ko si shadow



" Tingin mo ba shadow maari tayong lumabas ngayon gabi? " 



  Tumayo lang ang dalawang tenga indiskasyun na umaayon siya sa sinasabi ko.



" Halika ka, lumabas tayo ng maka pagmasid tayo sa bundok , kong bakit hindi pa nakakauwi si Lolo " agad tumayo si shadow.




Sa amin dalawa kase siya ang mas nag nanais na lumabas pag gabi. Siguro para maka langhap ng sariwang hangin at makakita ng ibang tanawin. Kahit ako man ay nababagot din minsan na palage nalang ang apat na sulok nitong basement ang nakikita .




Dito kasi sa basement limatado lang ang oxygen , wala naman kasing bintana dito sa loob.




Isang maliit lang na siwang ang namimistulang daluyan ng hangin dito para mabuhay kaming dalawa ni Shadow.



Agad ko nang sinuot ang maitim na jacket at pantalon ko. Makakatulong ito para mas madali akong makakapagtago sa dilim ng gubat. Kagaya ni Shadow kailangan kong humalintulad sa dilim para madali kaming makakaiwas sakaling makasalubong namin ang mga rebelding ISIS na sumasakop at nagtatago din sa makapal na kagubatan ng Balencia.




Dito mismo sa Sitio Waling-Waling. Kong anong kina-ganda ng pangalan ng lugar namin siya naman kinabaliktaran ng buhay rito.




Kilala ang lugar na ito na pugad ng mga rebelde dekada na ang nakakalipas. Madami na rin mga pwersa ng militar ang sumubok na lipulin at hulihin sila. Kaya laging na uuwi sa engkwentro ang tagpo dito sa bundok.




Pero sa dami ng mga pwersa ng militar na denistino rito wala ni isa nakahuli sa ulo ng mga rebelde.




Paano mo nga naman mahuhuli ang isang taong protektado ng governador ng Balencia. Nakakaawa nga yun mga dini-destino rito na mga militar eh.

ARROWS OF THE FORESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon