Chapter 44 Aim's Company and Employees

7 0 0
                                    

Kinabukasan maagang nagising si Juno para makapaghanda ng kanyang mga gamit kung anuman ang kanyang pwedeng dalhin. Bumili din siya ng pagkain na pwede niyang ibigay sa mga tao sa Moon and Star Company. Maya-maya pa ay dumating si Maggie sa kanyang kwarto.

"Tinatamad ako sumama." sambit ni Maggie sabay pabagsak na humiga sa kama ni Juno.

Napatingin naman si Juno kay Maggie.

"It's okay if you don't want to but can I borrow your pick up?" tanong ni Juno.

"Oo naman, sure." sagot naman ni Maggie.

"Pero sasama na lang rin ako, mas nakakatamad tumigil mag-isa sa condo. Baka gabi ka na umuwi sa interview practice mo na 'yan." sambit ni Maggie.

Nag-iwas naman ng tingin si Juno at kunwaring inaayos ang kanyang mga gamit na pinamili.

"Hindi kaya magalit sa akin ang mga tao doon kapag nakita ako?" tanong ni Maggie.

"Hindi. Mababait naman sila." sagot naman ni Juno.

"Okay, if you say so." sagot naman ni Maggie.

Naglalakad na ngayon ang dalawa sa underground parking ng kanilang tinitigilang hotel bitbit ang mga pinamili ni Juno at kung anumang mga gamit. Nilagay ito ni Juno sa backseat ng sasakyan ni Maggie at saka nagtungo sa front seat para doon umupo. Habang inaandar ni Maggie ang sasakyan ay kinuha ni Juno ang cellphone sa kanyang bulsa.

"Himala ata ngayon at medyo ginagamit mo 'yang phone mo." sambit ni Maggie.

Medyo natigilan naman si Juno at binalik niya sa bulsa ang kanyang cellphone.

"Ininform ko lang si Sean na papunta na tayo." sagot naman ni Juno.

"Sean?" tanong ni Maggie.

"Ah okay, si Aim." dagdag pa ni Maggie.

"Pero teka, paano mo nakuha ang number niya?" pagtataka ni Maggie habang minamaneho na ngayon ang sasakyan sa kalsada.

"Sa...sa staff niya. Noong interview with Madonna." pagsisinungaling naman ni Juno.

Ang totoo ay ayaw ni Juno magsinungaling kay Maggie na kanyang kaibigan pero hindi pa siya handa kung anuman ang magiging reaksyon nito kapag kinuwento niya lahat ang tungkol kay Aim, ang tungkol sa pagiging stalker niya kay Aim, ang tungkol sa nangyari sa Mt. Silvanus kahapon, ang tungkol sa kanilang dalawa ni Aim. Ang nasa isip ni Juno ay saka na lang niya sasabihin kapag okay na si Jigs at si Maggie, kapag okay na ang lahat.

"Ah, kinuha mo ang number ni Aim noong araw na 'yun? Noong pagkatapos ng interview? For what?" sunod-sunod na tanong ni Maggie.

"No. The staffs asked me my number para in case man daw ay mainform nila ako." pagsisinungaling ni Juno may kasamang pagtawag sa lahat ng santo na hindi ito maungkat ni Maggie pagdating nila sa company ni Aim.

Napatingin si Juno sa mga naglalakihang billboards na nasa gilid ng malawak na kalsada kung saan naroon ang umaandar ang kanilang sinasakyan na pick-up ni Maggie. Napatawa si Juno ng makita ang billboard ni Jigs bilang isang racer. Ang motor ay ang Reavenne the 1st, ang helmet na bitbit ay 'yung helmet na pinahiram ni Juno.

"Look." pagnguso ni Juno kay Maggie sa billboard ni Jigs.

Napatingin naman si Maggie, medyo napatitig lang ng kaunti, nag-smirk, at saka ibinalik ang mata sa kalsada.

"He looks good in that racing suit, isn't he?" tanong ni Juno.

"Shut up." walang emosyon na sagot ni Maggie.

"Okay." sagot naman ni Juno.

Kaunting katahimikan ngayon ang namumutawi sa loob ng sasakayan ng biglang umimik si Juno.

Bending The Fate that Destiny Brought To UsWhere stories live. Discover now