Chapter 47 Tools and Motor Company

4 0 0
                                    

Pagkaraan ng tatlong araw.

Sa Galaxy Star Hotel

Nakaupo lang si Maggie sa kanyang sofa habang nakataas ang paa. Nakaharap sa cellphone na tila para bang may pinag-iisipan, gumagawa na pala siya ng bago niyang account. Iniisip ni Maggie kung gagamitin niya ba ang tunay niyang pangalan, kung palayaw lang ba ang kanyang ifi-i-filled-up o kung pepekeen niya ba. Hindi niya maintindihan ngayon. Nagulat na lang siya ng biglang pagpasok ni Juno sa kanyang kwarto.

"Tools and Motor company." sambit ni Juno sabay abot ng cellphone kay Maggie.

"Bakit sa'yo tumawag?" tanong ni Maggie na halata naman sa mukha na nagtataka.

"Dahil hindi mo binigay ang bago mong number? Dahil deleted na 'yung account mo na kino-contact nila paminsan-minsan?" sagot naman ni Juno.

Natauhan naman si Maggie nung sinabi ni Juno ang mga linyang 'yun. Inilapat ni Maggie ang cellphone ni Juno sa kanyang tainga.

"Hello." sambit ni Maggie.

"Oh Tito!" sambit ulit ni Maggie.

"Oo nga po, sorry. Ifo-forward ko po sa inyo ang bago kong number."

"Hindi po. Medyo may pinagkakabusyhan lang hehe."

"Opo opo, mga ilang buwan bago po dumating ang ilang piyesa?"

"Jig's bike?" tanong ni Juno na medyo pabulong.

Tumango-tango naman si Maggie sa tanong ni Juno.

"Tito, pwede po bang kayo na lang ang mag-inform? Medyo nahihirapan po akong contakin siya eh." sambit ni Maggie.

Napakunot naman ng noo si Juno pero kahit papaano ay naiintindihan naman niya ang inaasta ni Maggie ngayon.

"Opo tito. Ibibigay ko po sa inyo ang number."

"Opo, opo."

"Bago po kayo magbigay ng details ay make sure po na 'yung client niyo mismo ang kausap niyo." saad ni Maggie.

Nagkibit balikat naman si Juno nung narinig ang salitang 'yung cient'.

"Oh shit." sambit ni Maggie.

Napatingin naman si Juno sa kanya at humiga na lang sa sofa ni Maggie.

"Okay Tito, I will go there right now." sambit ni Maggie at saka binaba ang linya.

"Tingnan mo ang kagagahan ko." sambit ni Maggie habang inaabot kay Juno ang cellphone nito.

"Why? What happened?" tanong ni Juno.

"Skunk's bike." sagot ni Maggie.

"What with his bike?" tanong ni Juno.

"Ako nga pala ang nakapirma sa mga waiver doon. They needed my signature to fix another part." sagot ni Maggie.

"...?" hindi makapaniwalang ekpresyon ni Juno.

"You paid for it also??" pagtataka ni Juno.

"My uncle is the owner, remember?" sabay buntong hininga ni Maggie.

"So, they're fixing it for free?" tanong ni Juno.

Hindi naman umimik si Maggie.

"Lucky Jigs." sambit ni Juno.

Nag-umpisa naman si Maggie magbihis at ayusan ang sarili. Si Juno naman ay humiga ngayon sa sofa.

"But yes, I paid for it pero kalahati lang. My uncle insists na huwag ng bayaran, pero may hiya pa rin naman ako no, ayaw kong malugi negosyo nila." sambit ni Maggie na ngayon ay naglalakad papunta sa salamin niyang malaki.

Bending The Fate that Destiny Brought To UsWhere stories live. Discover now