Chapter 48 Fall in Love

5 0 0
                                    

Kinabukasan pagkatapos may tumawag kay Jigs ay minabuti niyang kanselahin lahat ng lakad niya at mga shooting niya, gusto niyang tutukan ang pagka-ayos ng kanyang motor para kung sakali ay updated siya. Para mabalik na rin kay Juno ang Reavenne nito.

Pumipili ngayon ang isang Jigs Matthias kung ano ang kanyang susuotin. Hindi maintindihan ngayon kung bakit ba tipong parang nagpapa-gwapo siya, kung ano-anong damit na ang nagkalat sa kanyang kama, kung ano-anong pantalon na rin ang nakatanggal sa pagkaka-hanger.

In-denial 'yun Jigs?

Hanggang sa napagpasyahan ni Jigs na magmaong na pantalon, mag polo-shirt na puti at puti rin na sapatos. Kinuha niya ang kanyang itim na jacket pero hindi niya ito sinuot. Sasakay na sana si Jigs sa kanyang kotse ng tumakbo ulit ito paloob ng kanyang bahay. Kumuha lang pala ito ng sunglasses.

Habang nilalakbay ang kahabaan ng daan ay may kung anong kaba siyang nararamdaman habang natatanaw at papalapit na siya ng papalapit sa Galaxy Star Hotel.

"Tsss. Akala mo naman ikanaganda mo 'yang building mo." wala sa sariling sambit ni Jigs.

Hanggang sa nakalampas na si Jigs sa Galaxy Star Hotel building, nung may nakita siyang kanto ay lumiko siya. Hindi naman siya naligaw sa paghanap ng Tools and Motor Company dahil kagaya ng sinabi ng kausap niya kahapon ay wala itong gaanong katabing building.

Pagkababa at pagkababa ni Jigs ng building ay binati niya ang sumalubong sa kanya.

"Good afternoon, I'm here for my bike's update. Ako 'yung tinawagan niyo kahapon." panimulang salita ni Jigs.

"Pasok sir kayo. Tawagin ko lang 'yung boss namin na nag-hahandle mismo ng Reavenne." sambit naman ng staff ng company na ngayon ay kasabay na si Jigs papasok sa loob.

Pagkapasok ni Jigs sa loob ng company ay hindi niya maiwasang hindi mamangha sa mga nakikita sa paligid. Gusto niyang pakialaman at hawakan ang mga gamit at motor pero alam niyang bawal kaya pinipigilan niya ang sarili niya.

Mamaya pa ay lumabas na ang staff na kasama niya na ngayon ay may kasamang iba pang staff.

"Sir, good afternoon. Do you have an ID that proves that you are Mr. Buenaventura?" tanong ng staff.

"Oh. Shoot." sambit ni Jigs na halatang walang dala.

"Or kung wala po kayong ID, pwede naman pong 'yung waiver na lang na pinirmahan ninyo ang inyong ipakita." sabat ng isang staff na kasama niya kanina.

"Sino po ba ang tumawag sa akin kahapon?" tanong ni Jigs.

"'Iyun po ang amo namin, ipinagbilin niya po sa amin na dadating po kayo ngayon pero sir sana maintindihan niyo para makasigurado kaming kayo nga si Mr. Buenaventura, kailangan po namin ng inyong ID o 'yung waiver." sambit ng staff.

"Waiver?" na halata namang nagtataka si Jigs kung ano 'yun.

"Hindi po ba kayo napapirma ng waiver?" tanong ng isang kasamang staff.

"Hindi po kasi ako ang nagdala ng motor ko dito..." hindi na natapos ang sasabihin ni Jigs ng may isang staff na lumabas.

"Si Miss Maggie po ang pumirma ng waiver niyo, siya rin po ang nagdala ng motor niyo dito. Kung gusto niyo pong makita ang motor niyo at ang update tungkol doon ay kuhanin niyo na lang muna kay Ma'am Maggie ang waiver." sambit ng kakalabas lang na staff.

"Shit. Kahit kailan talaga ang parrot na 'yan." sambit ng utak ni Jigs.

"Sige Kuya, pupuntahan ko na lang si Par...si Maggie sa kanyang condo." ni Jigs.

Hindi naman nakipagtalo si Jigs kasi alam naman talaga sadya niya ang protocol pagdating sa mga ganitong bagay.

"Sige po, hintayin na lang po namin ulit kayo dito." sambit ng staff.

Bending The Fate that Destiny Brought To UsWhere stories live. Discover now