Chapter 49 A Not So Denial Feelings

4 0 0
                                    

Halos ang lahat ng crew, maging si Manager at Direk ay nangangapa. Hindi ngayon alam kung ano ang mararamdaman ngayong nakabalik na sila sa Mt. Silvanus. Hindi pa kasi napapag-usapan nito ng masinsinan ang huling nangyari noon, noong huling gabing sila ay nandito.

"We can stay if we want to." sambit ni Direk habang tinitingnan ang kalawakan ng Mt. Silvanus.

"We can stay until our filming ends." sambit ulit ni Direk.

Napabuntong hininga na lang si Direk.

"Sabi naman ni Juno direk ay kahit kailan ay pwede tayo dito." saad ni Manager.

"Juno giving us so much favor, and yet look at what we're giving to her." sagot naman ni Direk.

"Hindi naman 'yun sinasadya ni Aim at ni Jigs, hindi rin naman natin masisisi ang dalawang 'yun. Alam naman natin ang pinagdaanan ni Aim. Naapektuhan rin si Jigs noong mga panahong 'yun, hindi natin masisisi na may takot sila." mahabang litaniya ni Manager Juls.

"Masisisi rin ba natin si Juno, kung bakit nagalit siya?" tanong naman ni Direk.

"Huwag na po kayong mamroblema direk, ang halaga ay may basbas pa rin tayo galing kay Juno na pwede natin gamitin ang lugar." sagot naman ni Manager Juls.

Ngumiti naman si Direk pero hindi maintindihan kung pilit ba ito o hindi.

Dumaan na ang ilang oras. Habang hinihintay nila Direk ang iba pang mga crews at artist/talents ay nagpapahinga ito sa ilalim ng puno. Maya-maya pa ay napatayo ito bigla ng may marinig na motor na paparating.

Dali-daling inayos ni Direk ang kanyang tindig at tila ba hinihintay ang paparating na motor. Unti-unti na ring naglakad sila Direk at Manager papunta sa kalsada. Inaabangan ang pagdating ng motor. Hindi sila nagkakamali ng inaakala si Juno nga ito.

Himala namang hindi suot ni Juno ang kanyang racing suit. Nakahood lang ito na itim, nakapants na fit sa kanyang paa at naka-rubber shoes. Pagkatigil ng motor ni Juno sa kalsada at tinanggal ang kanyang helmet.

"Direk. Manager." tango na bati ni Juno habang nakangiti ito.

"Juno." Tango din na bati ni Direk.

Nilampas ni Juno ang tingin kay Manager at Direk, tinitingnan niya ngayon ang mga nag-aayos na mga crews sa mga props. Halata sa mata ni Juno na tila ba may hinahanap ito. Napalingon din si Manager at si Direk.

"Wala pa ang iba Juno. Hindi ko lang alam kung anong oras dadating ang mga 'yun. Si Aim naman ay nasa kanyang kompanya pa. Noong tinawagan ko kani-kanina lang ay papaalis pa lang sila ng staffs niya." sambit naman ni Manager.

"Pasensya ka na sa nangyari noong nakaraan." biglang sambit at singit ni Direk.

"Sorry rin po sa inasal ko noong nakaraan." saad din ni Juno.

Natigilan naman si Manager at si Direk sa sinabi ni Juno.

"Ano ka ba, wala kang dapat ihingi ng paumanhin, matapos lahat ng ginawa mo. Hayaan mo at pagsasabihan ko sila." sagot naman ni Manager kay Juno.

"Pagsasabihan ko rin si Jigs." pahabol ni Manager.

"Hindi na po kailangan. Nakapag-usap na po kami." saad naman ni Juno.

"Nakapag-usap na rin ba kayo ni Aim?" agad na tanong ni Direk.

"Hindi po ako galit pero sa tingin ko po ay wala naman kaming kailangang pag-usapan ni Aim. Maliban na lang po kung may interview siya ulit. Kung kailangan din niya ng picture na ipopost." sagot naman ni Juno na siya ring nakapag-pagaan ng loob ni Direk.

"May pupuntahan ka ba?" tanong ni Manager.

Hindi kasi bumababa si Juno sa kanyang motor habang nakikipag-usap sa dalawa.

Bending The Fate that Destiny Brought To UsWhere stories live. Discover now