Kinabukasan
Sa Star Galaxy Hotel
Dahang-dahang binuksan ni Maggie ang pinto ng kwarto ni Juno. Imbes na sa kwarto niya sa magederitso ay minabuti niyang ipaalam kay Juno na nandito na siya, na okay siya, na walang masamang nangyari sa kanya.
"Where have you been?" tanong ni Juno.
Halos atakihin si Maggie sa gulat ng marinig ang boses ni Juno mula sa likod niya.
"Akala ko nasa loob ka. Hehe" awkward na sambit ni Maggie.
Nakatitig lang si Juno sa kanya na medyo salubong ang kilay.
"Galing ako sa room mo." sambit ni Juno.
"Ah, naghagdan ka lang ba? Kaya hindi kita nakasalubong, nagkasalisihan tayo." wika naman ni Maggie.
"Where have you been?" tanong ulit ni Juno kay Maggie.
"Sa Farm, kay Dad. May inaayos lang ako." sagot naman ni Maggie.
Hindi naman umiimik si Juno at tila ba parang binabasa ang mata ni Maggie. Tinitigan niya ito ng mabuti at sinusuri kung nagsasabi ba ng totoo si Maggie.
"Get inside." utos ni Juno kay Maggie.
Medyo kinakabahan si Maggie sa inaasal ngayon ni Juno pero mas kinakabahan siya na baka mahuli siya ni Juno na nagsisinungaling siya. Pumasok si Maggie sa loob ng kwarto, kagaya ng inutos ni Juno sa kanya.
"I was worried sick last night, Magdalene." sambit ni Juno habang kumukuha ng inumin sa kanyang ref.
"I'm fine. I'm okay. Besides, oh...here I am. Buo. Sexy pa rin. Maganda pa rin." pabirong sagot ni Maggie kay Juno.
"I am not kidding." medyo matigas na sambit ni Juno.
"Okay, sorry. I went to the farm last night. I accompanied my Dad to his business meetings. I wasn't able to answer your call dahil medyo bigatin ang clients and such. If you just know, how much I want to go home." paliwanag naman ni Maggie na para bang totoo ang sinasabi.
Tinitingnan lang siya ulit ni Juno ng seryoso.
"You usually inform me kapag may mga lakad ka. Nag-bago ata ang ihip ng hangin." sambit ni Juno.
"God, Kwin. Emergency meetings." sambit ni Maggie sabay lakad papunta sa kama ni Juno.
"Why didn't I think that you can save me from those meetings? Dapat pala pinatawag kita tapos magku-kunwari ako na emergency para naka-alis ako sa meetings na 'yun. Nakakainip kaya doon." paliwanag ulit ni Maggie na ngayon ay naka-upo na sa kama ni Juno.
"You didn't go to Jigs?" biglang tanong ni Juno.
"Mag-aano naman ako doon?"
"Why don't you tell me kung mag-aano ka doon?" balik na tanong ni Juno.
"There's no reason for me para kausapin siya no, won't waste my time to a Skunk like him. My time is precious to me."
At sa unang pagkakataon ay naniwala si Juno sa mga kasinungalingan ngayon ni Maggie. Hindi na sana niya uusisain pa kung saan ito nagpunta, ng bigla siyang may maalala.
"Where is Jig bike's key anyway?" tanong ni Juno.
Napalunok halos si Maggie sa tanong ni Juno.
"Why?" tanong ni Maggie.
"I am planning to go to Mt. Silvanus, ipapaabot ko na lang kay Aim."
"No need. Iniwan ko sa Tools and Motors Company, hinabilin ko na lang sa mga staffs doon. Sinabi ko na lang na pakibigay kapag may kukuha ng Reavenne." sagot naman ni Maggie.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanficMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...