Hindi naman napagalitan si Aim ni Direk, kailangang kailangan lang talaga si Aim dahil maraming parte bilang isang Mark ang scene na napapalampas na ni Aim kaya kinailangan agad ni Direk si Aim. Si Juno naman ang nagdala sa mga kinainan at mga iba pang hindi nila nakakain. Pag-alis kasi ni Aim ay umuwi na rin si Juno.
Sa Galaxy Star Hotel
Naisipan ni Juno na idaan ang ibang pagkain kay Maggie. Kahit pa kasi sabihin na bigay ni Aim ito ay iniiwasan ni Juno ang pagkain na pwedeng maging dahilan sa mga posibilidad na maging sakit. Naalala rin ni Juno ang sinabi noon ni Maggie na gusto niya ang mga ganung klase ng pagkain.
Nitong mga nagdaan ay nararamdaman ni Juno na kailangan ni Maggie ng kaunting privacy. Bubuksan na sana ni Juno ng kusa pero kinatok niya muna ito. At ng makailang katok ng medyo malakas at dalawang minuto halos ang lumipas ay pumasok na si Juno.
Makikita ngayon ang isang Maggie na nakadapa sa kama habang nanunuod ng movie sa laptop. Nung makarating si Juno sa harap ni Maggie ay binitawan ni Juno ang mga pagkain na dala dala nito na nakabalot sa tela. Abot hanggang tainga ang tuwa ni Maggie ng makita kung ano ang mga laman nito.
"Woooow. I love you!!" sambit ni Maggie.
"Mn." Sagot ni Juno na ngayon ay umupo na sa sofa ni Maggie.
"Dumadalas ang pagpunta sa Cicrcuit ah." Puna ni Maggie.
"Nagpra-practice lang, in case." Sagot ni Juno.
"What are you watching?" pag-iba agad ni Juno ng usapan.
"Just teen dramas that I saw on Netflix. 'yung lalaki ay artista, ang babae naman ay ordinary, tinatago nila relationship nila." Sagot ni Maggie.
Napalunok naman si Juno sa sinabi ni Maggie.
"Typical drama." Sagot ni Juno na kung titingnan mo siya ay para bang wala lang sa kanya ang sinabi ni Maggie.
Acting cool.
"Thrilling anyway." Sambit ni Maggie.
"Anyway, kung halimbawang may boyfriend ka, tapos artista siya, anong mararamdaman mo kapag sinabi sa'yo ng boyfriend mo na hindi ka na pwedeng ilabas sa mundo?" tanong ni Maggie.
"Normal lang naman sa mga artista na itago nila status nila, after all they have a private life." Sagot ni Juno.
"Sabagay." Sang-ayon naman ni Maggie.
"Gonna go upstairs now." Paalam ni Juno habang tumatayo.
"Okay, okay. Thank you sa mga pasalubong." Sambit ni Maggie.
Kinaway lang ni Juno ang kanyang kamay at saka umuwi sa kanyang sariling kwarto. Pagdating ni Juno ay nagderitso na siya sa CR at naligo. Hindi naman nagtagal ay lumabas na siya sa banyo habang pinapatuyo ang kanyang buhok. Umupo ito sa kanyang sofa at kinuha ang kanyang cellphone.
To: Sean
--I'm home. Rest when you have time.
Sent.
Binaba rin naman agad ni Juno ang kanyang cellphone at saka humiga sa kanyang sofa. Ngayon lang niya naramdaman ang pagod ng katawan niya. Pagkaraan lang ng ilang saglit ay hindi namalayan ni Juno na nakatulog na pala siya.
Pagkagising ni Juno ay halos magmamadaling-araw na. Tiningnan niya ang cellphone niya pero walang reply galing kay Aim. Tumayo si Juno at binuhay ang ilaw, nagtingin siya kung ano ang pwedeng lutuin na nasa loob ng kanyang ref. Noong makita niya sa ibabaw ng ref ang champorado na ready to eat na lalagyan lang ng mainit na tubig ay 'yun na lang ang kinain niya. Habang tahimik na kumakain ay nagreply na rin si Aim.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanficMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...