Kahit kinakabahan ay mas pinili pa rin ni Aim na magpakita kay Juno, kahit papaano ay hindi pa lumilipas ang birthday ni Juno, pagdating niya sa 13th floor ay huminga muna siya ng malalim at saka kumatok sa pinto ni Juno.
Pagkabukas ng pinto ay bumungad kay Aim ang isang Juno na basa ang buhok, halatang kakatapos lang maligo, nanlaki ang mata ni Juno ng makita si Aim.
"It's very late. You should be resting." medyo halata sa boses ni Juno ang pag-alala niya kay Aim, ang pagkabigla at pagtataka kung bakit ito nandito ngayon.
"Xinnian Kuaile!" masayang bati ni Aim habang inaabot kay Juno ang pahabang box.
Medyo natawa at ngumiti si Juno.
"Get inside." yaya ni Juno kay Aim.
Pumasok si Juno sa loob ng kanyang condo at sumunod naman si Aim.
"How did you know that it's my birthday?" tanong ni Juno.
"You're my girlfriend." sagot ni Aim.
Medyo tahimik lang ang paligid, kumuha si Juno ng maiinom ni Aim.
"I actually forgot." amin agad ni Aim.
"You're here now." sambit ni Juno na ngumingiti at hindi maintindihan kung tatawa ba o hindi sabay abot ng maiinom ni Aim.
Habang tinitingnan ni Aim si Juno, hindi maiwasang hindi mapangiti ni Aim, lalo na't ganito ang mga ngiting nasasaksihan ngayon ni Aim.
Umupo si Juno sa tabi ni Aim at binuksan ang regalong bigay ni Aim. Red string bracelet ito, simpleng may dating, may lock at adjustan ito sa sa parehas na dulo. Ngumiti si Juno habang pinagmamasdan at hinahawakan ang bracelet.
"Did you know that if you give a red string to a person, it means that you and that person will be bound to be with each other forever?" tanong ni Juno na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin.
Kinikilig.
"And it means, even in another next life, we will meet and we will meet again." dagdag ni Juno.
Kinuha ng marahan ni Aim ang bracelet na hawak ni Juno at isinuot niya ito sa kanang kamay ni Juno.
"I know." sagot ni Aim.
"I do." birong sagot ni Juno.
Napatawa naman si Aim.
Kinuha ni Aim ang unan na nasa sofa at ipinatong ito sa hita ni Juno at saka siya humiga. Pumikit. Pinagmamasdan ni Juno ang bawat anggulo ng kanyang mukha. Kahit saang anggulo, gwapo.
"How old are you again?" tanong ni Aim habang nakapikit ang mata.
"Old enough to marry you." sagot ni Juno habang nakatitig pa rin sa nakapikit na si Aim.
Napamulat ng mata si Aim, halata sa mukha ang pamumula, hindi maintindihan kung ano ang kanyang sasabihin. Bumangon si Aim sa pagkakahiga at inilapit ang kanyang mukha sa mukha ni Juno.
"Say that again." bulong ni Aim na medyo paos na ang boses.
Ang kaninang cool na nakangiting mukha ni Juno ngayon ay napalitan na ng pamumula. Kung kanina ay titig na titig siya kay Aim, ngayon naman ay nag-iiwas siya ng tingin. Sunod-sunod ang paglunok ni Juno. Ibinaling ni Juno ang kanyang tingin pero sinundan ito ng mukha ni Aim.
"Say it again." sambit ulit ni Aim.
Dahang-dahang inalalapit ni Aim ang kanyang katawan kay Juno, si Juno naman ay napapaatras at napapasandal sa sofa.
"I...I... I love you." utal-utal na sambit ni Juno.
"That's not what I heard but I also love that. Say those words again." bulong ngayon ni Aim sa tainga ni Juno.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanficMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...