Sa sobrang busy ni Aim ay hindi na niya nagawa pang tawagan ulit si Juno, madaling araw na ng matapos ang kanyang mga scene, susubukan niya sanang tawagan si Juno pero ang nasa isip niya ay baka nagpapahinga na ito at baka makadisturbo siya, kailangan ni Juno ng magandang kondisyon para sa gaganapin na laro kaya minabuti na lang ni Aim na huwag munang tawagan si Juno.
Umaga na, ito na ang hinihintay ni Juno na International Race na kanyang sasalihan.
Pagdating ni Maggie, Aim at Jigs sa Circuit, marami ng tao. Maraming nag-aabang. Marami ring nagsisigawan. Halata sa mga tao na sobrang excited sila sa masasaksihan na racing ngayon. Bago pa man magtungo dito sa Circuit ay sinundo nila si Aim sa Mt. Silvanus.
Inilibot agad ni Aim ang kanyang mga mata sa mga magkakasunod na tent at hinahanap si Juno. Napangiti si Aim ng bahagya ng naalala na naman niya noong una niyang nakita si Juno. Noong magkalaban sila si Juno at si Jigs. Ito 'yung kauna-unahang kita niya kay Juno noon.
Bago pa kasi sila nagtungo dito sa Racing Track ay nabanggit ni Aim ang naging mainit na tension niya at ni Juno at ang naging sagutan nila kagabi. Si Maggie ay nainis kay Aim pero inamo rin naman agad ito ni Jigs, si Jigs man din ay nasa side ni Juno at pinaliwanag kay Aim ang mga bagay-bagay.
"Looking for someone?" pang-aasar ni Jigs sa kaibigan.
Siniko naman ni Maggie si Jigs, sinesenyasan na huwag na biruin ang kaibigan. Pinagsalubungan ni Jigs ng kilay si Maggie pero wala pang sampung segundo ay pinalitan niya ito ng matamis na ngiti at sabay hawak sa kamay ni Maggie.
"Tsss." pag-irap ni Aim ng mata bilang ganti sa pang-aasar ni Jigs.
"Pagkakataon mo na para maka-usap si Juno. Huwag mo sayangin. Kapag may ganitong laro ay lagi naman 'yun mag-isa sa tent niya at walang kasama. Puntahan mo na lang pagkatapos." sambit ni Maggie.
"Okay. Okay." pagsang-ayon naman ni Aim.
Naghanap na silang tatlo ng pwesto kung saan malapit sa may mga helerang tent, at kung saan malapit lang sa screen para kitang-kita nila ang naglalaro.
"Ngayon lang ako kinakabahan ng sobra sa ganitong laban." wala sa sarili na sambit ni Aim.
"O baka naman kinakabahan ka lang na baka hindi mo makikita si Juno." sambit naman ni Jigs.
Wala namang umiimik na ngayon at halos ang lahat ay naghihintay sa umpisa ng laban.
"Ang tagal naman mag-umpisa." dugtong ulit ni Jigs.
"Para ka namang hindi racer love." sambit naman ni Maggie sa kanyang boyfriend na si Jigs.
"Well...it's my first time sitting in a bench where I am a watcher not a player." sagot naman ni Jigs.
Natanaw na ni Aim sa malayo si Juno, wala sa kanilang helerang inuupuan ang tent ni Juno kundi nasa kabilang bench. Pero mas pinili ni Aim na huwag na lang sabihin sa dalawa kasi baka mamaya tutuksuhin na naman siya.
Kung sa mga naunang laban at laro ni Juno noon ay lagi siyang mag-isa sa tent niya, walang kumakausap, walang kasama, ngayon naman ay napapansin ni Aim na may dumadaan mismo sa tent ni Juno. Ang iba ay racer din, ang iba naman ay coach. Pinagmamasdan ni Aim ang bawat mga tao na nakaka-usap ni Juno. Minsan seryoso ang mga mukha nito, may iba naman na para bang nangugumusta lang kay Juno at nakikipagtawanan.
Hindi na puro itim ang racing suit nito. Itim na may halong pula na. Maging ang helmet nito ay ganun din. Hindi nagamit ni Juno ang kanyang Speed dahil ito ang gamit niya kagabi kung saan kumiskis sa kalsada at ngayon ay nasa Tools and Motors Company na naman para kumpunihin.
Maya-maya pa ay nagpuntahan na ang mga racer sa kanilang starting line. Kagaya ng mga naunang laro, marami ang kalahok. Lahat ng manlalahok ngayon ay halatang-halata na mga International Racer. Hiyawan, sigawan, palakpakan na walang humpay ang maririnig ngayon sa paligid.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanfictionMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...