Chapter 69 Am I that Easy to Forget?

7 0 0
                                    

"Juno! Put that down!" saway ni Aim sa kanya na ngayon ay hawak hawak ang na baril.

"You might accidentally kill yourself with that! Give that to me!" gigil na sabi ni Aim habang inaagaw niya kay Juno ang baril na ito.

Nakasampa ngayon sa ibabaw ng sofa si Juno, si Aim naman ay nakatayo sa baba ng sofa. Napatigil si Aim sa pakikipag-agawan ng baril ng sumenyas si Juno na huwag maingay. Inilagay ni Juno ang kanyang sariling hintuturo sa ilong, ganun pa rin sumesensya na huwag maingay.

Umatras siya ng kaunti si Juno at saka tinutok ang baril kay Aim.

Fck. What kind of situation is this?

Hindi makapaniwala si Aim sa ginagawa ngayon ni Juno. Kinakabahan at unti-unting niyang nararamdaman ang init ng kanyang mata.

"Is this what Maggie's telling me long before? That I should distance myself from Juno? Is this what she's telling me that sometimes Juno can't control her anger." Sambit ng utak ni Aim.

Pinikit ni Aim ang kanyang mata at handa ng tanggapin ang kapalaran niya, ng biglang may sumirit na tubig sa mukha niya.

"...."

"...."

Water Gun. It's water gun. Napahagikhik si Juno ng tawa. Hawak hawak ang kanyang sariling bibig. Hindi makapaniwala si Aim sa nangyayari.

Napaupo si Aim sa sofa, pilit na hinihila ang sarili sa hindi makapaniwalang pangyayari. Ginaya siya ni Juno, umupo din ito. Hindi umimik si Aim. Hindi niya rin tinitingnan si Juno. Naiinis siya. Napipikon siya. Lalo ngayong nadagdagan ang galit niya kay Juno.

Biglang tumayo si Juno at may kinakapa sa ilalim ng lamesa na nasa harap lang din sa sofa. Ng hindi niya makuha ay tumayo ito at dumapa sa sahig para tingnan ang ilalim ng lamesa. Kung hihiga ka ay matatanaw mo na may nakadikit sa ilalim ng lamesa. Iyun bang parang spy camera ang dating. Saka mo lang malalaman na mayroon pala nito kung kakapain mo kapag nakaupo ka.

Napatingin si Aim sa ginagawa ni Juno. Hinahanda ang sarili kasi baka kung ano na naman ang gawin nito, at baka sa pagkakataong ito ay mapahamak siya ng tuluyan. Pagkatapos dumapa ni Juno ay kinapa niya ulit ang ilalim na lamesa at ngayon ay tagumpay niyang nakuha ang pilit na inaabot niya kanina.

Ngumiti si Juno na animo'y para ba siyang bata ng tingnan ang envelope at saka ito inabot kay Aim ng may sigla. Nanlaki ang mata ni Aim. Pero hindi rin maitatanggi na nagtataka siya kung ano ang nasa loob ng envelope. Binuksan niya ito at binasa ang mga papel na nakuha niya sa loob ng envelope.

"Yeah, I know you're the owner of this place. You don't have to remind me". sambit ni Aim habang binabalik ang papel sa loob ng envelope at saka inabot ulit kay Juno.

Ngunit tinabig ni Juno ang kamay ni Aim na para bang sinasabi ni Juno na kanya na lang ito.

"???"

Tumayo si Juno at lumakad papunta sa kanyang kwarto, muntikan pa itong matumba dahil sa kalasingan. Buti na lang ay naalalayan siya agad ni Aim. Sumenyas si Juno na kaya na niya ang sarili niya at hindi na niya kailangan pa ng pag-alalay.

Binitawan naman siya ni Aim noong nakuha niya kung anong klaseng senyas ito. Pumasok si Juno sa kanyang kwarto. Akala ni Aim ay tutulog na ito, maya-maya pa ay lumabas ulit at dala-dala nito ang kanyang gitara. Inabot niya ito kay Aim.

"???" "Juno...you should now rest." Kahit papano ay concern pa rin si Aim kay Juno.

Nagpalinga-linga si Juno sa paligid at ng nahuli ng atensiyon ni Juno ang susi ng kanyang motor ay dinampot niya ito at lumapit ulit kay Aim para iabot ito.

Bending The Fate that Destiny Brought To UsWhere stories live. Discover now