Pagkalabas ni Aim sa kanyang company, dali-dali itong naglakad. May nakasakbit na backpack sa likod niya. Tumingin sa kaliwa at kanan kung may nagmamasid o nakatingin ba sa kanya, ng masigurado na wala ng tao ay dali-dali siyang tumakbo sa direksyon kung saan naka-park ang HiAce na sasakyan.
Akmang sasakay na sana si Aim ng bigla siyang matigilan. Dahan-dahan ulit siyang bumaba na patalikod at saka lumingon. Si Fielle. Nakaupo ito sa kanyang motor. Tinititingnan si Aim. Nagsalubong ang mata ni Aim ng tinanguan siya ni Fielle.
"What do you want?" matigas na sambit ni Aim.
"Pinadala ka ba ni Juno dito?" sambit ulit ni Aim.
"Pinagbibintangan mo agad siya." Sambit ni Fielle habang seryosong nakatitig kay Aim.
"Or may binabalak na naman kayong panggagago?" igting na pangang tanong ni Aim.
"Pang-gagago?" takang tanong ni Fielle.
"Look, I don't have time with you and Juno's shit! Leave me alone." sambit ni Aim habang lumalapit kay Fielle na kaunti na lang ay sasapakin na niya.
"Naiintindihan ko kung may galit ka sa akin, but what I can't understand is your anger towards Juno, ano bang ginawa niyang kasalanan sa'yo?" unti-unti na ring naiinis na sambit at tanong ni Fielle.
Tumayo si Fielle, halatang magkasalubong na rin ang kilay. Handa na ring sapakin anumang oras si Aim. Gusto niyang sapakin si Aim sa mga pinapakita at pinaparamdam nito kay Juno. Gusto niyang ilibing ng buhay pero kahit ganun pa man ay pinipigilan niya pa rin ang sarili niya dahil alam niyang hindi ito magugustuhan ni Juno.
"Really?" natatawang may pagkasarkastikong tanong ni Aim.
"Hindi ako gago. Hindi ako uto-uto, at lalong hindi ako bulag sa katotohanan na itinago ni Juno ang tungkol sa inyo, na buhay ka pa." sambit ni Aim na nakatitig ulit ngayon kay Fielle.
Naaalala din ni Aim ang naging larawan ni Juno at ni Fielle na nasa bar pero hindi na ito inungkat pa ni Aim, sapat na katotohanan na 'yun para sa kanya.
"Tinago niya nga ba talaga ang katotohanang 'yun?" seryosong tanong ni Fielle.
"Walang tinago si Juno sa'yo! You jumped into conclusions! Nag-react ka, at imbes na pinakinggan mo siya, iniwasan mo!" sambit ni Fielle na hindi maitatanggi na namumula na ang mukha sa galit.
"Juno was wrong, you are not that understanding person like she always said." dagdag ni Fielle.
Medyo natigilan si Aim sa huling salitang binitawan ni Fielle.
"Understanding? Ano ang dapat kong intindihin? Ang pang-gagago niyong dalawa? Ang katotohanang tinago niya na nag-eexist ka pa sa mundong 'to?!" sambit ulit ni Aim na pilit pinapaintindi kay Fielle.
Napabuntong hininga si Fielle, hindi niya alam kung sa paano bang paraan niya ipapaintindi kay Aim na hindi nagsinungaling si Juno sa kanya.
"Follow me." sambit ni Fielle.
"If you don't want to, it's alright. But if you needed an answer then follow me."
"Klaro na sa akin ang sagot." pagmamatigas ni Aim.
"Juno didn't lie to you! If you still choose to close those goddamn ears of yours, sisiguraduhin kong hindi mo na makikita si Juno. Babawiin ko siya sa'yo. And I will make sure of that! Hindi niya deserve ang matigas na katulad mo!" bulong na pagkakasabi ni Fielle pero para bang isinisigaw niya ito sa mukha ni Aim.
Namumula ang mata ni Fielle pero walang pumapatak na luha.
"It's up to you, if you will follow me or not." huling sambit ni Fielle at saka sumakay sa motor.

YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanfictionMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...