Chapter 73 Please don't push me away

9 0 0
                                    

Ng marinig ni Aim ang buong katotohanan mula kay Fielle ay nalinawan si Aim, napagtagpi-tagpi ni Aim ang mga sinabi ni Juno sa kanya noon.

"I really need to go to Juno, right now." sambit ni Aim habang tumatayo.

"Go." sambit ni Fielle.

"Look, I'm sorry if I acted like a jerk." paghingi ng paumanhin ni Aim.

"Hindi ka sa akin nagkamali kundi kay Juno." sagot naman ni Fielle.

"I need to go." paalam ulit ni Aim.

"Good luck. Sa kaliwang kanto tayo pumasok kanina, hindi sa kanan, baka maligaw ka." payo ni Fielle.

"You also know a lot of things." sambit ni Aim.

"Juno told me. That's the only negative thing that she told me about you. Na wala kang sense of direction kahit napuntahan mo na. And yep, napapag-usapan ka namin."

Tumango lang si Aim at saka lumakad papalabas ng bahay ni Fielle.

Pagkalabas at pagkalabas ni Aim ay tumakbo ito papunta sa kanyang HiAce na sasakyan. Para bang wala ng bukas ng paandarin niya ito. Naisipan niyang tawagan ulit si Juno, pero ganun pa rin nagriring lang ito pero walang sumasagot. Hanggang sa naisipan niyang tawagan si Jigs.

"Bro, where are you?" bungad na tanong ni Aim kay Jigs.

"Maggie's condo. Why?"

"I will go there."

"O...kay, but why though?"

"Is Juno there?"

"Hold on."

Pagkaraan ng ilang saglit ay umimik ulit si Jigs.

"Just go here." sambit ni Jigs.

Inapakan ni Aim ang preno, mamaya pa ay pinatakbo na niya ng mabilis ang kanyang minamaneho na van. Pagkarating sa Star Galaxy Hotel ay walang pakialam si Aim kung may makakakita sa kanya o wala. Pagkababa niya sa underground parking ay deri-deritso siyang naglakad papunta sa elevator. Pagdating sa 12th floor ay agad niyang kinatok ang pinto ni Maggie. Binuksan ito ni Jigs. Pumasok naman agad si Aim.

"Juno is not here." walang emosyon na sambit ni Maggie na matalim ang tingin kay Aim.

Nakaupo lang ito sa may lamesa habang nakahalumbaba.

"Baka magkasama sila ni Fielle. Doon mo hanapin." sambit ulit ni Maggie.

"Love." saway naman ni Jigs.

"Tumigil na kakahabol si Juno kaya namimiss mo, ganun?" sumbat ulit ni Maggie.

Naiintindihan ni Aim kung bakit galit si Maggie, matapos lahat ng ginawa niya kay Juno, sa pagtataboy kay Juno, sa hindi pakikipag-usap, sa pagtago niya para hindi na siya kulitin ni Juno.

"I'm sorry. I don't have time for this but once that I will have, I will get back to you." sambit ni Aim.

"Sinubukan mo na bang tawagan?" tanong ni Jigs.

"Oo, pero hindi sumasagot." sagot ni Aim.

"Babalik na siya sa U.S. ngayong araw." halumbaba ni Maggie na nakatingin pa rin kay Aim.

"Ha?!" halos sigaw ni Aim

"What?!" gulat ni Jigs.

"Yep. I'm pretty sure na kaya naisipan ni Juno noon na bumalik dito sa Pilipinas because of you eh." sambit ni Maggie na para bang nagtatagpi din ng katotohanan.

"But the last time we talked, she said ano namang gagawin niya dito kung wala ng Aim." halumbaba ni Maggie.

"Kasalanan mo 'to eh, kaya aalis na naman ang kaibigan ko!" maktol ni Maggie.

Bending The Fate that Destiny Brought To UsWhere stories live. Discover now