Medyo malalim na ang gabi, hindi makapag-isip ng ayos si Juno. Hindi mawala sa kanyang isipan ang kanyang nakita. Kung pilit bang itatanggi niya sa sarili niya na na nananaginip lang siya o namamalik mata lang siya. Kanina pa siyang nasa parking lot ng Star Galaxy Hotel.
Babalik sa kanyang kwarto, tapos bababa ulit sa parking lot. Babalik ulit ng kanyang kwarto tapos bababa na naman. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari, kung ano ang gusto niyang mangyari, kung ano ang gusto niyang gawin.
Suminghap lang siya ng kaunti, pinipilit na huwag ng lumuha pero kahit anong gawin kusa itong tumutulo at nakikidalamhati sa kanyang nararamadaman. Sumakay na siya ulit elevator, tinanggal ang suot niyang helmet at isinaktbit ito sa kanyang braso.
Ng makarating na sa 13th floor ay tulala siyang naglalakad papunta sa kanyang kwarto. Hindi niya binuksan ang ilaw. Nagderitso na lang siya sa sofa at saka doon umupo. Magkasalubong ang kilay habang nalulungkot ang mga mata. Tumingala siya sa kisame, isinandal ang ulo.
"Tsss." Singhap ni Juno ng mapagtanto kahit pala ang pagtingala ay hindi kayang pigilin ang luha. Pilit na pinupunasan ang bawat patak. Ang kaninang tahimik na iyak ay napalitan ngayon ng unti-unting hagulhol.
Tinakpan ni Juno ang kanyang mga mata ng kanyang braso, at binuhos ang sakit na nararamdaman, unti-unting dumadaosdus sa sofa na kanyang kinalalagyan. Kung may tao lang sa labas ng kanyang condo ay malamang sa malamang maririnig ang sakit ng iyak ni Juno. Pagkaraan halos ng ilang oras ay tinulungan ni Juno ang kanyang sarili na tumayo at lumipat sa kanyang kama.
Lumipas ang isang buong araw na nakahiga si Juno sa kanyang kama, hindi niya alam kung anong gagawin. Naglaho ang kanyang mundo ng tuluyan. Halos mag-gagabi na naman, nakakailang buntong-hininga na rin siya hanggang sa naisipan niyang pumunta na lang sa race track, doon walang gulo, walang issue na maririnig, malayo sa ingay, kung may mag-iingay man ay siya na' yun at ang kanyang motor. Kailangan niyang mag-unwind, magde-stress, gusto niyang itakbo sa kawalan ang sakit.
Sa Racetrack.
Habang inaayos ni Juno ang kanyang gears at ang helmet ay napatigil siya ng may naaaninag siyang anino na paparating sa kanya. Malumanay lang na lumingon si Juno. Napatingin siya ngayon sa isang Jigs na nakaracer suit rin.
"Practice?" tanong ni Juno habang binalik ang tingin sa kanyang motor.
"Got nothing to do." Pagpapaligoy agad ni Jigs.
"The series that you've been in, hindi ba't nagsho-shoot pa kayo?" pagtatakang tanong ni Juno.
Sambit ng utak ni Jigs. "Okay. Maybe it's just a hoax or maybe she doesn't browse social media again."
"Yep. But I have 3 more days off, so I am trying not to sit idly at home." sagot naman ni Jigs.
Hindi na umimik pa si Juno, abala pa rin sa paghahanda ng kanyang motor. Umalis na si Jigs pero bumalik din agad. At sa pagbalik nito ay bitbit nito ang kanyang motor, hindi niya muna ito sinakyan. Kanya muna ring nilinis at inihahanda ang kanyang paboritong motor.
Halos magkasabay lang na natapos ng dalawa ang paghahanda sa kani-kanilang mga motor. Tumayo si Juno at ganun rin naman si Jigs. Napatingin si Juno sa race track, lumakad lang ito ng kaunti para sipain ang maliit na bato na nakita niyang nakaharang sa kalsada. Pagkatapos nun ay bumalik na si Juno sa kanyang motor, habang naglalakad ito pabalik at tinitingnan ito ni Jigs.
"Juno, I know that you understand how a celebrity life works, right?" tanong ni Jigs sa nakatitig na Juno sa kanya.
"Mn. Mn." pagsang-ayon naman ni Juno.
"Sean...Aim, I guess it just a hoax...if you know what I'm talking about... because of his career. But I know it isn't true. You know, it's sad sometimes that we don't have a private life. There are times that I want to quit but for what? I've been sacrificing too much, and I know that I will sacrifice more." sambit ni Jigs.
YOU ARE READING
Bending The Fate that Destiny Brought To Us
FanfictionMadalas sa pagtakbo natin ng sakit ng nakaraan, mayroong mga bagay na mangyayari sa kasalukuyan na hindi natin inaasahan. Ano nga ba ang mga bagay na 'yun? Makakapag-hilom ba ito ng sakit na ating tinatakasan o makakadagdag lamang ba ito sa sakit na...