CHAPTER ONE

10.5K 154 2
                                    

His P.O.V:

"Pare balita ko babalik na yong ex mo" napatigil ako sa pag-inum ng alak sa hawak kong baso.

"Sino?" Walang gana kong tanong.


"Tol wag mong sabihing naka move on ka na sa kanya?" Nakangising tanong niya. Tiningnan ko siya ng masama. Sino ba kasing tinutukoy niya? Saka sa dinami-dami kong naging girlfriend, hindi ko na matandaan ang mga pangalan nila.


"Si arraizah" napalunok ako sa sinabi niya.


Oh, 3 taon na pala simula nong umalis siya. Tatlong taon nang wala akong balita sa kanya. Tatlong taon na pero hindi ko pa rin nalilimutan ang panggagagong ginawa niya. Hindi ko alam na magaling pala siya magtago.

"Balita ko, kasama niya ang boyfriend niya. Sabi pa ni Ellaine may magaganap na reunion sa bahay nila, hindi ko nga alam na kamag anak ng girlfiriend ko ang boyfriend ni arraizah. ano sama ka?"

Hindi ko mapigilang magalit. Boyfriend? May boyfriend na pala siya. Damn! Hindi maaaring magkaroon siya nang boyfriend kasi sa pagkaalala ko wala kaming malinaw na hiwalayan. So difinitly were still a couple.


"So pare mauuna na ako. May pupuntahan pa kami ni Ellaine."

"Pupunta ako sa sinabing reunion. Bukas ba yon? Anong oras ?" Tanong ko.


"Tom. 6:00 pm. Sige mauuna na ako"


///////

Her P.O.V:


"May problema ba? Kung gusto mo wag na tayong pumunta nang pinas okey lang." Sabi ni Jake. Andito siya ngayon sa apartment ko. Tinutulungan niya akong mag impake.

"Hindi pwedi saka nangako ka sa pinsan mo na pupunta ka."


"Pero babe pwedi ko naman silang tawagan na di tayo matutuloy. Saka mukhang hindi ka pa handa" malungkot niyang sabi. Niyakap ko nalang siya. Alam ko kasi ang tinutukoy niya.


"Hay naku magddrama na naman ba tayo? Saka matagal na yon okey" pinisil ko ang ilong niya.

"What if ma-magkita kayo ulit.?" Seryosong tanong niya.


"Eh ano naman kung magkita kami. Matagal nang tapos ang sa amin. Ang importante, tayo" sabi ko. Napapikit nalang ako ng halikan niya ako sa noo. Isa lang ang alam ko. I love this man. Siguro panahon na para linawin ko na wala na kami ni Bryle.


Sapat na ang tatlong taong pagtatago ko. Tama si jake. Hindi panghabang buhay kong pagtataguan si Bryle. Kailangan ko lang ihanda ang sarili ko sa pweding mangyari kung sakaling magkita ulit kami.

Kailangan ko ring linawin na hindi ko siya niloko. Na kung anuman ang pinakain sa kanya ni anatalia ay puro kasinungalingan.


The Billionaire ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon