Chapter: 1

8 0 0
                                    

Napabangon nalang ako ng biglang tumunog ang phone ko sa ilalim ng unan.

"oh" sagot ko

"Nasaan kana ba? anong oras na oh" 

Si Nica ang kaibigan kong napaka ingay, teka! anong oras na ba? napalingon ako sa wall clock at 7:52am na pala.

"eto na papunta na po" 

binaba ko na ang tawag, nagsimula na akong mag ayos ng sarili bago bumaba para mag breakfast.

"Mia, diba malapit na ang bakasyon mo?" tanong ni mama na abala sa pag hahanda ng pagkain sa mesa.

kaming dalawa lang ni mama ang nakatira sa bahay na to dahil nasa ibang bansa si papa nagtatrabaho at tuwing may mga occasion lang umuuwi.

"opo ma?" 

"naisip ko kasing doon muna tayo sa bahay ng lola mo tumira habang bakasyon." wika ni mama bago umupo ng nakangiti.

napangiti nalang ako at tumango, alam kong namimiss na ni mama si lola kaya siguro gusto niya kaming doon mag bakasyon. 

"talaga anak?" 

"opo ma, alam kong namimiss mo na si lola dahil matagal na tayong hindi siya nabibisita" wika ko bago uminom ng kape.

***

"Bakit ang tagal mo? alam mo naman na ayaw kong ma late sa laro nila"  pag bungad niya sa akin ng makaupo ako sa tabi niya dito sa gym.

Olympics ngayon dito sa University na pinapasukan ko, hindi ako interesado umattend sa mga ganito pero hindi ako tinigilan ni Nica na kumbinsihin kaya wala akong nagawa.

Ilang minuto lang ang lumipas nagsimula na ang laro, Basketball ngayon na araw at baka Volleyball bukas. halos mabingi ako sa lakas na boses ni Nica sa kakasigaw para i cheer ang crush niyang si Leo na Third-Year Architecture. 

Napalingon ako sa katabi ko ng sumigaw rin para mag cheer, he's wearing a soccer player uniform napangiti siya ng maka score ang team na ni cheer niya.

"Isaac, halika na"napalingon siya sa likod niya ng tawagin siya nito.

"Magsisimula na ba? sayang naman" 

"hindi pa, nagpapameeting si coach" 

Tumayo na siya at bumaba ng hagdan bago siya naglakad nagpahabol pa ito ng cheer.

"Leo, galingan mo" 

Ngumisi lang si Leo at kumindat sa mga babae na nasa unahan na nagsitilian naman.

***

"Ang cute nong guy na katabi mo kanina, sayang nga at umalis na siya agad" wika ni nica ng may halong lungkot ang boses.

"Si Isaac?"

"kilala mo siya?" biglang lumiwanag ang mukha ni nica ng marinig ang sinabi ko.

"narinig ko lang nong tinawag siya ng kasama niya" 

"Ang gwapo sana ang weird lang ng pangalan"

Natawa nalang ako sa mga pinagsasabi niya.

"Uuwi ako sa Probinsya sa Sunday" 

"Sa Isabela? Bakit naman?" tanong ni nica habang kinakain ang Spaghetti na inorder niya.

"Namimiss na siguro ni mama si lola, kaninang umaga kasi bigla niya nabanggit si lola"

"sabagay matagal na kayong hindi nakakauwi don, ayos yan para naman makapag bonding kayo ni tita" wika niya ng nakangiti

May point naman siya pero mas maganda sana kong kasama si papa.

Biglang umingay ang buong cafeteria ng magsitilian at mag bulungan ang mga babae habang nakatingin sa pinto kong saan pumasok ang grupo ng mga lalaki. Napako ang mata ko sa lalaking nakasuot ng Soccer player uniform.

Isaac.

"Nagugutom na ako pare"  wika ng lalaki na nakasuot ng Basketball player uniform

"Doon tayo" turo ni Isaac sa bakanteng upuan sa may dulo.

'ako na ang mag oorder" wika ni Leo at mabilis na pumunta sa Counter.

***

Kumakain habang nagkukwentuhan sila sa table nila na parang may sarili silang mundo. Paano ba naman halos lahat ng mga babae dito sa cafeteria ay nakatingin sa kanila at sa tingin ko ay sanay na sila sa attention na binibigay sa kanila.

"Ang cute talaga ni Leo" ngingiti ngiti na wika ni Nica na hindi maiwasan sulyapan ang Crush niya.

"Hoy kanina kapa nakatitig sakanya anong meron?" 

Nabalik ako sa tamang huwisyo ng kalabitin ako ni Nica.

"wala, ang ingay lang kasi nila"

May kakaiba sakanya.

***


#K_Rilley




His Eyes: Ryuu Jake OchimoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon