LAST CHAPTER: Goodbye my SUPERSTAR??
JIJEY’S POV
Pagkasarado ko ng gate napasandal ako dito at umiyak. Nung narinig kong umalis na siya. Dahan dahan akong napaupo. Well…. Para din naman sa akin itong pag-alis kong ito. Mas madaming opportunity dun. I need to go. For peace of mind nadin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~
‘’Is everything packed?’’ tanong ni Rubin sa akin. Saglit akong napatingin sa kanya saka tumango.
‘’ Anak, ingat ka doon ah.’’ Sabi ni Yaya Ising habang nagpupunas ng luha. Napangiti ako at niyakap si Yaya.
‘’ Salamat po yaya sa lahat. Alagaan niyo po ang bahay ah. ‘’ sabi ko.
‘’Basta bibisitahin mo ako dito ah.’’ Sabi niya.
‘’Oo naman po.’’ Sabi ko.
‘’Jey-jey… malelate na tayo.’’ Sabi ni Rubin. Kumalas ako sa pagyakap.
‘’Sige. Ingat na po kayo.’’ Sabi ko. Saglit akong napatingin sa bahay. Kasama namin sa van sina Yumi at Kenneth. Si Shack nga wala. Ni hindi nagpaparamdam sa akin. Sumakay na ako sa van at tinabihan naman ako ni Rubin saka sinaraduhan ang pinto ng van. Titig na titig lang ako sa unahan.
Tutuloy ba talaga ako? I can back out naman…
Yan ang mga thoughts na umiikot ngayon sa utak ko… Kung hindi ko itutuloy at patatawarin si Vincent… I can be happy but it doesn’t change me hurting deep inside. Kung aalis ako, magiging masaya din ako kasi makakasama ko na ang mga parents ko at makakapagmove on ako pero malulungkot ako. Anubayan!
Hinawakan ni Rubin ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya.
Naaaaah… I will be happy. Magiging masaya ako kasama ang parents ko pati na din si Rubin, ang high school sweetheart and bestfriend ko.
Nginitian ko siya at ayun… we hit the road.
SHACK’S POV
Kanina ko pang pinipilit si Vincent na wag siyang sumuko. Pero lagi niyang sinasabi…
‘’ It’s over…. My life is over… Aalis na siya.. Wala nang makakapigil dun…’’
Eh kung batukan ko kaya itong gagong ito?! Ang daling sumuko. Kung mapipigilan ko lang talaga si Jijey eh di sana nagawa ko na. Eh etong mokong na ito.. kayang kaya ayaw lang ibigay ang full effort.
‘’ Kung hindi ka tatayo diyan… bahala ka! Aagawin ko na sa yo si Jijey. At hinding hindi ko na siya ibabalik sa iyo! Hear me?! NEVER kong ibabalik sayo si Jijey kahit makita mo lang siya hindi ko papayagan.’’ Sabi ko. Napatingin siya sa akin sabay tingin ulit sa malayo.
‘’Sayo na. Sayo siya sasaya.’’ Sabi niya. Biglang nag-init ang dugo ko. Lumapit ako sa kanya at sinuntok ko siya at kinwelyuhan.
‘’ T@ngn@! Gago ka talaga eh noh?! Sa akin?! AKIN?! T@ngn@ kung sa akin siya masaya ehdi sana hindi na niya kailangang umalis pa!!! Bobo kang gago ka!!! Naturingan kang artista ni hindi mo naisip yun? Gago sayo siya masaya, naging masaya, at magiging masaya dahil kahit masakit sa akin.. IKAW ANG MAHAL NIYA!’’ pasigaw ko nang sabi. Sumugo na ang tabi ng labi niya, pero nakatingin lang ito sa akin.
‘’ Kung ako nga lang ang mahal niya, edi sana napigilan ko na siya. Ikaw lang makakapigil sa kanya, you’re not just even trying harder.’’ Sabi ko saka ko pinakawalan si Vincent. Di pa siya naimik.
‘’ If you’ll not go, fine! Magdusa ka jan! Ikaw din ang nawalan. Kahit ayoko, I’ll just hug my bestfriend goodbye.’’ Sabi ko. Aalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang balikat ko.
‘’ Let’s go.’’ Sabi niya. Napangiti ako saka kami tumakbo papunta sa kotse namin.
JIJEY’S POV
Andine na kami sa airport. Hindi ko alam pero bakit parang may hinihintay pa ako. Siya ba ang hinihintay ko? Psh… nahihibang ka na Jijey. Tinalikuran mo nung nagmamakaawa tapos hahanap-hanapin mo? Ano ka shunga?
‘’Jijey… let’s go.’’ Sabi ni Rubin.
‘’Jijey.. *sob*’’ bigla akong niyakap ni Yumi.
‘’ Yumi… ano ba? Wala namang iyakan oh. Nakakahawa ka naman kasi eh!!’’ sabi ko habang yakapyakap si Yumi.
‘’ Grabe naman kayo.. group hug nga!!’’ sabi ni Kenneth. At ayun nag-group hug kami. Napansin ko lang na umiiyak din si Kenneth. Sinuntok ko siya sa braso.
‘’ Wag ka ngang umiyak. Di bagay sayo!’’ sabi ko. Napatawa naman siya at nagpahid.
‘’ Ingat ka dun ah.’’ Sabi ni Yumi.
‘’ Syempre naman. Kayo din.’’ Sabi ko. Napansin ko si Rubin nakatitig lang sa amin.
‘’ Sige na.. Aalis na kami. Bye sa inyo. Ingat kayo.. Labs ko kayo.’’ Sabi ko. Nagwave sila sa akin at ganun din ako sa kanya. Bago pumasok sa pinaka-airport lumingon ako for my last glimpse. Kasabay din ng pagtulo ng luha ko
VINCENT’S POV
(N/P: Severely by FT Island…. (My favorite Kpop band *O*))
‘’Vincent?’’ nandito na kami sa airport. Nakita namin sina Yumi. Tinanong namin kung nasan na siya at sabi niya nakapasok na daw. Agad akong pumasok kaso pinigilan ako ng mga flight attendant doon.
‘’ Naku, sir. Bawal po ang walang passport.’’ Sabi niya.
‘’Miss, may boyfriend ka ba?’’ tanong ko. Naguluhan naman yung babae.
‘’Meron po. Bakit?’’ tanong niya.
‘’Mahal mo ba siya?’’ tanong ko. Tumango naman siya.
‘’Miss, mahal ko din ang girlfriend ko pero sinira ko ang tiwala niya. Kailangan ko lang makapasok. Sasakay na ng eroplano yung babaeng mahal ko. Kung yung boyfriend mo ba ang aalis, hindi mo ba siya pipigilan lalo na’t may posibilidad na hindi na siya babalik kahit kailan?’’ napaisip naman yung babae. Tsk. Ang tagal.
‘’Anong kaguluhan ito?’’ nilapitan kami nung pinakaboss nila ata. Pero tumakbo na ako.
‘’ Guard!!! Pigilan niyo siya!!’’ tumakbo lang ako.
‘’Aray!’’ yan ang mga sigaw ng mga nakakabangga ko. Pero tuloy lang ako sa pagtakbo.
‘’ Hoy tumigil ka diyan!!!’’ sigaw nung guard habang pumipito sa whistle niya. Sana hindi pa siya nakakalayo. Sana….. sana….. Nakadating ako sa mismong nilalandingan ng eroplano. Nakita ko si Jijey na kaaakyat lang at isinasarado na ang pinto nito. Kahit medyo malayo-layo, tumakbo ako kahit mukha akong tanga dito. Nagsimula nang umandar at papalayo na ito sa akin ng papalayo.
‘’JIJEEEEEEEY!!!!!’’ sigaw ko ng paulit-ulit. Pabilis ng pabilis ang takbo ko.
‘’ Jijeeeeeey!!! Wag mo akong iwaaaaaan!!’’ nagsimula ng tumulo ang luha ko.
‘’Jijeeeeeeeeeey!!’’ sigaw ko muli. Pero nung nakalipad na ang eroplano, napaluhod ako. Kasabay ng mabilis kong paghinga at mabilis na tibok ng puso ang pagtulo ng mga luha ko.
‘’Jijey… M-Mahal kita.’’ Sabi ko. Naghalo ang sakit at pagod ang naramdaman ko. Wala na siya. Umalis na siya. At posibleng hindi na siya bumalik.
A/N: Short lang po ang last chapter. Promise po sa book 2 long chapters na po. Sana po magustuhan niyo... :D
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With A SUPERSTAR!!! (Finished)
Teen FictionAre they ready to face the consequences of their love???? Kindly click start reading. :)