CHAPTER 21

3 0 0
                                    

"Azhia POV"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Azhia POV"

Nakatulog na pala si Shemai, tumingin ako sa katabi nito at nakatulog na din ang katabi niya. Hindi pa din ako makapaniwala na may asawa at anak na si Zin.

"Azi, anong masasabi mo?"

"Masasabi saan?"

"Sa mga nangyayari"

"Hindi ko alam, maski ako naguguluhan din. Yung virus, si Zin at kung ano ano pang mga rebelasyon"

"Malalaman natin ang lahat lahat"

"Tama ka jan" ilang oras na din kaming nasa byahe at mukhang malapit na kami sa sentro. Nang makapasok ng sentro ay tumayo ako at lumusot sa bintana.

"Sasabihan ko kayo pag-malapit na tayo sa headquarters" sigaw ko sa kung sino ang makakarinig sa akin.

"Chasers be ready" dinig kong sabi ni Zin.

"Hindi kapanipaniwala na buhay siya" napatulala nalang ako sa sinabi ni Tucker "ang laki rin ng pagbabago niya, he's different from what he is back then. Noon halos takot siya sumubok ng maraming bagay then look at him now, handang magbuwis ng buhay para sa mga nanganga-ilangan"

"Alam mo Tucker ang gulo mo, kanina lang galit ka sakanya tapos ngayon"

"Nah, he knows what I'm saying. I'm not angry to him, that's our bond"

"Ewan ko sayo, pa-bond bond pang nalalaman" tumanaw nalang ako sa labas at hindi na nagsalita. Ang daldal naman ata ng isang to ngayon.

Makalipas ang ilang oras ay nasa gate na kami ng headquarters.

"Zin" abiso ko.

"Copy" nakita ko silang nagsilipad na kaya umandar na ulit kami. Nakarating kami sa field at nandun pa din sila at nag-aantay. Bumaba kami ng sasakyan at lumakad sa pwesto namin kanina.

"Klent, anong nangyari bakit hindi kayo nag-radyo sa amin?" Tanong ni Tito.

"Pasensya na po, nagmamadali kaming tumakas kanina"

"Duwag naman pala" dinig kong sambitan ng mga nasa likod. Mga utak ipis talaga.

"Back up patrons manahimik kayo"

"Nasa bukana kami ng huling bayan ng may mang-ambush sa amin ang mga zombie, hindi namin alam kung paano sila dumami ng ganon pero Tito nagawa naming maisalba ang sumunod na bayan at gagawa kami ng paraan para maharangan ang huling bayan"

"Sa susunod abisuhan niyo kami ng hindi kami nag-aalala" saad ng Ama ni Azhia.

"Tito" bigla namang nagsalita si Shemai.

"Yes?"

"Kuya is– I'm back" napatingin kami sa likod at kita namin ang paglapag ng mga kasama ni Zin.

Apocalypse Of The UndeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon