Lorie's POV
Natatawa ako nang makitang paparating si Jake. May dala itong bag at nakahawaiian pa. Akala mo naman turistang nagbabakasyon.
"Lorieeee!" sigaw nito at tumakbo palapit sa akin. Niyakap ako nito. Nagsisidatingan na nga ang iba pang mga kasali sa club. 6 palang at kasisikat palang ng araw. Ang iba ay excited, ang iba naman ay antok.
"Tabi tayo ah" saad nito. Nginitian ko ito at syaka tinanggal ang yakap nya. "Magkahiwalay ang bus ng boys sa girls." sagot ko. Nagdabog naman itong pumasok sa bus ng mga lalake. Natawa na lamang ako at nagantay pa ng mga dadating. Suno na nakita ko si Zeke. Nakahawaiian din ito.
"Oh Zeke, asan si Kiara?" tanong ko rito. Nagkibit balikat naman iti at sumakay na sa bus. Anong problema nun? Binalewala ko na lamang ito at naghintay pa. Nang matanaw ko si Maddi ay agad akong tumakbo upang lapitan ito.
"Maddi!" bati ko rito. Binati rin ako nitong nakangiti. "Excited na ko, huhu tagaytay to."
"Ako rin! Omg excited nako makalanghap ng sariwang hangin" saad ko habang tinutulungan syang ilagay ang mga gamit nya sa cabin ng bus.
"Pumasok ka na, mainit. Maya maya aalis na rin konti nalang inaantay" sambit ko rito na tinanguan nya naman. Tinignan ko ang listahan at halos lahat nga ay nandito na. Sinong wala? Aba ung cluh president pa.
"Where's Kiara, Lorie?" tanong sa akin ni Sir Martinez. "Maya maya po andito na yon" saad ko at tingin sa oras. Ugh 5 minutes nalang 7am na. Ano ba naman to. Agad akong nakahinga ng maluwag nang makita na ito sa malayo.
"God I'm almost late." saad nito habang nilalagay ang mga gamit nya. "Late ka nagising?" tanong ko rito. Hindi ako nililingon nito.
"Dumaan pa ko sa paper signing." Napatawa na lamang ako sa expression nya nung sinabi nya iyon. Halatang pagod eh. Nauna na ko pumasok at nasa likod ko sya. Umupo na ko sa banda harapan at sya naman ay pumunta sa likod dahil nandun si Maddi.
"Ms, Kiara. You're the president sa harap ka umupo." napatawa na lamang ako nang makitang tumaas ang kilay nit ngunit padabog ding umupo sa tabi ko.
"Okay lang yan" bulong ko rito. Nagkabit lang ito ng earphones at pumikit. Pagod nga siguro ito. Tinignan ko si Maddi at nakatingin ito sa bintana. Halatang excited ito. Siniko ko si Kiara kaya tumingin ito sa akin.
"Gusto mo fun fact?" wika ko rito. Kumunot ang noo nito. "Oo nga fun fact nga to." Tinignan lang ako nito habang nagtataka. Tumawa naman ako.
"Magsstop muna tayo dito, magcr na ang gusto magcr. Bumili na rin ng mga kailangan" wika ni Sir. Tumayo na nga ang iba at nagkanya kanyang bili na. Bumaba na rin muna kami ni Kia. Ganun din si Maddi. Pagkababa nga ay nakasalubong namin si Jake na nagiinat pa sa harap ng pinto ng bus nila.
"Kain tayo tapsilog" aya nito pagkalapit. Pumunta narin sa amin si Zeke. "Okay kalang?" tanong ni Zeke kay Kiara. Nagkatinginan pa nga kami ni Zeke. Tumango naman si Kia at nagsuggest na ng ng kakainan namin. Inakbayan ni Zeke si Kia, aba kakaiba to si Zeke ah. Tinignan ko si Maddi at salubong ang kilay nito.
____________
Maddi's POV
Nakatingin lang ako sa nasa harap ko na sina Zeke at Kiara. Kanina pa dikit nang dikit si Zeke dito ah. Nakakairita. Napahampas na ako sa lamesa nang punasan ni Zeke ang gilid ng labi ni Kiara. Agad rin akong humingi ng pasensya dahil nagtinginan nga lahat sa amin. Nagkatitigan kami ni Kiara pero tinarayan ko lang ito.
