"IIWAN muna kita kina wowa ha? Behave ka don at kailangan ko munang mamili ng supply natin. " Bilin ni Mira kay Elisse habang nag aayos siya ng maliit na backpack kung nasaan nakalagay ang mga gamit nito. Iiwan niya ito sa wowo at wowa nito which is ang kanyang papa at tita Isabela.Mamimili kasi siya ng iilang kailangan sa kusina ng kanyang resort. At dahil bakasyon ngayon, medyo napaparami ang turistang bumibisita kaya napagpasyahan niyang siya na lang ang mamili at hindi na abalahin ang ibang staff at ang kanyang mama at baka makulangan ng tao doon.
"Sama ako sayo Mommy."
"You can't, baby. Mabaho at madumi sa palengke. Bawal ang mga baby don, anak."
Tumulis ang nguso ng anak niya. Parang tumaba ang puso niya sa nakikitang ka cute-tan ng anak. Napalabi siya para pigilan ang mapangisi. Ayaw niyang isipin nito na pinagtatawanan niya ito.
" Mommy please, sama ako sayo." Naglungkot lungkutan pa ang mukha nito para lang pagbigyan niya.
" Diba, sinabi ko na sayo na kapag sinabi ni mommy na hindi pwede, hindi pwede? I'll pick you up right away when I'm done. okay?"
Sandaling natahimik si Elisse.. akala niya mahihirapan pa siyang kumbinsihin ito dahil ayaw talaga nitong nalalayo sa kanya.
" Bilis ka lang? "" Opo, bibilisan ko lang para makasama agad kita. "
"okay, if you say so. "
Lumapit siya at mahigpit na niyakap ang limang taong gulang na anak. Mahirap para sa kaniya na lumaki itong palagi niya lang iniiwan sa mga lolo, lola, titas at tito nito. Pero kailangan niyang gawin iyon para makapagtapos siya ng pag aaral. At kahit noong nagtatrabaho pa siya sa restaurant, madalas niya itong dalhin noon kung wala siyang mapag iwanan. Kahit na hirap na hirap siyang pagsabayin ang pag aaral, pagtatrabaho, at pagiging ina kay Elisse, hinding hindi niya pinagsisisihan na iniluwal niya ito sa mundong ito.
Ito ang naging inspirasyon at lakas niya tuwing pinanghihinaan siya ng loob. At ginagawa niya ang lahat ng ito ngayon para kay Elisse at para makabawi narin sa kanyang mama at mga kapatid. Ngayon lang siya makakabawi sa lahat ng sakripisyo ng mga ito noong kailangan niya ng katuwang at pag intindi ng mga ito.
Matapos ihatid ang kanyang anak sa bahay ng mga del Rosario, agad siyang sumakay ng tricycle patungong palengke. Nakalista na sa papel ang kanyang mga bibilhin kaya't hindi na siya nahirapan pa sa pag iisip ng mga kakailanganin sa kusina ng resort niya.
Halos isa't kalahating oras din siyang naglibot sa loob ng palengke at napapangiwi na lamang dahil sa dami ng plastic bags na bitbit. Sana pala nagsama siya kahit isang tauhan niya para may katulong siya. May iilan pa siyang kailangang bilhin pero dahil hindi na talaga niya kaya pang magdala ng karagdagang plastic bags, napagpasyahan niyang babalik nalang uli sa palengke para bilhin ang mga hindi niya nabili sa listahan.
Akmang tutungo na siya sa labasan ng palengke nang may umagaw sa mga bitbit niya. Agad siyang napalingon sa may ari ng mga kamay na ngayon ay may bitbit na sa kanyang mga pinamili.
Agad ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi ng mapagsino ang lalaking iyon. Huling pagkikita nila four years ago pa. Ngayon lang siguro ito nakakuha ng bakasyon kaya naririto ngayon sa probinsya nila.
"Jayson!" Masayang bati niya dito.
"Hi." Pormal at tipid na bati rin nito sa kanya. Ibang iba sa Jayson noong nasa senior high sila.
"Narito kana ulit?!" Hindi niya maitago ang saya sa pagkikitang muli nila ng kaibigan.
"Ahm, yeah. After four years, My two weeks vacation leave from work has been approved. Kaya andito ako ngayon."
BINABASA MO ANG
My Memories of You
RomanceMira and Elias' paths meet unexpectedly. But that meeting was the beginning of their good friendship. But what if Elias suddenly disappear when what happened between them bears fruit? Will Mira be able to forgive the man who ruined her dreams? Will...