Special Chapter

350 6 0
                                    

Inlove



Hindi ko masabi ang nararamdaman ko ngayon, na parang ang saya saya ko dahil nandito si Augustus at si Leion sa buhay ko. Hindi man ako pinagpalang maging masaya dahil sa pamilya kong nawala, binawi naman ni Lord lahat ng sakit.

Hindi niya ako binigo, na kahit ano mang dumating na sakit may kapalit na saya.

"Leslie!" tawag ko.

Kaagad akong nagulat ng may sumunod na bisita, si Hundson Cutler! Nagtataka pa ako nung una dahil malagkit ang tingin nito sa kaniya habang nilipat naman ang tingin niya sa akin.

"May good news ako!" halos mapapalakpak pa siya sa tuwa at parang kinakabahan naman tuloy ako sa ibabalita niya.

"Ikakasal na 'ko!" sabay pakita sa kaniyang singsing. Kaagad kong niyakap ang kaibigan ko at nanatili sa ganoong pwesto. "Ang dami kong napagdaanan sa buhay pero heto't na keri naman ni chismosa mong kaibigan."

"Hindi ka na magiging chismosa, isa ka ng laman ng chismis panigurado!" biro ko pa rito at malapit na yatang pumula ang mukha niya. Kinamot niya ang ilong niya at natawa dahil kahit ilang taon pa man ang lumipas ay ganoon parin.

Siya pa rin ang kaibigan ko noon hanggang ngayon, napangiti si Cutler ng makita niyang pulang pula ang mukha ni Leslie. Ibang iba talaga mga ganda namin, nakakabingwit ng pogi at mayaman na mabango.

Siniko ako ni Leslie at nangingiting nginuso ang asawa ko sa di kalayuan, habang nakikipaglaro kay Leion samantalang si Eula naman ay panay ang kain. Napailing na lang tuloy ako dahil sa saya at nakikita ngayon.

"At magkakaroon din kami niyan," mataimtim na sabi nito at napatingin ako sa kaniya.

"Ang ibig sabihin..."

"Magpapagawa na ako kay Doc," sabay tawa.

Naiiling ako dahil tinatawag niya parin sa pormal na paraan ang magiging asawa niya at hindi ko akalain na magkakaroon na ulit ang kulay ng buhay niya pagkatapos ng lahat ng kaniyang pinagdaanan. Pare-parehas kaming nagdaan sa mga problema pero ngayon ay hindi na mangyayari 'yon.

"Sa wakas, sumaya ka na."

Ngumiti siya at tumango pagkatapos ay sumama na siya kay Cutler at pumunta na muna sa hotel para makapagbook ng reservations. Naglagay na muna ako ng sunblock sa balat ko habang nakaupo sa mahabang upuan.

"Need help?" tanong ng lalaking hindi ko kilala.

"No, thanks."

"I'm sure, you're struggling." Pagpupumilit niya pa pero napairap na lang ako, aba't ang kulit naman pala ng lalaking 'to.

"Baby!" sigaw ni Augustus sa 'di kalayuan habang hawak-hawak ang kamay ni Leion, masama ang tingin niya sa lalaking lumalapit sa akin.

"Hon! Palagay ng sunblock!" sigaw ko at hindi na pinapansin ang presensya nitong nasa harapan ko ngayon. Lumipat ang tingin sa akin ni Augustus at minatahan ko lang siya para sundin niya ang alok ko pero hindi na nakatagal ang lalaking lumapit sa akin.

"Hindi ko alam na naka bikini ka pala, dapat nagpabili ako kay Eula ng mas may takip." Nakangusong sambit nito habang pumunta narin si Leion kay Eula. Hindi ko alam na umalis siya, hindi kasi nagpaalam sa amin.

"Sige na, lagyan mo na ako. Arte mo," bulong ko rito at natawa naman ito at kabod nalang akong dumapa, nakita ko pa muna ang paglunok niya at habang nakikita ang kabuuan ko. "Titingin ka lang ba?" tanong ko naman at ngumuso nalang.

Hinihintay ko rin ang paglapat ng kaniyang kamay sa aking likuran at hindi nagbago ang pwesto niya at nakatingin parin sa katawan ko bago siya maglagay ay pumunta muna siya sa gawing likuran ko at pinagpatuloy 'yon.

The Culprit (De Viola #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon