SINJI'S POV:
--
KASALUKUYAN akong nakatitig sa kalangitan habang nakahiga sa isang beach bed dito sa isang resort sa Hawaii. Hindi naman masyadong mainit since malapit na ring lumubog ang araw, pero dahil sa maarte ang kasama ko, pinalagyan niya ng malaking payong ang pwesto na kinaroroonan namin.Rason ng kasama ko, ayaw niyang umitim.
Sa tuwing maaalala ko 'yong mga panahong nasa poder ako ni Kuya Luther ay hindi ko maiwasang ma-miss ang kaistriktuhan ng kapatid ko. Actually hindi pa rin ako makapaniwala na meron akong kapatid. Lumaki ako sa amponan na hindi nakilala kung sino ang mga magulang ko o kung sino ang mga kamag-anak ko.
It's been years since I left them and I don't know what happened to them.
I let out a sigh before I reach the glass containing my favorite orange juice na nasa ibabaw ng mesa na pinasadya pa namin bago uminom sa baso ng juice.
"Napapadalas ata ang pagbuntong-hininga mo mars, may hika ka ba?" umangat ang kaliwang kilay ko bago bumangon sa kinahihigaan ko at hinarap si Saviel na nasa kabilang beach bed.
Marami din ang bakasyonista dito sa Hawaii at marami din akong nakikitang afam sa paligid. Si Senri lang ang gwapo sa paningin ko kahit wala siyang abs. Chariz!!
"Sa ating dalawa, ikaw ang sakitin." pasaring na sagot ko kay Saviel.
"Wow! So, mas malakas ka na sa akin ngayon? Baka nakakalimutan mo, ako ang naging sandalan mo noong mga panahong walang-wala ka na. Noong mga panahon na iniwan mo ang matiwasay mong buhay sa piling ng isang Luther Bloodfist, Senri Kurusaki at HuPoFEL."
"Tangina, ang drama mo." tinulak ko si Sav dahil sa inis ko. Hindi ko alam kung ano na naman napanuod niyang KDrama. Nahulog si Sav sa buhangin at wala akong paki kung gumulong pa siya papuntang tubig dagat.
Humagalpak ng tawa si Sav na parang mangkukulam. Hindi na naman ata sya nakainom ng gamot kaya ang lakas na naman ng tama niya sa utak.
Totoo ang sinabi ni Sav, noong umalis ako sa poder ng HuPoFEL ay pumunta ako sa Japan. Hindi naman kami nawalan ng komunikasyon ni Sav at hanggang ngayon ay tinatanong ko siya kung ano ba talaga ang nagawa niyang kasalanan kay Kuya Luther pero ang gaga ayaw niyang sabihin sa akin.
"Ikwento mo nga sa akin kung paanong napadpad tayo dito sa Hawaii?"
Laglag ang pangang napatitig ako sa babae. "May amnesia ka girl? Isang taon na tayong naninirahan dito sa Hawaii ngayon mo pa naisip 'yan?"
"Kwentuhan mo na ako para naman pag-uwi natin sa Pinas, eh may ideya ako sa gagawin nating role play."
Napag-usapan kasi namin na gagawa kami ng eksena, kapag umuwi kami ng Pinas wala kaming kilala kahit na sino kundi ang sarili lang namin.
Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay at pati ako dinadamay niya, since bored din naman ako sinasakyan ko lahat ng trip niya sa buhay.
"Hoy, ano ba magkwento ka na!"
Napairap na lang ako sa kawalan at muling napatitig sa lawak ng karagatan at sinimulang ikwento kay Sav ang mga nangyari.
~~~~~
NAGISING ako dahil sa bigat na nararamdaman ko sa aking tyan. Pakiramdam ko mawawalan ako ng hininga.Pagtingin ko sa tyan ko ay braso ng lalaki ang nakapatong kaya naman sinundan ko ito ng tingin at tumambad sa akin ang mapayapang mukha ni Senri na natutulog.
Tanging puting kumot ang bumalot sa aking buong katawan maging kay Senri. Ramdam ko ang init ng katawan naming dalawa.
Biglang sumagi sa isip ko ang mga nangyari kagabi, paano nila nalaman na naroon ako sa lugar na 'yon?
BINABASA MO ANG
Missing Melody
Romance[BLOODFIST SERIES 3] On an unfaithful day that seemed to echo the weight of their past, Sinji Natividad and Senri Daeyl Kurusaki found their paths intertwined once more. The air between them crackled with tension, a palpable mix of pain and unresolv...