To Heart

14 1 0
                                    

Dear Heart,

Gusto ko lang sabihin sa iyo na hindi ako galit. Na hindi nawala ang pagmamahal ko sa iyo kahit na umalis ka. Na ikaw parin ang mahal ko. Na sa lahat ng oras ay ikaw pa rin. Kahit na hindi tayo para sa isa't-isa, umaasa ako na hindi ka magbabago.

Una pa lang kitang nakilala ay attracted agad ako sa iyo. Sa mga mata mong puno ng saya. Sa bawat ngiti mo ay talagang nakakabighani. I really like you Heart. Kaya kinaya ko ang lahat. Kahit ang mga discriminations nila, wala akong pakealam.

Hindi nila alam ang buong katotohanan, yan ang sinasabi ko sa isip at puso ko kapag pinag uusapan nila tayo. Alam natin sa mga sarili natin na wala tayong ginagawang masama dahil wala naman talaga tayong relasyon. Alam natin ang limitasyon natin. Ang posisyon natin. Na isang estudyante lang akong umiibig sa teacher ko.

Naaalala mo pa ba ang mga diskarte natin? Na sumasabay tayo sa mga kaibigan ko para hindi tayo mahalata?  Parang kahapon lang iyon para sa akin. Kasi bawat minutong kasama kita ay hindi ko nakakalimutan. Siguro mahal talaga kita kasi lahat gagawin ko para sa iyo.

Natatandaan ko nung tumakbo ako as president para sa Students Body Government, lagi mo akong pinipicturan at kinukunan ng video. Tinitext mo ako na kaya kong manalo kasi magaling ako. Ini-encourage mo ako sa mga weakness ko. At mas minahal pa kita dahil don. Kasi grabe ang support mo.

Sa mga conversations natin, halos hindi tayo nawawalan ng gana. Nag promise pa tayo na palagpasin sa 10 000 ang messgaes natin sa isa't-isa. Sobrang saya ko sa mga oras na iyon. Kasi sinabi mo sa akin na mahal mo ako at dahil na excite ako, sinabi ko rin sa iyo na "mahal kita Sir". Sabi mo okay lang ang gap natin na 5 years. Kasi age doesn't matter. Na kahit 4th year high school pa lang ako ay wala kang pakealam kasi mahal mo ako.

Pero nawala ang lahat nang malaman kong may girl friend ka pala. Nasaktan ako ng sobra noon. Kasi nag expect ako. Kasi nagmahal ako. Kasi mahal kita, Sir.
Pero kahit ganon, patuloy parin akong nate-text sayo, patuloy parin ako sa pagmamahal sa iyo.

Pero, dumating ang panahon na kailangan mo nang umalis sa lugar namin kasi i-aasign ka nila sa ibang lugar. Lumayo ka sabay ng paglayo ng loob ko sa iyo. Siguro halo-halo na ang pait at sakit kaya nawala ang gana kong ipakita sa iyo na mahal kita. Minsan tinanong mo ako "anong problema natin?", wala akong sinagot sa tanong mo. Baka kasi masabi ko ang lahat ng nalalaman ko.

Masakit sya masyado. Lalo nang hindi mo sinabi sa akin na may kasintahan ka na. Nakita ko lang yon sa Fb na sweet kayo sa isa't-isa. Nakakawalang gana ang mga letrato nyo. Sobrang sakit noon. Pero mahal parin kita Sir. Higit pa sa inaakala mo.

Sir, gusto ko lang sabihin na mahal na mahal kita. Na kahit alam kong masaya ka na ay gusto kong ipaalala sa iyo na sa mga oras na kasama kita ay naramdaman ko ang totoong ligaya. Na ikaw ang nagbigay buhay sa mapait kong karanasan.

Sir, saan ka man ngayon, maging maligaya ka sana. Maging mabuti sa mahal mo at sana mahalin ka nya ng sobra pa sa pagmamahal ko.

Mahal kita Sir Heart.

Your Student,
Ella Shane Safrigne

Dear HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon