TOW:004

6 1 0
                                    

TOW:004

Sid's Pov

This is interesting ang isang Sven mag hi-hire ng secretary at babae pa, kaya naman pumunta ako sa company para makita kung ano itsura ng secretary ni Sven dahil ang sabi ni Lolo isa raw ito sa katulong doon sa hacienda. Well kapag sinabing katulong sa hacienda expected kona na hindi maganda at manang pft.

"Sven, bro!" tawag ko kay Sven.

Nakita ko silang papunta na sa loob ng office kasama ang secretary niya. Mukhang maganda ito mula sa likod, paano naman kaya sa harap? hahaha.

"Hmmm, bakit ka nandito himala yata yan?"

"Nakaka-umay mga babae sa bar e, dito muna ako baka may chikababes." sagot ko sabay tingin sa secretary niya.

Infairness maganda ang isang 'to hindi mo aakalain naging hardinera ng hacienda 'to. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Sven at halatang naiinis na ang pinsan kong menopause hahaha.

"Stop teasing her, hindi siya katulad ng mga babae mo sa bar, maghanap ka sa labas Sid wag si Winter!" inis nitong sigaw sa akin.

Woah! possessive boss.

"Oh chill! binibiro ko lang naman si Winter,  ikaw Sven ha, possessive masyado." natatawa kong wika.

But seriously maganda si Winter, hindi na ako magtataka kung one day mahulog si Sven sa kanya. Itataya ko ari-arian ko madudurog ni Winter ang yelong puso ni Sven.

Umalis din ako agad sa company dahil may usapan kami ni Frost na magkikita, ewan ko doon sa abnormal na 'yon hinahatak na naman ako sa kagaguhan niya. Nagpapakabait na nga ako sinasama pa ako sa kasirauluhan.

"Hoy ano na naman 'to Frost?" bungad kong tanong nang makapasok na ako sa Bar.

Ang gago may nakakandong na babae at tuwang tuwa, akala ko ba emergency 'to?

"Samahan mo ako dito insan, dapat maging masaya ako ngayong gabi!" pasigaw na sagot ni Frost sakto lang para marinig ko dahil sa sobrang ingay ng buong paligid.

Amoy wala na naman jowa ang isang 'to ah.

"Broken ka ba insan? binreak mo na rin ba si Sofia?" tanong ko.

Kumuha ako ng beer at sinimulan itong tunggain habang pinapanood si Frost na makipaghalikan sa babaeng nakakandong sakanya.

"T*ngina no'n ang lakas ng loob hiwalayan ako!"

"Huh? bago yan ikaw ang hiniwalayan pero bakit parang hindi ka masaya? dapat masaya ka kasi hindi kana mahihirapan makipag-break after a week." wika ko kay Frost.

Dapat masaya itong isang 'to pero bakit parang may mali? baka naman natapakan ang ego niya dahil for the first time may babaeng nakipag-break sakanya.

"f*ck her!" patuloy na mura ni Frost habang nainom.  "Lakas ng loob niyang ibreak ako!"

Sabi na nga ba natapakan ang ego ng loko. Bigla akong kinabahan baka mangyari sa akin ang nangyayari kay Frost ah— pero malayo ako sa sitwasyon niya, wala naman akong shino-shota. Si Sofia Velandrez lang ang nag-iisang babae na nakagawa ng bagay na 'yon kay Frost. Bangis! pakiramdam ko hindi pa dito nagtatapos ang kwento ng dalawang 'yon haha.

Iniwan kona si Frost sa bar dahil may lakad pa ako bahala siya magahasa ng mga babae niya doon, hindi pa naman sanay si Frost sa maraming babae in one night haha.

"Kamusta?" bungad na bati sa akin ng lalaking naka leather jacket nang makapasok ako sa underground ng isang bar, hindi ito basta bar lang dahil may underground dito kung saan doon nagaganap ang iba't ibang klase ng labanan.

Isa sa hindi alam ng pamilya ko na may ginagawa akong kung ano dito. Hindi ako drug dealer wag kayong judger, tumataya lang naman ako sa kada laban sa boxing ring. Illegal ito dahil patago pero masaya din minsan sumabak sa illegal hindi naman illegal na droga 'to haha.

"Magsisimula na ba?" tanong ko sa lalaking sumalubong sa akin. Tumango naman ito bilang sagot sa tanong ko. "Taya ko, doon ako sa naka-red." Tumaya lang naman ako ng one hundred thousand para sa laban na ito malakas ang pakiramdam ko na mananalo ang isang 'to, barya lang naman sa isang tulad ko 'yan kaya walang kaso kung matalo ako.

Umupo na ako sa vip sit dahil nga ako ang may mataas na taya natural lang na nasa VIP ako. Pumasok na sa ring ang dalawang maglalaban at habang naghahanda nagulat kami nang may pumasok—

"RAIDE 'TO WAG NIYO NANG SUBUKAN TUMAKAS!" sigaw ng babaeng kakapasok lang at may kasamang mga pulis.

Anak ng putcha! natulala nalang ako at naistatwa sa kina-uupuan ako nang makitang papalapit ang babaeng naka damit pang-pulis sa pwesto ko.

"Wtf!"

"Anong wtf?! arestado ka, kung ayaw mong masaktan sumama kana lang." wika ng babae sa akin.

Maganda sana siya kaso— she's dangerous woman!

Siyempre wala na akong nagawa, gwapo lang ako walang palag sa pulis baka pasabugin pa nito ang ulo ko.

"Miss wala akong masamang ginagawa bakit pinoposas mo ako?"

"Walang ginagawang masama pero naka-upo sa vip sit, sige sino ang ginago mo?"

"Hindi ka ba na-aawa sa gwapo kong mukha? pakawalan mo na ako papaligayahin nalang kita." wika ko sabay kindat dito. Sana lang effective ang karisma ko sa tulad nito. Babae rin naman siya at alam kong marupok ang isang tulad niya sa gwapong tulad ko.

"Kung tingin mo kakagat ako sa kamanyakan mo at kahanginan sa presinto kana mag-paliwanag."

At sa huli wala akong nagawa kundi ang sumama nalang at sumakay sa sasakyan ng pulis.

Anong sasabihin ko nito kay lolo? hindi p'wedeng malaman nila ito kundi yari ako.

Naisip kong tawagan si Drix, kaibigan ko uutusan ko nalang ang isang ito na piyansahan ako. Hindi p'wedeng manatili ako sa presinto kundi malalagot ako kay Lolo.

Wala pang isang oras nakarating na si Drix sa presinto dala-dala ang pang piyansa sa akin.

"Nak nang pucha bakit ka nahuli?" -Drix

"Gago malay ko ba kung susugudin yung underground boxing na 'yon nagc-chill lang naman ako." sagot ko kay Drix.

Papalabas na kami sa presinto nang makasalubong namin yung babaeng pulis na nag-posas sa akin. Masama ang tingin nito sa akin nang makasalubong namin ni Drix, maganda sana siya kaso nakakatakot baka sa halip papuntang langit na masarap baka sa impyerno na bagsak ko.

"Kakaiba ang isang 'yon Sid," wika ni Drix.

"Sobra— natanggihan niya ang kakisigan ko." sagot ko.

Sa susunod na magtagpo ang landas namin sisiguraduhin kong kikiligin din siya katulad ng ibang babae sa akin.

___________

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TEARS OF WINTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon