Thorns

18 1 0
                                    

Nagising ako sa higaan 5:30 am. Hmm... panaginip lng pala akala ko totoo na hindi pala. Ako nga pala si Melissa Cuz isang Fourth Year Student. Alam niyo andaming kong tanong sa sarili ko... bakit nga ba tayo nag mamahal kung masasaktan rin lang tayo pwede ba magmahal na lang hindi na yung masasaktan pa ako? Minsan na nga lang ko mag mahal sa maling tao pa. Ang masama pa mahal niya ang kaibigan ko mahal rin siya nang kaibigan ko kya nga hindi ko masabi sa kaibigan ko itong nararamdaman ko eh. 


Nag ayos na ako para sa pag pasok ko sa school. Eto nanaman mag tatago at mag bubulag bulagan nanaman ako sa katotohanan na may mahal nga talga siyang kaibigan.


Sumakay na ako nang tricycle papuntang school. Pagbaba ko nakita ko si Cloe ang kaibigan ko na mahal ang taong mahal ko na mahal rin nang taong mahal ko..

"hi Mel, good Morning" bati nya sa akin

"Gooood !!! Morning rin Cloe" bati ko rin sa kanya pagkayakap ko parang unti unting na dudurog yung puso ko.. bakit ba kasi kailangang yung taong mahal ko eh yung mahal pa nang kaibigan ko.


Nglakad na kmi papuntang classroom.

"Mel,bakit ganito parang kinakabahan ako?" tanong nya sa akin

"ewan baka natatae ka? Haha" biro ko sa niya..

"eto naman seryoso ako, feeling ko.... Ay ewan hindi ko talaga maintindihan.."

Pagdating namin sa classroom may mga hawak na balloon ung mga classmates namin

"anong meron??" tanong ni Cloe

Ngumiti lang yung isa naming classmate namin. Tumingin naman sa akin si Cloe.


"Mel, mas kinakabahan na ako ngayon mas mabilis na ulit yung heart beat ko" tanong nya


Nag kibit balikat na lang ako kahit alam ko na kung anu ang mangyayari. Sinabi nga pla sa akin nang classmate ko kahapon na ngayon na niya tatanungin ang kaibigan ko pwede na ba siyang maging girlfriend. Ang tanga ko nakalimutan ko pa.. ayaw ko ring Makita yung mga susunod na mangyayari pero ayaw nang mga binti kong gumalaw parang may pumupigil sa akin na umalis.

Ilan saglit pa ay lumabas ang Dave ang minamahal kong Dave na may hawak na gitara at kinakanta ang kantang " Ikaw lamang" BY Silent Sanctuary. Pinapanood ko lang siya. Tinignan ko si Cloe naiyak na siya sa tuwa. Binalik ko ulit ang tingin ko kay Dave kitang kita ko na sobrang saya niya. Pakatapos niyang kumanta ay kinuha na niya ung isang bouquet ng Red Rose. At lumuhod sa harap no Cloe. Sabay sambit.


"Cloe Montes, can you be my GIRLFRIEND?" pagka sabi niya nun tumingin sa akin si Cloe at ngumiti ako sa kanya nang pilit. Binalik nya na ulit ang tingin niya kay Dave sabay sabi ng "OO, Dave Valdez"


Pagkasabi niya nun tumulo na rin ang mga luha na kanina ko pa pinpigilan. Ang sakit sobrang sakit nakita ko narinig ko mismo ... ang sakit sakit. Tumakbo ako sa CR.at dun ko iniyak lahat ng sakit binuhos ko lahat nang sakit at sama nang loob na noon ko pa tinatago..


End..


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Thorns of Love(One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon