// prologue //

14 0 0
                                    


"Juleng, bakit ba lagi kang umiiyak sa tuwing may nangyayaring importante sa buhay ko? Napakaiyakin mo"

"Dalawang beses mo lang naman akong nakitang umiyak ah"

"OO nga. Nung una tayong nagkita at saka ngayon"

Hindi ko alam na importante pala sayo ang una nating pagkikita.

Paalam

***

Tumalon ka na.

Tumalon ka na.

Tumalon ka na.

Yan lang ang paulit-ulit na sinasabi ng utak ni Japs habang nakatingin siya sa ibabang bahagi ng building na yun.

Siguro nga wala na siya sa tamang katinuan. Nababaliw na siya. Nababaliw na siya kakaisip sa ginawa sa kanya ng longtime girlfriend niya.

"Pucha! Bakit Grace? Bakit mo ginawa saken 'to? Ano pa bang kulang?"

Hindi fan ng mga teleserye si Japs at hindi niya hiniling kailanman na maging kasing gulo ng mga teleserye ang buhay pag-ibig niya. Pero kung iimaginine niyo siya ngayon, mukhang nasa teleserye nga ang buhay niya.

Ikaw ba naman kasi ang i-two time. Pero sige, okay na ang itwo-time pero ang piliin ang pangalawa kesa sayo na nauna? Ewan ko na lang kung di mo gugustuhing tumalon na lang.

"Kung tatalon ka, tumalon ka na. Di yung ang dami mo pang sinasabi"

Naputol ang pagdadrama ni Japs ng biglang may kung sinong damuho ang nagsalita mula sa likuran niya. Medyo napaatras siya mula sa dulo ng building bago niya hinanap ang may-ari ng boses na yun.

Isang babaeng naka crossarm ang nakita niya.

"Sino ka ha?"

Umupo muna sa sahig ang babae, indian sit, saka sumagot sa tanong niya.

"Julie" sabay irap.

"Andito ka ba para kumbinsehin akong wag tumalon?" Wala na siyang iba pang maisip na dahilan kung bakit siya kinakausap ni Julie. Pero natatawa na lang siya sa isip-isip niya dahil nakapagdesisyon na siya. Walang sino man ang makakapigil sa kanya sa gagawin niya. Tatalon siya, mamatay, tapos.

"Hindi ah. Nandito ako para panuorin kang tumalon. Sige na, tumalon ka na. Pasensya na sa abala."

"PUCHAAAAAA!!!"

Napasigaw na lang at napasabunot ng buhok si Japs sa sobrang inis. Hindi niya lubos maisip na meron pa palang mas baliw sa kanya sa mga pagkakataong ganito.

"Ayoko na! Tinatamad na akong magpakamatay" yun na lang ang nasabi niya sa sobrang inis.

Nilapitan niya si Julie at umupo na din sa tabi nito, nakabend ang tuhod at nakapatong dito ang dalawang braso.

Napatingin siya sa mukha ni Julie. Hindi naman niya alam na nakatingin din ito sa kanya kaya nagtagpo ang kanilang mga mata.

"Uy tae, naramdaman mo ba yun? Parang may sparks ata tayo."

Napangiti silang pareho sa sinabi ng babae... sabay halakhak. Halakhak hanggang sa napagod silang pareho.

Pero pinagtataka ni Japs ay kung bakit pagkatapos ng napakalakas nilang tawanan ay bigla na lang umiyak si Julie. Yung iyak na parang kanina niya pa pinipigilang lumabas.

"Oh? Bat ka naiyak? Taena, anong ginawa ko sayo?" natatarantang tanong ni Japs.

Hindi naman sumagot si Julie sa halip ay pinunasan lang nito ang mga luha niya. Hindi masyadong maaninag ni Japs ang mukha ni Julie dahil against the light ito pero ramdam niya ang lungkot nito.

Tumayo lang ang babae at tumungo sa kaninang kinakatayuan ni Japs, sa dulo ng building. Pinagmamasdan lang ni Japs ang bawat hakbang niya.

Alas siete na yata at tanging mga city lights lang ang makikita sa paligid. Walang mga bituin maging ang buwan. Mukhang uulan pa yata.

"Tatalon ka ba?" Alam ni Japs na hindi tatalon si Julie. Ewan, kahit hindi naman niya kilala ito alam niya na hindi siya tatalon pero wala na siyang ibang masabi kundi ang tanungin na lang siya.

"Hindi. Pucha, bakit ko sasayangin buhay ko sa mga problema ko. Ang swerte naman nila, aba!"

Natahimik lang sila pareho sa sinabi ni Julie.

"Nakakaintriga ka." paglalakas-loob na sabi ni Japs.

"Maganda ang lahat pag malayuan." Nanatiling nakatitig si Julie sa iba't ibang kulay na mga ilaw na nagmumula sa iba pang gusali sa paligid.

"...kaya wag mo na akong kilalanin pa." dugtong niya.

Saktong isa-isang nahulog ang mga patak ng ulan. Isa-isa hanggang sa lumakas ng lumakas.

***

JULIE TEARJERKY

©hiraethhh | 2015

JULIE TEARJERKYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon