CHAPTER 33

2.5K 47 1
                                    


Mukhang napansin niya na nanginig ako sa kaba kaya naman mabilis niyang ginagap ang aking mga kamay. Hinaplos halos pa niya both of my hands to lessen the tension I suddenly felt.

I saw him sweetly smiled, akala niya siguro ay masyado akong na shocked sa kanyang surpresa, oo nabigla nga ako, pero yung pagkabigla ko ay hindi dahil sa kasiyahan kung hindi dahil sa mas lamang ang kabang lumukob sa aking pagkatao. Kaya ko bang maging isang kabit? No! no way!

Hahakbang na sana ako para makalabas sa bakuran na ito nang muli niya akong hawakan sa magkabilang braso at ipinihit niya ako paharap sa kanya, bahagya pa niya akong minasahe sa braso na tila ina-assure na totoong sa aming dalawa ang mansyon na ito.

"I know you're in shock, I'm sorry hindi ko agad sinabi sa iyo. I want to surprise you baby." He looks so happy, mababakas ang kasiyahan sa kaniyang mukha sa pag-aakalang sobra akong nasurprise.

Hindi ko mahanap ang aking dila upang magsalita. Nakamaang lamang ang aking bibig.

"Let's get inside." He whispers. "We'll talk everything you want to know." He asserts.

Finally, we are going to settle all the things that need to be done. Sa sinabi niyang iyon ay napapayag ko ang aking sarili na huwag na munang tumakbo palayo sa kaniya, atleast we are doing it in a right way para wala nang pagsisisi sa huli at hindi magsusumbatan. Magkakaroon ng peaceful ending ang aming relasyon. May closure na mangyayari.

Maisip ko pa lamang ang mga plano ko na iyon ay gusto ko nang maluha, may nakabara na naman sa lalamunan ko. Napakabigat sa pakiramdam na muli kong iiwan ang lalaking aking pinakamamahal. Ang nag-iisang lalaki na nagpatibok ng aking puso. Alam ko na hindi na ako makakakita ng isang tulad ni Altis, at wala akong balak na maghanap pa ng iba. Marahil sa ibang panahon o sa ibang buhay ay muling magtagpo ang aming mga kaluluwa at marahil sa oras na iyon ay pupwede nang maging kami. Wala nang maaari pang maging problema, pwede na siguro na malaya kong mahalin ang isang tulad niya.

Naramdaman ko ang masuyong pag-gabay niya sa aking siko upang alalayan papasok sa loob ng mansyon. Ayoko pa sanang pumasok upang magkaroon pa kami ng mahabang oras na magkasama ngunit kailangan nang harapin ang mapait na katotohanan.

--------------------------

"CONGRATULATIONS!!!!"

Sabay-sabay na hiyaw ng mga tao sa pagpasok namin sa loob ng bahay.

Muli ay sobra akong nagulat. Ano ito? Hindi ko nga alam kung ano pa ang itsura ko habang nakanganga at hindi makapaniwala sa kabiglaan.

Naroroon ang lahat ng mga kaibigan ni Altis, ang Ate Sandeng at pamilya niya, naroroon din ang naynay na nakatayo at pumapalakpak na katabi ni ate.

Akin ding ikinagulat na naroroon ang abuelo ni Altis, si Don Jandro kasama si Don Nick. Saglit akong naestatwa ngunit nang ngumiti ang don sa akin at nagpatango tango ang ulo ay may lumukob na kaginhawaan sa aking dibdib. I smiled back at him. Maybe later we'll talk, to clear all the bad things that happened in the past.

Nakita ko rin ang bff ko na si Brandon na tila kinikilig sa ganap ng buhay ko ngayon, nakita ko pa na may katabi siyang gwapong guy at magkaholding hands pa. I smiled at my bestfriend, atlast he is free to be what he wants to be and happy with someone.

Mabilis akong niyakap ni naynay.

"Na-missed kita anak ko, Andeng." Masuyo at masayang bati niya.

I embrace may mother so tight ay medyo napahagulhol ako. "Sorry nay." I murmur. She just taps my back.

"Maraming oras na pwede tayong magkwentuhan nak, ang oras na ito ay para sa inyo lamang ni Altis. Masaya ako sa inyong dalawa." Ang naluluhang bati ni naynay. Nagsilapitan din sina ate at Brandon sa akin, pinasalubungan nila ako ng mahigpit na yakap.

Men In Uniform (MIU Series 2)  Altis Terron MonteclaroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon