Chapter 3: Ako o Siya?

4 0 2
                                    

Hindi ko maiwasan na hindi malungkot.. Ilang araw na din kasi ang nakakalipas. Mga tatlo? Pagkatapos doon sa roof top. Aminado naman akong secret relationship lang kami pero sana naman kahit I love you too lang din ay masabi niya kapag kami lang na dalawa.




"Uy! Yung crush mo o. Si Clyde~" sita sakin ni Cess. Na siyang nakapagpatigil sakin sa pagkain ng fries.





Tumingin naman ako sa tinuro niya at andoon sila sa pinakahuling sulok ng upuan ng canteen kasama ang mga kaibigan niya. Si TP, Dennis, Khairro, at syempre si Adam. Naghahalakhakan sila at kakarating galing siguro sila sa practice sa basketball. Bukod din kasi sa maaral ang boyfriend ko ay isa din siya sa varsity players ng school namin. Pampalipas oras lang din siguro niya ang Basketball. Bago palang kasi na naging kami ay nakahiligan na niyang maglaro ng basketball kasama mga kaibigan niya.





Sa mata ng mga kaibigan ko at lahat, isa akong Admirer ni Cly. Na totoo naman dahil ako ang nagkagusto sakanya. Ako ang naunang magkagusto at patay na patay sakanya. Hindi ko nga alam na darating sa punto na magkakagusto din siya sakin pabalik. Hindi na kami dumating pa sa ligawan stage at naging kami na kaagad and we did jugjug since Grade 11 lang. Pero Since 4th year o Grade 10 pa kami magkarelasyon.




Binaling ko sa ibang direksyon ang paningin ko nung nakatingin na pala sila saking lahat pati si Cly~ 'patay kang bruha ka.' Napalunok nalang ako sa kaba dahil baka magalit siya sakin.



"Mmm.." pang-aasar sakin ni Ayah "Kita ko 'yon! Ikaw talagang bruha ka patay na patay ka kay Clyde." Sabi niya at sinarado ang libro na binabasa niya






"Kung magsalita ka naman jan babaeta e hindi ba't patay na patay ka din naman kay TP ah." Pang aasar sakanya ni Cess





Bigla namang nagroll eyes samin si Ayah "Duhh. Noon yan 'noh! Hindi na ngayon."




Ang pagkakaalam ko si Ayah at TP ay mag-ex. 'Yun lang, Hindi ko alam ang storya ng buhay nila noon basta nanligaw si Tp sakanya, naging sila, nalaman lang naming break na sila nung nagiiyak si Ayah samin ni Cess. Di din namin alam ano dahilan bakit sila nagbreak ayaw din sabihin ni Ayah samin--actually, wala talaga nakakaalam sa break up nilang dalawa. Ewan ko ba sa dalawang 'to, ayaw magsabi kawawa tuloy mga maritess noon dito sa school wala sila napala kundi mag imbento nalang ng wala sa katotohanan.




Napatingin ako sa pwesto nila Cly nung malakasan ang tawanan at asaran. May mga naglapagan din ng pera sa table. Kumunot ang noo ko baka naglalaro sila.





"Paka-ingay naman." Reklamo ni Ayah dahil hindi siya makafocus sa binabasa niya "Tara na kaya sa classroom?"





Sumangayon naman si Cess at nagligpit ng gamit niya at ganon dina ako. Tumayo na kaming tatlo at sakto naman na pagtayo ko ay siya naman kinagulat ko






"Shité!" Gulat na sigaw ng isang pamilyar na boses sa harapan ko napatingin ako sa basa na uniform niya at pagkain niyang nasa lapag. Nabasa din ako syempre at mababakat na ang hinaharap ko.





"P-pasensya na. Hindi ko naman sinasasya." Sabi ko hindi ko naman kasi talaga sinasadya at hindi ko siya napansin na dadaan sa gilid ko.






Napabuga nalang siya "Okay lang. Hindi ko din naman alam na tatayo ka." Malumanay na sabi niya at dumukot sa bulsa niya at nung niluwa 'yon ay panyo pala.






Maya-maya pa ay may pamilyar na pabango. At kilala ko kung kaninong pabango 'yon. Hindi ko alam pero may part sakin na natutuwa kasi lalapitan niya ba ako?





Pero parang nagslow motion ata ang lahat sa harapan ko ng iba ang nilapitan niya at lagyan ng balabal na towel. Hindi ko na naiintindihan ang sinabi niya sa babaeng kaharap ko pero ang naintindihan ko lamang




"Are you okay?" Niya sa babaeng tinulungan niya. Maulamanay pero may pag-aalala na madidinig sa boses niya.




'Bakit siya tinulungan niya at hindi ako?'




'Ako ang girlfriend niya, bakit iba ang tinulungan niya?'



Pero nagulat din ako ng may towel na ding nakabalabal sa balikat ko





"Okay kalang ba Clo?" Bumalik ako sa katinuan ng madinig ko ang malumanay na boses ni Adam sa tabi ko.





Dahilan para matauhan ata si Cly sa ginawa niya at nakita ko sa gilid ng mata ko ang gulat at mukhang narealized niya ata ang ginawa niyang hindi dapat.




Huminga ako ng malalim at tumingin kay Adam "Salamat. Okay lang ako." Bumaling ako sa dalawang nasa harapan ko "Sorry talaga Fritz diko sinasadya." Hingi ko ng paumanhin at tumango lamang siya. Bumaling ako ulit kay Adam "Magpapalit lang ako. Salamat dito sa towel, lalabahan ko muna bago ibalik." At pagkatapos non ay umalis na ako sa pwesto at naramdaman kong sumunod naman ang dalawa kong kaibigan sakin para magtungo ng locker room.




Sa locker room ay panay ang tili ni Cess at Ayah at ginagaya ang nangyari kanina



"Waaa! Putanginang Adam 'yon! Biruin mo may ganon pala sakanya? Eh ang tahimik lang non noong batch natin ha." Dinig kong sabi ni Cess habang ako naman ay nagbibihis ng pang P.E. Uniform namin




"Nagulat din nga ako eh. Feeling ko may gusto sayo 'yon Clo."



Napapailing naman akong lumabas at kinuha ko sakanila yung bag ko "Mga sira kayo. Nagbigay tulong lang naman yung tao binigyan niyo na kagaad ng malisya?" Sita ko sakanila at nagsimula ng mag lakad. Sumunod naman sila at dali-dali sa side ko.



"SUSSSSSS! Eh kamusta naman yung crush mo ng ilang taon na? Iba ang tinulungan. Hindi ikaw." Sita naman ni Cess sakin



Naalalala ko nanaman yung kanina at mga tingin niya sakin na hindi ko maipaliwanag. *erase* erase* "Ano kaba cess! Ganon lang talaga yung crush ko. Kung ako din naman tatanungin, tutulungan ko yung mas naapektuhan tsaka nasa same building sila at kilala nila ang isa't-isa kaya malamang, tutulungan niya talaga. Eh ako? Hindi naman ako ganong nabasa kaya okay lang." Sinabi ko lang talaga yan para mapanatag ang loob ko at hindi mag-isip ng ikasasama ng loob ko.



"Eh kilala mo din naman siya ah--"



May idudugtong pa sana siya pero hindi niya na maituloy nang sitain siya ni Ayah. At napangiti nalang ako ng tipid.





Dumeretso kami sa room at pabagsak kong nilapag yung bag ko sa desk at umupo ako sa upuan ko. Ramdam ko na lahat sila ay napatingin sakin pero hindi ko nalamang sila pinansin at tamad na binagsak ko din ang aking ulo sa bag ko at pumikit. Inaalala ang nangyari kanina. Sumikip nanaman ang dibdib ko at naiinis sakanya pero iniisip ko pading kailangan niya siyang tulungan. Siguro ay iniisip niya din ang iisipin ng iba. Kapag ginawa niya sa'kin ang ginawa niya kay Fritz ay malamang pagdududahan siya ng mga tao sa paaralan. Napabuntong hininga nalamang ako at sakto naman na pag harap ko ay ang siyang pagdating ng guro namin. Magsisimula ang klaseng hindi ako okay. 'Pisteng yawa!'

-----

End of Chapter 3.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SECRET.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon