Missing 23: Papa??

121 5 1
                                    

SINJI'S POV:

--
PAGKATAPAK na pagkatapak ko sa NAIA, ramdam ko ang pagkamiss sa bansang ito. Sa loob ng limang taon, wala akong ginawa kung hindi ang magtago sa mga taong makakatulong sa akin pero ako na mismo ang umiwas.

Inaamin kong natatakot ako sa pwedeng mangyari ngayong nakabalik na ako sa Pilipinas.

"Mom can you carry me?" napatingin ako kay Shin na pupungas-pungas pa ng kanyang mata matapos naming makababa sa eroplano. Samantalang si Serin naman ay karga ni Sav at si Seiji naman ay nagmamasid lang sa paligid kahit nakasuot ito ng mamahaling sun glasses na regalo ng kanilang Tita Ninang.

Umupo ako para magpantay ang paningin namin ni Shin at pinanggigilan ang kanyang pisngi bago ko siya binuhat. Yumakap ang maliliit na braso ni Shin sa leeg ko bago isiniksik ang mukha nito para matulog.

Para akong nanlambot dahil sa ka-sweet'an ng mga anak ko.

Inihayag ko ang palad ko kay Seiji para hawakan sya, mahirap na at baka mawala dahil masyadong maraming tao dito sa airport.

"I'm good, Mom. No need to worry about me." ani ni Seiji.

Ngumiti na lang ako sa bata at tumingin kay Sav. Nagkibit-balikat lang ang babae bago tumalikod at naglakad patungo sa mga bagahe namin.

Matapos naming makuha ang bagahe ng mga bata ay agad na kaming lumabas ng airport. Sa hindi inaasahang pagkakataon, ang taong pinaka-ayokong makita ay siya mismong sumalubong sa amin.

Napahawak ako sa laylayan ng damit ni Sav dahilan para mapaatras ito. Naramdaman siguro ni Seiji ang takot ko nang tingalain ako nito matapos kong makita ang lalaking nakatayo sa harapan ng magarang kotse.

"Sav." tawag ko sa pangalan niya.

Nilingon ako ni Sav ng may pagtataka. "Bitawan mo ako, Sinji at baka mabitawan si Serin nangangalay na ako." aniya.

"Bakit siya nandito?" naiinis na bulong ko.

Mahigpit na bilin ko kay Sav na wala kaming pagsasabihan na kahit sino, kahit na myembro pa ito ng HuPoFEL at Bloodfist. Pero ang tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan para magkaharap-harap kami pati ng mga anak ko.

"Tinupad ko naman ang usapan natin. Anong magagawa ko kung advance ang utak ni'yang kapatid mo."

Pinalo ni Sav ang kamay ko na nakahawak sa laylayan ng kanyang damit at saka ito naglakad palapit sa sasakyan ni Kuya Luther. Binuksan ng binata ang pinto para kay Sav at ipinasok naman ng babae ang anak kong si Serin na natutulog pa rin.

Walang binibitawan na salita si Kuya Luther, nakatingin lang ito sa akin. Tila nagpapahiwatig na isakay ko na rin si Shin at Seiji pero para akong napako sa kinatatayuan ko. Napahigpit rin ang yakap ni Shin sa akin. Naramdaman siguro ng bata na nanginginig ako hindi dahil sa nerbyos kundi dahil sa takot na sermonan ako ng kapatid ko.

Kuya Luther is the only family I have pero sinunod ko pa rin ang sarili kong desisyon without minding his own feelings as my guardian.

"Mom, who's that? Why are you trembling?" lumingon si Sav at Kuya Luther matapos maiayos ni Sav si Serin sa loob ng sasakyan.

Napalunok ako.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Seiji kung sino ang lalaking nasa harapan namin ngayon.

"If you're thinking he's with me, he's not. Their band is having a world tour right now." bored na sabi ni Kuya Luther. Pero ramdam ko ang hinanakit niya sa bawat kataga na kanyang binibitawan.

Nag-aalangan akong sumakay sa sasakyan ni Kuya dahil akala ko ay kasama niya si Senri. Kahit saan siya magpunta lagi siyang may kasama, its either Senri, Gun, or Rent ang kasa-kasama niya.

Missing MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon