03

1.4K 56 2
                                    

This story will be completed first in Patreon and VIP Group. This story is available under Super Fan tier in Patreon.

Only 5 chapters will be posted here for the mean time. :)

Send a message to Maemae Anderson or Vampiremims on Facebook to join the VIP Group. :))

☀️☀️☀️


Kate was just listening to them while they were talking. As usual, her dad and the Montes de Oca patriarch were talking about the business. Ang mga expansion ng business na plano ng mga ito na palagi naman din niyang naririnig mula sa daddy niya. Gusto talaga ng mga ito na palawakin pa ang mga negosyo hindi lang sa lugar nila kung hindi sa ibang lugar din.

Of course, alam naman ni Kate na mas gusto ng daddy niya ng anak na lalaki para sa magmamanage ng mga negosyo nila. They own multiple branches of restaurants. Kalat na iyon sa buong Pilipinas kaya naman malaki rin talaga ang responsibilidad ng hahawak ng negosyo, at alam ni Kate na hindi naman siya handa para roon.

She never really wanted that. Palagi niya siyang sinasabihan ni Fatima na napaka swerte na niya dahil may negosyong naghihintay sa kanya. Hindi niya kailangan na magsimula sa umpisa, but that responsibility actually scares her.

Paano kung hindi niya magawa ng tama?

Paano kung hindi niya magawa katulad ng nagawa ng daddy niya?

Paano kung hindi lang ang sarili niya ang madismaya niya kung hindi pati na rin ang mga magulang niya at ang mga taong nagtatrabaho sa kanila?

Maraming buhay na ang aasa sa kanya at natatakot din siyang biguin ang mga ito kaya nga pinilit niya ang mga ito na hayaan na lang muna siya sa gusto niya. She liked her job at the bank, actually. Wala siyang sobrang laking responsibility, hindi katulad ng sa daddy niya.

At alam naman din niya kung bakit gusto ng daddy niya na matuloy ang agreement ng great great grandfather niya...

Wynn will be the one who will manage their business. Nag-iisip na rin ito kung sino ang mamamahala ng mga negosyo nila sa mga susunod na taon. Her dad is not that old yet, he just turned fifty years old so he can still manage the business, but until when? That was the question her dad was getting an answer.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na magaling si Wynn sa pamamalakad ng negosyo ng mga ito. Since his brother Wyatt left, he was the one handled all the responsibilities at hindi lang naman iilang beses na narinig niyang pinuri ito ng daddy niya. Madalas na nababanggit nito ang lalaki sa kanila ng mommy niya kapag kumakain sila dahil napapabilib naman talaga ni Wynn ang Daddy niya.

She excused himself when they decided to go to the living room and resume their talk. Kahit na alam niyang labag iyon sa loob ng mommy niya ay magalang pa rin siyang nagpaalam at lumabas. Naisip niyang magpahangin na lang muna sa may hardin nila kaysa makipagtitigan sa pangalawang anak ng mga Montes de Oca.

Kanina pa niya napapansin ang pagsulyap nito sa kanya at hindi niya mawari kung ano ba ang mensahe sa mga sulyap na iyon.

His presence makes her feel nervous. Noong sa bangko rin ay masyadong mabilis ang pagtibok ng puso niya nang magkalapit sila nito. It's the same now. Mabilis ang tibok ng puso niya at kailangan niyang huwag pansinin ang lalaki para lang magpanggap siyang ayos lang siya at hindi siya naaapektuhan nito.

She doesn't want anyone to see what's going on with her.

Isang tao lang ang may alam ng nararamdaman niya at wala naman siyang planong ipagsabi pa iyon. Kapag nalaman ng mga magulang niya, mas lalo lang nilang ipipilit ang kasal na gusto ng mga ito.

BOF 1: WYNN RAVENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon