NAGISING si Aira ng maramdaman niyang hindi siya nag-iisa sa kwartong iyon at ramdam rin niya na may dalawang matang nakatitig sa kanya habang natutulog siya at alam niyang ang kanyang asawa iyon.
Hindi siya mapakali lalo pa at ang tanging suot niya lamang ay manipis na pantulog. Agad niyang tinakpan ang kanyang katawan ng bigla itong magsalita.
"Welcome to your new home my lovely wife. Hindi ka pa daw kumain sabi ni Manang Mila."
"Napasarap kasi ang tulog ko at hindi ko na namalayan ang oras Brian," nahihiyang saad ni Aira.
Tumayo si Brian at lumapit sa kanya. Titig na titig si Brian sa mukha ni Aira na ikanakaba naman ng huli.
Hindi napigilan ni Brian na hawakan ang malambot na mukha ni Aira na ikinapitlag naman ng huli.
Parang nakuryente si Aira sa hawak pa lang ni Brian. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman.
Samantalang si Brian naman ay hindi rin mapalagay. Parang ayaw niya ng bitawan ang mukha ng dalaga at napatitig siya sa mga labi ni Aira.
"Ang sarap halikan," naisaloob ni Brian. Napalunok na lamang siya at akmang lalabas ng kuwarto pero nilingon niya muli ang asawa.
"Sweetheart, we will dine outside. May mga damit na sa closet mo. Pili ka na lang kung ano susuotin mo. Prepare yourself, in an hour ay aalis na tayo. I just wait you downstairs."
"Okay."
Tanging sagot ni Aira dahil natulala pa rin siya. Hindi pa siya nakabawi sa ginawang paghawak ni Brian sa kanyang mukha.
Hawak ang mukhang hinawakan ni Brian. Lumilipad ang isip ni Aira na agad naman niyang ikinagulat dahil biglang nagsalita ulit si Brian.
"I prefer the red dress sweetheart, it suits you," nakangiting turan ni Brian ng makitang nakatulala si Aira habang hawak ang mukha.
Nang makaalis ng tuluyan si Brian ay bumaba na ng kama si Aira para maligo at makapaghanda sa kanilang paglabas.
Sa baba naman ay hindi mapakali si Brian. Naninibago siya sa kanyang nararamdaman para kay Aira.
"Inlove na ba ako sa kanya?" tanong ni Brian sa sarili.
Nagulat na lang siya ng biglang nagsalita si Manang Mila.
"Brian anak, natutuwa ako at nakita mo na ang babaeng para sa'yo. Alam ko at ramdam ko na mabait na bata si Aira," nakangiting sabi ng matanda.
"Hmmmpp ikaw talaga Manang. Natutuwa po ako at nagustuhan niyo si Aira."
Ngumiti na lang ang matanda. Natigil lang ang pag-uusap nila ng bumaba na si Aira.
Napanganga si Brian sa kanyang nakikita dahil bagay na bagay kay Aira ang pulang damit na lalong nagpatingkad sa kanyang kaputian at hakab din sa kanyang katawan. Simpleng make-up lang ang nilagay nito pero napakaganda at elegante pa rin tingnan.
Si Aira naman ay napayuko na lang dahil namumula na ang kanyang mukha dahil sa titig ni Brian.
"Ehem, ehemmm!" gising ni Manang Mila sa na-estatwang si Brian.
"Hijo, sige na umalis na kayo at gabi na," natatawang sabi ni Manang.
Nang makahuma si Brian. "Sige Manang alis na po kami."
"Sige mag-ingat kayo mga anak."
Hinawakan ni Brian ang kamay ni Aira at sabay sabing. "You're so beautiful Aira. Parang ayaw ko na yata lumabas."
Napatawa naman si Aira. "Nambobola ka pa Mr. Terrona este Brian pala."
Natatawang turan ni Aira at napatawa na rin ang lalaki.
BINABASA MO ANG
AIRA KASSANDRA
RomansISANG simpleng probinsyana na may kaaya-ayang kagandahan at mayroong isang simpleng pangarap, iyon ay ang makaisang dibdib ang lalakeng buong puso niyang minahal na siya ring nagbigay ng sobrang pighati ng magpakasal ito sa iba, iyan si Aira Kassand...