HABANG nawili si Aira sa pamamasyal ay hindi niya napansin na may isang tao pala na nakasunod sa kanya hangang sa naisipan ng dalaga na pumasok sa isang kainan dahil nakaramdam na rin siya ng gutom.
Pagkatapos mag-order ay bitbit na niya ang tray na pinaglagyan ng pagkain. Palingon-lingon pa si Aira kasi naghahanap siya ng bakanteng mesa.
Napangiti siya dahil may isa pang bakante at medyo tago ito dahil nasa sulok na parte ng kainan kung saan hindi pansinin ng ibang mga kumakain.
Nakatalikod si Aira habang kumakain kaya hindi niya namalayan ang taong papalapit na sa kanya na kanina pa nakasunod sa kanya.
"Aira."
Napatda si Aira pagkarinig sa boses ng tumawag sa kanya. Nagdalawang-isip siyang lumingon dahil baka guni-guni niya lang iyon.
"Aira, I want to talk with you."
Biglang natauhan si Aira ng umupo sa kabilang upuan ang taong hindi niya inaasahang makita sa araw na iyon.
Akmang tatayo na siya para lisanin ang lugar nang pigilan siyang umalis nito."Aira please, I need to talk to you. I need to clear everything. Gusto kong malaman kung bakit bigla ka na lang naging asawa ng boss ko." sunud-sunod na tanong ni Jhon.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa!" matigas na sagot ni Aira.
"Meron Aira, gusto kong malaman ang lahat kung bakit ka nagpakasal kay Mr. Terrona?"
"Bakit Jhon, noong tinalikuran mo ako at nagpakasal ka sa iba tinanong ba kita kung bakit?" malamig na sagot ni Aira.
"Inaamin ko nagkamali ako dahil niloko at pinaasa kita. Patawarin mo ako Aira." pagsusumaong pahayag ni Jhon.
"Hanggat hindi nawawala ang sakit na nararamdam ko dahil sa ginawa mo ay hinding-hindi kita mapapatawad Jhon at pagsisisihan mo ang ginawa mo sa akin kasama ng asawa mo na walang ibang ginawa kundi maliitin at insultuhin ako!" nanginginig sa galit na pahayag ni Aira. Hindi alintana na pinagtitinginan na sila ng ibang customers na kumakain doon. Tumayo siya at akmang aalis na nang may naalala.
"At isa pa wala ka nang pakialam kung paano ako naging asawa ng boss mo kaya dapat igalang mo ako." pang insultong saad ni Aira sabay alis sa lugar na iyon.
Nang makalayo na siya ay hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha na kanina pa niya pinipigilan.
Habang si Jhon naman ay naiwan sa restaurant na nanghihina at sapo ang ulo.
Lingid sa kaalaman ng dalawa ay nakita sila ni Brian na seryosong nag-uusap. Hindi na nakayanan ni Brian ang sakit na kanyang nasaksihan kaya agad na siyang lumisan. Dumiretso siya sa isang bar at nilunod ang sarili sa alak dahil sa sobrang selos na naramdaman sa kanyang nasaksihan.
Pagkagaling ni Aira sa mall ay dumiretso na siya sa mansyon. Hindi na siya nagpasundo sa driver. Nag taxi na lamang siya pauwi.
Pagkarating ng bahay ay dumiretso na agad siya sa kanyang silid dahil ayaw niyang makita ni Manang ang namumugto niyang mata dahil kanina pa siya umiiyak. Hindi na rin siya bumaba para maghapunan.
Samantalang si Brian naman madaling araw na nagdesisyon na umuwi kahit halos hindi na makatayo sa kalasingan ay pinilit paring magmaneho para makauwi sa mansyon.
Labis na ang ang pag-alala ni Aira sa asawa dahil madaling araw na ay hindi parin ito umuwi. Napagpasyahan niyang sa sala na lamang hintayin ito.
Hindi nagtagal nakarinig na siya ng ugong ng sasakyan. Nagpapahiwatig na nakauwi na ang kanyang asawa.
Pagkababa ni Brian sa sasakyan ay pasuray-suray itong naglakad papasok sa loob ng mansyon. Halos matumba na ito sa sobrang kalasingan.
Nagulat naman si Aira sa hitsura ng asawa kaya agad siyang napatayo para alalayan ito.
BINABASA MO ANG
AIRA KASSANDRA
RomanceISANG simpleng probinsyana na may kaaya-ayang kagandahan at mayroong isang simpleng pangarap, iyon ay ang makaisang dibdib ang lalakeng buong puso niyang minahal na siya ring nagbigay ng sobrang pighati ng magpakasal ito sa iba, iyan si Aira Kassand...