Kabanata 07

50 2 0
                                    

NANG oras ding iyon ay nakapagdesisyon na si Brian. Kinuha niya ang intercom at tinawag ang kanyang sekretarya.

"Nikki please come inside," tawag niya sa kanyang sekretarya. Maya-maya  lang ay pumasok na ito.

"Yes Sir, may ipapagawa po ba kayo?" tanong ni Nikki sa boss.

"Ah yes, pwede bang  ipareserba mo ako ng mesa sa isang sikat na restaurant para mamayang gabi? I mean the whole restaurant," utos ni Brian dito.

"Ah okay sir no problem. Sasabihan na lang po kita pag confirm na." sagot ni Nikki kahit nabigla sa ipinag-utos ng amo.

"Okay salamat." sagot ni Brian at marami pa siyang sinabi sa kanyang sekretarya.

Pagkatapos noon ay inabala na niya ang kanyang sarili sa mga papeles na kailangan niyang pirmahan.

Kinahapunan ay nakumpirma na ni Nikki ang ipinag-utos ng kanyang boss at ipinaalam na niya agad ito dito.
Nang malaman ni Brian na ayos na ay excited niyang tinawagan si Aira sa bahay.

Nagulat si Aira sa kanyang pag-iisip nang biglang tumunog ang telepono na nasa kanyang tabi.

"Hello?"

"Sweetheart." bungad ni Brian na ikinakilig naman ni Aira.

"Be ready at 8 o'clock. I will pick you up okay? Sa labas na tayo kakain. Nakangiting pahayag ni Brian sa asawa.

Habang si Aira naman ay hindi pa nakabawi sa kilig na kanyang nararamdaman dahil sa endearment na tawag ni Brian sa kanya.

"Sweetheart, are you still there?" tanong ni Brian dahil hindi na nagsasalita si Aira. Kinakabahan na siya na baka galit ito sa kanya.

"Ah yes Brai, I'm still here. Okay, i will be ready by that time." sagot ni Aira habang namumula ang kanyang mukha buti na lang at hindi niya kaharap si Brian kundi nakakahiya.

"Okay, sige see you tonight sweetheart." at agad na pinutol ni Brian ang tawag. Pangiti-ngiti pa si Brian habang ipinagpatuloy niya ang kanyang
naudlot na trabaho.

Si Aira naman ay hindi mapakali. Kinakabahan siya kasi hindi niya alam kung ano ang mangyayari mamaya paglabas nilang mag-asawa.

Hindi naman mapalagay si Jhon habang may kinakausap sa kanyang cellphone sa loob ng kanyang opisina. Maya't maya ang silip niya sa may pinto. Naninigurong walang makakarinig sa pag-uusap nila ng nasa kabilang linya.

"Yes sir, kunting panahon na lang po at
mapapabagsak na din natin ang kompanya niya. Wala po siyang kaalam-alam na ako ang kumukuha ng pera sa kompanya. Malinis po ang trabaho ko. Okay sige sir, I will." saka niya tinapos ang pakikipag-usap sa taong mastermind upang pabagsakin si Brian Terrona.

Lingid sa kaalaman ni Jhon ay  palihim na naglagay si Alex ng isang maliit na speaker sa ilalim ng kanyang mesa at naka konekta ito sa cellphone ng agent kaya narinig at narecord lahat iyon ni Alex bilang ebidensya.

Ang kailangan na lang niyang malaman ngayon ay kung sino ang taong kausap ni Jhon. Hindi na muna
niya pinaalam kay Brian dahil ayaw niya masira ang araw nito dahil napag-alaman niya mula dito na may date sila ng asawa nito.

Lihim naman na napangiti si Alex dahil sa wakas sa loob ng mahabang panahon ay muling umibig ang kanyang matalik na kaibigan kahit hindi pa niya nakikita ang asawa nito. Ramdam niyang mabait at maganda ito.

Masaya siya para sa kanyang kaibigan ngunit bigla siyang nalungkot ng maisip ang kanyang sarili.

"Ahay, kailan ko pa kaya makikita ang babaeng magpapatibok ng aking puso?" naiiling na kausap ni Alex ang sarili.

AIRA KASSANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon