Kabanata 14

113 3 0
                                    

Naubos ko ang tubig na binili ni Lucas pero ang gatas ay hindi kaya dala-dala ko pa rin iyon hanggang sa paglabas.







"Guinevere, hintay." My classmate calls me. Lumingon lamang ako sa gawi niya bago nagpatuloy sa paglalakad.







Gusto niyang makipagkaibigan, okay lang naman iyon sa akin, sa tutuusin sapat na ang kaibigan na meron ako. Sina Jack, Clint at Rp.








Naramdaman ko na lang ang pagpulupot ng kamay niya sa kanang braso ko.







"Wait naman, grabe ka. Sabay na tayo mag-lunch." Anito, ngumuso lamang ako bilang sagot.





Gusto ko siyang tanggihan dahil nasabi ko kay Lucas na magsasabay kami. Nagtext na ako kay Lucas bago pa man matapos ang huling klase ko, hindi naman siya kaagad nagreply kaya kusa na akong lumabas.











Alam niya ang classroom ko, pero hindi ko alam kung saan ang classroom niya. Ni hindi ko alam na rito rin siya nag-aaral, hindi naman iyon kataka-taka dahil isa ito sa kilalang paaralan sa lungsod.








"May kilala ka bang Lucas Estrevillo?" tanong ko sa kasama. Binalingan niya ako ng tingin at saglit na napaisip.









Umiling siya makalipas ang ilang segundong pag-iisip. Sa lawak ng school, hindi ko na aasahang makikita siya. Ang hirap niyang hagilapin, kahit nasa tuktok na ako ng building kakahanap sakanya, hindi ko pa rin nakita ang anino ni Lucas. Sana hindi na lang siya sumang-ayon kung hindi rin pala siya tutupad.










"Paniguradong maraming tao sa cafeteria, kung lumabas na lang kaya tayo?" Suhesyon ng kasama ko.







"Teka, ano nga ulit pangalan mo?" Tumigil siya sa paglalakad kaya kahit ako ay napatigil din.







Gulat siyang nakatingin sa akin habang tinuturo ang sarili.






"Ako? Ano? Nakalimutan mo? Kakasabi ko lang kahapon ah!." Pakiramdam ko na offend siya sa naging tanong ko. Napakamot ako sa ulo.







"Alam mo kasi, wala talaga akong balak makipagkaibigan. I hate this school, I hate this place, kaya bakit pa ako bubuo ng samahan." Amin ko. Nanatili siyang nakatayo kaya hinila ko na lang siya nang makausad kami.








"Pero.. Bakit? Ang ganda ng school natin, iyong mga kaklase ko sa high school nangangarap makapasok dito, tapos ikaw? Ayaw mo? Pati lugar na ito? Marami kayang pasyalan, dagat, bundok, at marami pang iba!." Sinabit niya muli ang braso sa akin.








"My name is Dianne, but I prefer to be called Dayanara. Please lang, huwag mo na ito kalimutan, okay?"tumango ako kay Dayanara.






"Tulungan mo na lang ako maghanap, kapag may nakita kang matangkad, moreno, matangos ang ilong, undercut ang hairstyle, may pinkish lips, makapal ang kilay, at shempre gwapo na cute! Sabihan mo ako." Inalala ko ang hitsura ni Lucas.








Ang hirap niyang i-describe, dahil nag-iiba ang emosyon niya, kanina ang bait at maamo ang mukha, kagabi para siyang may hinahamon na demonyo.







"Iyon ba?" Mabilis kong nilingon ang tinuro ni Dayanara.






Bumagsak ang balikat ko, hindi naman iyan si Lucas! Si Jack iyan! Matangkad si Jack pero mas matangkad si Lucas sakanya.







Mistakes Of Yesterday (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon