Chapter 3

368 4 0
                                    

Mansyon

Nahihiwagaan tuloy ako kung anong gagawin namin, hawak hawak niya ang aking kamay at pumunta kami sa sulok at doon niya kinorner.


"May sumusunod sayo...." bulong nito.


Naamoy ko ang mabangong hininga niya, na kahit uminom siya ng alak naaamoy ko parin ang mint sa kaniyang bibig. Hindi ko rin namalayan na nakatitig pala ako sa kaniyang mukha habang palinga-linga sa paligid.


Nag-aalala siya sa akin? Kinikilig tuloy ako.


Pinagmasdan ko ang kaniyang mukha, ang pogi pogi niya. Hindi tuloy ako makapagfocus sa mga sinasabi niya sa akin dahil nakafocus lang ako sa mukha niya. Grade eight kasi pangarap ko narin ang lalaking 'to, syempre nakikita ko kasi siya sa university nila noon.


Madalas pa nga akong nagsskip ng klase para lang masilayan siya, pero hindi niya naman ako kilala kaya okay lang.


"Nag-aalala ka ba sa akin?" tanong ko naman.


Nilipat niya na ang tingin sa akin at nang mapansin ang kaunting distansya ng mukha naming dalawa ay tyaka siya lumayo. Ngumiti ako sa kaniya at tinuro ang kinaroroonan ng lalaking sumusunod sa akin kanina.


"Matagal ng may ganyan dito, sanay na ako."


"So what?"


Nang makabawi ay umalis na siya sa may malapit na distansya sa akin at mas lumayo pa. Pinagpag niya ang kaniyang kamay na pinagdikitan nito kanina sa pader dahil sa pagsandal niya rito habang nakacorner sa akin.


"Ito naman ang sungit, sinabi ko lang kasi mukhang nag-aalala ka sa akin...." nakalobong sambit ko habang parang kiti kiting gumagalaw galaw sa harapan niya.


"Grabe ka naman mag-assume, bata."


Maka-bata 'to! Parang hindi ako nagalaw noon ah? Kung hindi ko lang sinabi ang totoong edad ko ay hindi niya naman ako titigilan pero proud ako dahil siya ang nakakuha ng virginity ko noon. Hindi ko lang masabi dahil baka hindi niya na naaalala 'yon.


Sa bagay, sino ba namang makakaalala sa pangyayaring 'yon. Halata namang sanay na siyang gumawa ng kababalaghan at lapitan ang mga babae at makipagsex kung kailan niya gusto.


Alam ko namang mali ako sa parteng 'yon pero mukhang wala naman na sa kaniya at mukhang nakalimutan niya na kaya sobrang pasasalamat ko. Hindi na ako maiilang sa harapan niya, tumingin siya sa kaniyang relo at nangunot ang kaniyang noo.


"Uuwi ka na po ba? Gusto niyo po bang kuhanin ko 'yung bag na dala niyo kanina?" inosenteng tanong ko.


"No, nevermind."


Tumango ako at hindi na siya kinulit pa, kahawig din niya ng ugali ang nakakatandang kapatid niya. Para silang pinagbiyak na bunga dahil sobrang magkahawig talaga sila.

The Doctor Affection (De Viola #2)Where stories live. Discover now