Kabanata 08

37 2 0
                                    

WALANG pagsidlan ng kaligayahan ang dalawang taong nagmamahalan matapos ang nangyaring aminan tungkol sa kanilang mga nararamdaman.

Mula ng gabing iyon ay marami ng pinagbago sa kanilang pagsasama. Pinalipat na din ni Brian ang asawa sa kanyang silid at iyong namagitan sa kanila ay naulit pa ng maraming beses.

Unti-unti na ring nakalimutan ni Aira ang galit na nakatanim sa kanyang puso ukol sa dating kasintahan dahil natatabunan na ito ng pagmamahal ng kanyang asawa.

Isang gabi habang magkatabi sa higaan matapos ang isang mainit na pagniniig ay masinsinang kinausap ni Aira ang asawa.

"Brian mahal ko, kung may hihilingin ba ako, pagbibigyan mo kaya ako?" malumanay na tanong ni Aira sa asawa.

"What is it sweetheart? Anything you want ibibigay ko basta sa ikaliligaya mo." buong pagmamahal na sagot ni Brian saka dinampian pa niya ng halik ang noo ng asawa.

"Gusto ko sanang bumalik sa dati kong trabaho, ang pagtuturo." nahihiyang saad ni Aira.

"Bakit sweetheart, nababagot ka na ba dito sa bahay?"

"Hindi naman pero gusto ko lang na may ginagawa ako."

"Hmmmp okay, sige pagbibigyan kita pero sa isang kondisyon."

Nabuhayan ng loob si Aira ng marinig ang sagot ng asawa.

"Sige kahit anong kondisyon gagawin ko." nakangiti pang turan ni Aira.

"Papayag akong mag trabaho ka pero sa kompanya ko. Ilalagay kita sa ibang branch at gusto ko ikaw ang mamahala doon." wika ni Brian..

"Pero wala akong alam sa pamamahala ng kompanya Brai." nanghihinayang na pahayag ni Aira.

"Sweetheart lahat ng bagay ay natutunan basta may tiyaga lang at determinasyon. Isa pa may pinag-aralan ka kaya alam kong kaya mo iyan, saka nandito naman ako para turuan ka."

"Talaga? Salamat mahal ko, maraming maraming salamat." sa labis na tuwa ni Aira ay hinalikan niya ang asawa sa labi at dahil sa ginawa ng huli ay parang nagliyab agad ang katawan ni Brian sa init na kanyang naramdaman at muli pinagsaluhan nila ang tamis ng kanilang pagmamahalan.

Isang linggo ang lumipas, excited na bumaba si Aira sa hagdanan dahil ito ang unang araw niya na papasok sa trabaho. Pagkadating niya sa komedor ay ang nakangiting mukha ng asawa ang kanyang nadatnan.

"Good morning sweetheart." bati ni Brian sa asawa.

"Good morning too sweetheart." sabay halik sa labi ng asawa.

"Hmmp you look so excited ah." puna ni Brian dito.

"Yup, it's my first day sweetheart kaya sobrang excited ako."

"hahahaha, ang cute mo pag naeexcite Aira." natatawang turan ni Brian at napatawa na rin ang asawa.

"Eat your breakfast now and then aalis na tayo."

Ganado namang sumunod si Aira sa asawa. Nilantakan na niya ang pagkain na nasa kanyang harapan.

Nang makarating ang dalawa sa branch kung saan doon magtatrabaho si Aira  ay agad siyang ipinakilala ng asawa sa kanyang magiging tauhan. Mainit naman siyang tinanggap ng mga ito at pagkatapos noon dinala na siya ng asawa sa kanyang magiging opisina.

Masayang-masaya si Aira kaya  binigyan niya ng ubod tamis na halik ang kanyang mapagmahal na asawa.

May sarili din siyang secretary at mukhang magkakasundo sila dahil masayahin ito at mabait.

Lumipas ang isang buwan ay alam na ni Aira ang pamamahala ng branch. Hindi naman s5ya pinapabayaan ng asawa at ni Jean ang kanyang sekretarya.

Sa opisina naman ni Brian ay makikita mo ang galit sa mukha nito habang pinakikinggan niya ang usapan ng traydor na si Jhon at ang kasabwat nito, ang kanyang business partner at ama ni Trina.

Nanggagalaiti siya sa galit. Susugurin na sana niya si Jhon ngunit pinigilan siya ni Alex.

"Pare calm down, pagplanuhan muna natin. Huwag kang padalos-dalos." wika ni Alex

"Pare anong plano pa ang gagawin natin? Gustong-gusto ko na siyang bugbugin sa mga oras na ito!" nanggigigil sa galit na saad ni Brian.

"Huwag pare, isipin mong mabuti kung ano ang dapat mong gawin."

Pabagsak na naupo si Brian sa kanyang upuan.

"Ano ang dapat kong gawin pare?"

"Alisin mo siya sa kompanya mo pare at huwag ka magpapahalata na may alam ka na sa pagtatraydor niya." ika ni Alex.

Nag-isip si Brian, pinag isipan niyang mabuti ang sinabi ng kaibigan at isa pa ayaw niya itong ipaalam sa asawa dahil ayaw niya na mag-alala pa ito.

Nakapag desisyon na nga si Brian ng araw ding iyon. Tinanggal niya si Jhon sa kanyang kompanya. Halos maglulumuhod ito sa pagmamakaawa sa kanya ngunit matigas at final na ang desisyon ni Brian.

Laylay ang mga balikat na lumabas si Jhon sa kompanya. Hindi niya alam kung ano ang dahilan dahil sigurado siya na walang kaalam-alam si Brian na siya ang may pakana ng nakawan sa kompanya nito ng biglang sumagi sa isip ni Jhon si Aira.

"Ito ba ang sinasabi mong paghihiganti Aira?" tanong ni Jhon sa sarili.

Hindi niya alam kung paano ipaalam sa asawa na wala na siyang trabaho. Paano pag nalaman ng biyenan niya na hindi na niya magagawa ang pinapagawa nito sa kanya dahil wala na siyang access sa kompanya.

Mula umpisa ay hindi na siya gusto ng kanyang biyenan dahil galing lamang daw siya sa  mahirap na angkan at walang maipagmamalaki kaya napilitan siyang sundin ito sa lahat ng pinag-uutos nito sa kanya para lamang magustuhan siya kahit labag sa kanyang kalooban.

Kinabukasan ay may hindi inaasahang bisita si Aira sa kanyang opisina.

"What brought you here Mr. Cordova?" pormal na tanong ni Aira kay Jhon.

"Aira, ito ba ang sinasabi mong paghihiganti ha? Ang ipatanggal ako sa kompanya ng asawa mo?" galit na tanong ni Jhon kay Aira.

Naguguluhan naman si Aira dahil wala siyang alam sa sinasabi nito.

"Anong pinagsasabi mo Mr. Cordova?
Wala akong alam sa mga sinasabi mo."

Bigla siyang hinawakan ni John na ikinabigla naman ni Aira.

"Huwag ka nang magmaang-maangan pa alam ko ikaw ang nag-utos sa asawa mo na tanggalin ako sa kompanya. Sinira mo ang mga pangarap ko Aira porket naging asawa ka lang ng may-ari ng kompanyang ito kung maka asta ka para ka nang kung sino!" matigas na pahayag ni John sa hindi makahumang si Aira ng biglang bumukas ang pintuan na ikinabigla ng dalawa lalo pat halos magkadikit na ang kanilang mga katawan.

AIRA KASSANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon