Kabanata 09

38 2 0
                                    

KAPWA nagulat ang dalawa ng bigla na lamang bumukas ang pinto ng opisina ni Aira at ang mas lalong ikinagulat nila ay ang mukha ni Brian na walang kangiti-ngiti at ang mga matang nag-aapoy sa galit lalo ng makita ang hitsura ng dalawa na halos magkayakap na.

"Bri....an...." kinakabahang sambit ni Aira dahil sa gulat at takot kay Brian.

"What's the meaning of this Aira?" tila kulog na dumadagundong ang boses ni Brian sa loob ng opisina. Nakakuyom ang isang kamao nito at halatang  anumang oras ay handang pakawalan sa kalaban.

Agad binitawan ni Jhon si Aira at hinarap ang dating boss.

"Mali ka ng iniisip Brian," kinakabahang wika ni Jhon.

Hindi na napigiln ni Brian ang sarili at nasuntok niya si Jhon ng ubod  lakas
Hindi niya kayang pigilan ang galit sa pagtraydor nito at lalong hindi niya napigilan ang matinding selos sa kanyang nasaksihan.

Bugbog sarado na si Jhon ng tantanan ni Brian. Si Aira naman ay hindi na mapalagay sa nakita at napahiyaw na siya sa takot.

"Brian stop it! Wala kaming ginagawang masama! Itigil mo na iyan!

Saka pa lang tinigilan ni Brian si Jhon
Agad namang umalis si Jhon sa loob ng opisina ni Aira at paika-ika ito sa paglalakad dahil sa bugbog na nakamit.

Pinagtitinginan siya ng mga empleyado ngunit wala na siyang pakialam ang mahalaga ay makalabas na siya sa lugar na iyon.

Nanghihina namang napaupo si Aira sa sulok ng kanyang opisina dahil hindi parin nawala ang panginginig sa kanyang katawan.

Nagulat na lamang siya ng padabog na sinarado ni Brian ang pintuan at kinandado sabay lapit sa kanya at hinila siya papunta sa mesa.

"Bakit Aira, kulang pa ba ang ginagawa ko sa'yo at nakikipaglandian ka pa sa ex mo ha?" puno ng galit ang boses ni Brian habang sinasabi iyon.

Hindi na gumagana ng maayos ang utak niya dahil nilamon na ito ng matinding selos.

Labis namang nasaktan si Aira. Gusto niyang kontrahin ang sinabi ni Brian ngunit walang tinig na lumabas sa kanyang bibig. Tanging iyak lamang ang kanyang sagot.

Dahil walang nakuhang sagot si Brian ay mas lalo pang tumindi ang kanyang galit. Natatabunan na siya ng matinding selos at hindi na niya makontrol ang kanyang sarili.

Pagalit niyang iniupo si Aira sa mesa ng opisina. Wala na siyang pakialam kung nagsipag bagsakan na ang mga gamit doon. Itinaas niya ang palda ng asawa at pilit ibinaba ang underwear nito. Puno ng galit na inangkin ang umiiyak na asawa.

Kahit nasasaktan si Aira sa ginagawa ng asawa dahil para na rin siyang ginagahasa nito ay hindi parin niya mapigilan ang pag ungol.

"Ito ba ang gusto mo Aira ha?" matigas na pahayag ni Brian kahit puno ng galit ang kanyang dibdib ay pumaibabaw parin ang kakaibang sensayon habang inaangkin ang umiiyak na asawa.

Hindi makuhang sumagot ni Aira. Tanging ang pagtangis na lamang ang kanyang nagawa. Gustuhin man niyang manlaban dahil sa pambababoy na ginawa ng kanyang asawa sa kanya ay pilit parin niyang isinasaisip na mahal niya ito at pikit mata niyang tatanggapin anuman ang gagawin nito sa kanya.

"Mahal kita Brian at handa kitang unawain." piping usal ni Aira kahit tila pakiramdam niya ng mga sandaling iyon ay isa lamang siyang walang kwentang nilalang na ang tanging papel sa mundo ay isang parausan.

Nang makaraos si Brian ay agad siyang nag-ayos ng kanyang sarili at hinarap niya si Aira na mahinang humihikbi.

"Ayusin mong mabuti iyang sarili mo at umuwi ka sa bahay.'' malamig na utos ni Brian sa asawa at walang sabi-sabing lumabas ng opisina sabay pabagsak na isinara ang pinto habang  naiwang humagulgol si Aira.

Makalipas ang ilang sandali ay nagmamadaling inayos niya ang kanyang sarili saka isa- isang inayos ang mga gamit na nagsipagbagsakan kanina.

Nagpalipas muna siya ng ilang saglit bago siya nagpasyang lumabas ng kanyang opisina. Tinawag siya ng kanyang sekretarya ngunit hindi na niya ito pinansin dahil gusto niyang makaalis kaagad palayo sa lugar na iyon, palayo sa mga taong maaring mag-usisa sa mga pangyayari.

Napapailing na lamang si Nikki, awang awa siya sa kanyang boss na si Aira kahit wala siyang ideya kung ano nga ba ang nangyari sa loob ngunit wala siyang magagawa dahil wala naman siyang karapatang makialam sa problema ng mag-asawa.

Pagkalabas ng building ay agad pumara ng taxi si Aira. Nagtanong ang driver kung saan siya bababa.

"Kahit saang lugar manong na pwede makapag-isip ng maayos." wala sa sariling sagot ni Aira.

Napapailing na lamang ang matandang driver habang sinusulyapan ang magandang pasahero na namamaga ang mata sa kakaiyak.

Sa isang parke na nakaharap sa karagatan doon siya hinatid ng driver. Pagkababa ni Aira, binigyan niya ng limang daan ang driver bilang bayad at sinabing sa kanya na ang sukli. Labis naman natuwa ang driver at hindi napigilang magsalita.

"Maraming salamat Ma'am, malaking bagay na po ito sa akin. Sana po malagpasan mo ang lahat ng mga problemang kinakaharap mo ngayon. Tawagin mo lang ang kanyang pangalan at pakikinggan ka niya." pahayag ng driver na ang tinutukoy ay ang nasa taas.

Napilitang ngumiti si Aira at nagpasalamat.

Nang makaalis na ang taxi ay naglakad-lakad na si Aira sa parke hanggang sa naisipan na lamang niyang maupo sa isang bato kung saan kitang-kita niya ang papalubog na araw.

Sa kabilang banda naman ay halos magwawala na si Brian sa loob ng kanyang opisina. Sising-sisi siya sa nagawa niya sa kanyang asawa ngunit talagang hindi niya kayang pigilang magselos sa tuwing makikita niyang magkalapit si Aira at Jhon.

Labis siyang nag-alala sa kanyang asawa sa mga sandaling iyon. Kanina matapos siyang mahimasmasan at mapagtanto kung anong kagaguhan ang nagawa niya sa kanyang asawa ay para siyang sinampal ng ilang libong beses.

Gusto niyang yakapin noon si Aira at humingi ng tawad ngunit dinaig na siya ng kanyang hiya kaya nagpasya na lamang siyang umalis. Naisipan niyang tawagan ito ngunit nakailang tawag na siya ay hindi niya makontak ang telepono ng asawa dahil nakapatay ito.

Sinubukan din niyang tawagan ang opisina ngunit ayon kay Nikki ay umalis din daw ito kaagad pagkaalis niya. He had no other choice kundi ang tumawag sa mansyon but to his dismay ay hindi pa daw nakauwi ang kanyang asawa ayon kay Manang Mila.

Lalo siyang nakaramdam ng pagsisisi at pag-alala para dito at mas lalo pang sumidhi ang naramdaman niyang galit para kay Jhon dahil ito ang dahilan ng lahat. Nagpasya siyang tawagan si Alex at masinsinan niya itong kinausap sa thru mobile habang papalabas siya ng kanyang opisina para hanapin ang asawa.

"Lintik lang ang walang ganti Jhon at sayo Mr. Samonte sa ginawa niyong pagtatraydor sa akin and Aira please be safe. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko oras na may masamang mangyari sa'yo mahal ko." piping usal ni Brian na nakakuyom ang mga kamao.

"Napaka gago mo kasi Brian! Gago!" sita nito sa sarili habang minaniobra ang sariling sasakyan.

AIRA KASSANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon