Kabanata 12

39 2 0
                                    

PALINGA-lingang pumasok si Jhon sa loob ng kompanya dahil kabisado na niya ang pasikot-sikot sa loob ay hindi na siya nahirapan pa. Pagkapasok sa kanyang opisina ay inipon niya ang mahahalagang files na magagamit niya sa kanilang plano pagkatapos noon ay hinarap na niya ang computer at binuksan ang mahalagang data na naka-save doon.

When Jhon about to transfer the files sa  USB niya ay bigla na lamang sumulpot si Alex sa kanyang likuran na kanina pa pala nagtatago sa loob ng dating opisina ni Jhon.

"Huwag mo nang ipagpatuloy kung ano man iyang binabalak mo Mr. Cordova." wika ni Alex habang nakatutok ang baril nito sa sentido ni Jhon.

Kahit nagulat at kinakabahan si Jhon dahil baka makalabit ni Alex ang gatilyo ng baril ay nag-isip parin siya ng paraan para makatakas dito.

Nakipag-agawan siya ng baril kay Alex na ikinatilapon naman ng baril sa sulok. Nagpambuno silang dalawa.  Nagpalitan sila ng suntok at tadyak. Ngunit dahil sanay si Alex sa suntukan at black belter din ito sa karate ay napatumba niya si Jhon ng walang kahirap-hirap.

Maya-maya lang ay dumating na si Brian kasama ang ilang mga kasamahan ni Alex na agent. Hindi na sila kumuha ng mga police dahil ayaw muna nilang ipaalam na hawak na nila si Jhon dahil gusto muna nila na mahuli ang may pakana ng lahat.

Lihim na dinala ni Alex sa kanyang secret hideout para iinterrogate si Jhon.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay umuwi na din si Brian sa mansyon.

Gabing-gabi na ay gising na gising parin si Trina dahil hindi pa umuuwi ang asawa at hindi rin sumasagot sa kanyang mga tawag kaya napilitan siyang tawagan ang kanyang ama.

"Papa nariyan ba si Jhon o nagpunta ba siya diyan?" tanong agad ni Trina sa ama.

"Bakit sa akin mo hinahanap ang walang silbi mong asawa?" sagot ng matanda.

"Just answer my damn question papa!" galit na sagot ni Trina sa ama.

"Nang dahil diyan sa polpol mong asawa ay sinigaw-sigawan mo na ako Trina!"

Sa takot na tuluyang magalit ang ama ay napilitang ibaba ni Trina ang boses kahit inis na inis na sya sa dito.

"Papa please just answer me." pakiusap ni Trina.

"Okay, kaninang tanghali ay nagpunta siya dito at pinaalam niya ang kapalpakan niya. Pagkatapos noon, umalis din siya kaagad." malamig na sagot ng kanyang ama.

Binaba agad ni Trina ang telepono at tinawagang muli si Jhon ngunit gaya ng nauna hindi parin ito sumasagot.

"Grrr! Nasaan ka na ba Jhon?" hindi mapakaling tanong ni Trina sa sarili.

Habang sa hideout ni Alex. Nagising si Jhon ngunit hindi siya makagalaw dahil  nakatali siya sa upuan.

"Mabuti at gising ka na Mr. Cordova."

Nagulat si Jhon ng biglang lumitaw si Alex sa kanyang harapan.

"Pakawalan mo ako dito hayop ka Alex!" galit na sigaw ni Jhon dito.

"Hmmpp matapang ka parin talaga Jhon kahit alam mong wala ka nang kawala.! Hintayin mo na lang ang pagdating ni Brian at siya na ang bahala sa'yo." saka siya tinalikuran  ni Alex.

Maya-maya lang ay dumating nga si Brian.

"Ang lakas din ng loob mong traydurin ako Mr. Cordova! Akala mo siguro hindi ko alam ang mga pinanggagawa mo sa kompanya ko!" nanggagalaiting wika ni Brian.

"Matagal na kitang pinaiimbestigahan Mr. Cordova at salamat sa kaibigan kong si Alex na isang agent kaya natuklasan ko ang lahat!" galit na patuloy ni Brian.

AIRA KASSANDRATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon