1: Ang Simula

9 2 1
                                    

[Learicka Blanca Elizalde]

Kakagising ko lang ng biglang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko
"Anak" boses palang ay alam ko nang si nanay 'yon kaya agad akong bumangon at binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang nagtataasang kilay ng aking nanay

"Anong oras ka na naman nagising mag-a-alas onse na oh!"

"Ehh nay pasensya na late na kasi ako nakatulog dahil---" naputol ang pagsasalita ko

"Dahil ano na naman, nanood ka na naman ng K-drama noh, yan Learicka diyan ka magaling sa panonood mo ng mga koryano-koryano na yan, hayss ang batang ere"

"Nay! Hindi na ako bata 20 anyos na ako, tapos binabata-bata mo pa ako, nakakahiya!"

"Ahh ganon nahihiya ka na sa nanay mo!?"

"Hindi naman sa ganon nay, ang gusto ko lang ituring niyo ako base sa edad ko"

"Sige, bahala ka! Basta tatandaan mo ako ang nanay mo at ikaw ang tagapagmana ng lolo mo"

"Tagapagmana, tagapagmana, yeah, yeah!! Ano pa bang bago don? Kahit hindi ko naman gusto kayo ang masusunod"

"Learicka,anak kailangan mo ng masanay"

"Opo!, para namang may magagawa pa ako" pagbulong ko

"Ano 'yon?"

"Wala po, sabi ko puntahan ko muna si elline sa bahay nila"

"Sige, mag-ingat ka"

( Lumabas na ako ng bahay, actually wala na akong maidahilan kay nanay na iba kundi si elline ang bestfriend ko at kababata dahil matalik na kaibigan ng pamilya ko ang pamilya ni elline kaya madali lang kaming nagkasundo... Jennie Angelline ang pangalan niya angge ang tawag ko kapag nabisita ako sa bahay nila at langka ang tawag niya sa akin, wala lang napag-tripan lang namin na tawagin ang isa't isa sa ganong pangalan para unique yun ang sabi niya dahil medyo may kalokohan ang babaita, kapag may outing ang pamilya ko kasama rin ang pamilya ni elline as in kahit buong angkan nila at angkan namin magkakasama, well hindi na ako nagtaka dahil mag-business partners ang lolo ko at lolo ni elline, Oh di'ba ang bongga,kaya sobrang connected namin sa isa't isa ni elline na nagtuturingan na kaming tunay na magkapatid )

"Langka!!" Alam ko ng si elline ang tumawag sa akin kaya agad akong napalingon sa likuran ko at huminto sa paglalakad.

"Ohh, ba't ka tumatakbo?"

"Galing kasi ako sa panaderya ni manang bebang kaya ayon napabili ng masasarap na enseymada, kabayan, at maiinit na pandesal na may malunggay" Habang tinuturo ang mga pinamiling tinapay na nasa supot pa

"Marami kang binili? Penge ako ah"

"Naman, ikaw paba malakas ka kaya kay mama kaya pinabili rin niya ako ng paborito mong pilipit"

"Alam talaga ni mama rina ang paborito ko, tara kainin na natin sa bahay niyo" Pagyaya ko kay elline

"Teka lang, nag-away kayo ni nanay sheena noh?"

"Hindi!"

"Naku, alam ko na yan, napag-usapan niyo na naman noh, yung tungkol sa mana mo"

"Hayss, bahala na talaga"

"Bakit hindi mo nalang sabihin kay nanay sheena na ayaw mong mag-handle ng isang malaking kompanya, siguro naman maiintindihan niya yun noh"

"Paano kung hindi?"

"Sus, si nanay sheena pa ba? Syempre maiintindihan ka non"

"Alam ko naman yun, pero si lolo ang problema gusto niya talagang ako ang mag-handle ng company imbes na ang kuya erick ko"

"Ohh, bakit ayaw niya kay kuya erick, ehh mag magaling pa nga si kuya erick humandle ng kompanya kaysa sayo ehh"

"Ewan ko din ba kung bakit ayaw ni lolo kay kuya"

"Maiba lang ha, papasok kaba bukas?" tanong ni elline

"Oo naman"

"Sus, aawayin mo lang ulit si mr. Lazaro ehh"

"Excuse me! siya yung nauna noh"

City of love💕Where stories live. Discover now