PROLOGUE:
Uhhhh mga anak.Remind ko lng senyo na maybe author's pov lahat hanggang huli o baka naman mag lalagay din ako ng pov's nila pero panandalian lamang...Anyways,I'll try nalang hehehe..Thats all lang naman...Thank you♥MADALAS tangungin ni Trisha kung hindi raw ba awkward sa kanya na mag-isa siyang nagpupunta sa mga mall o sa iba't ibang lugar.Pero bakit niya iisipin na awkward iyon?Hindi niya maintindihan.Marahil,para sa ibang tao ay malungkot ang mag isa.Loner kasi ang gaga.Para daw siyang kaibigan.Wala ring kausap.Mas masaya raw kapag may kasama.Sabi nga ng ilan,the more,the merrier.
Pero iba ang interpretasyon ni Trisha sa pag-iisa niya.Para sa kanya,mas happy daw iyon.Feeling nya ay malaya daw siya.She can do whatever she wants.She is the person na madaling ma-conscious kapag may kasama.Loner daw kasi ang gaga.May tendency pa na taliwas sa gusto niya ang gusto ng kasama niya.Hindi naman sa wala siyang pakisama.She is used to be alone.Siguro kasi dahil mag-isa na lang siya sa buhay.
Maaga siyang naulila.Anim na taon pa lamang siya nang mamatay ang parents nito mula sa vehicular accident.Kasama siya sa aksidenteng iyon at siya lamang ang naka ligtas.Ang masayang trip sana nila ng pamilya niya papunta sa Baguio ay nauwi sa malagim na trahedya.Hanggang ngayon ay nakatatak pa rin iyon sa puso at isipan nya.
Naalala pa niya,nagkakantahan sila ng mga magulang niya sa loob ng sasakyan nang biglang may rumaragasang truck na tinumbok ang direksiyon nila.Naibuwelta ng kanyang ama ang manibela upang iwasan ang truck pero dahil matarik ang daan ay walang ibang napuntahan ang sasakyan nila kundi sa isang bangin.Mahigpit na niyakap siya ng kanyang ina upan maprotektahan siya.Narinig pa niya ang mga huling sinabi nito bago siya nawalan ng malay
"We love you,anak.We always do.Always remember that"Hanggang ngayon ay paulit-ulit na napapanaginipan niya iyon.Kahit 28 na siya ay dinadalaw pa rin siya ng masamang panaginip na iyon.Hindi pa rin niya natatanggap ang pagkamatay ng mga magulang niya.
Pagkatapos nga aksidenteng iyon ay napunta siya sa tiyahin nya----kay Tiya Ella.Ito lang ang nag-iisang kapatid ng nanay niya at ito na lang ang natitirang kamag-anak niya dahil nag-iisang anak lamang ang kanyang ama.Kung prinsesa ang turing sa kanya ng kanyang mga magulang ay naging kabaligtaran iyon nang tumira siya kay Tiya Ella.Naranasan niya ang lahat na yata ng klaseng pananakit na kayang abutin ng isang bata.Kung minsan,sa tingin niya ay sobra pa ang nararanasan niya.
Nagtiis siya.Nag aral siya ng mabuti.Mabuti nalang at may iniwang trust fund ang mga magulang niya para sa kanya at nakapag-aral siya sa isang magandang unibersidad.Isang magaling na businesswoman ang pangarap ng kanyang ama oara sa kanya.Ginawa niya ang lahat upang matupad ito.Nagsumikap siya hanggang sa makapasok siya sa isang kilalang real estate company sa bansa.Dahil nakitaan na siya ng potential nang pumasok siya roon ay naging madali sa kanya ang pag-angat ng posisyon sa kompanya.Hanggang sa nakuha niya ang posisyon ng oagiging vice president.Wow rich??
Lahat ng taong nakapaligid sa kanya ay matapang ang tingin sa kanya.Mailap din sia sa mga kaopisina niya.Ang tanging focus lang niya ay ang mang trabaho.Nangingilag na lumapit sa kanya ang mga kaopisina niya dahil natatakotdaw siya.Kung alam lang ng mga ito na sa likod ng malatigreng ugali niya ay isang maamong tupa na naghahanap ng kalinga at pagmamahal.
Bago siya makapagtapos ng kolehiyo ay namatau ang Tiya Ella dahil sa cancer.Pero sa kabila ng ginawa nito sa kanya ay pinatawad niya parin ito.Inalagaan niya ito at nag hanap ng solusyon upang masalba ang buhay ng Tiya.Bago ito pumanaw ay nagkapatawaran sila.Kahit sa mga huling sandali nito ay naiparamdam nito sa kanya ang oagmamahal na nararapat daw para sa kaniya.
Trisha Castiñeda.Ipinangalan daw siya ng kanyang ama sa isang nililigawan nito ng halos limang taon.Crdts:PRECIOUS PAGES CORPORATION
COPYRIGHT©2013 by Precious Pages Corporation
(I would like to copy this story from the book since a lot don't usually read from PPC.Sa paraang ito,mas matututunan niyo ang mag mahal.CHAREZZZ SHEESHH.I mean nag karoon ako ng courage na i upload ang story na ito sapagkat iilang lang ang may PPC book..Yun lang,and salamat♥)
YOU ARE READING
Fallin' For You
Teen FictionWalang pakialam si Trisha kung maging single siya buong buhay nya,sanay na siyang mag-isa.Pero isang araw,sa hindi inaasahang pangyayari ay nakilala niya si Claude habang nakikipag-break ito sa girlfriend nito.Mula nang araw na iyon ay parati nang n...